Nangyari ito way back 2014. Nung nag wo-work po ako sa isang sikat na Supermarket dito sa province bago pa man nag ka SM Mall. Part ako ng Admin meaning pantay kami sa mga taga HRD.
CRM ang trabaho sa company na ito. Hawak ko ang transaksyon ng market pagdating sa privilege cards ng mga valued customer namin. Marami din naman kami sa IT department yung iba nasa warehouse.
Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang katrabaho ko sa company isa syang encoder sa warehouse ng market. Nangyari ang insidente nung mag karoon kami ng gathering sa isang Disco and videoke bar and Hotel na pag-aari din ng boss namin.
Ginagawa kasi ang gathering na ito para sa mga baguhang gaya namin para magka kilanlan at mawala ang ilangan sa kasamahan namin sa department na datihan na. Sa IT department lang naman yun.
Since, karamihan puro mga lalake kaya inuman ang nangyari. Yung ibang mga kasamahan naming babae na ayaw uminom ng alak eh yung pineapple juice ang sa kanila.
Itago ko nalang sa pangalang Pher ang ating bida. Alas syete ng gabi ang usapan at sa mismong bar na kami magkikita kita. Pero kaming malalayo pa ang uuwian nag dala nalang kami nuon ng extrang t-shirt pamalit sa uniform namin.
Kaya ang siste kumain na muna ang karamihan samin sa isang sikat na fastfood na naka franchise ang company namin. So pag pasok palang naming sa loob agad ng nagsabi si Pher na uuwi din sya agad at magkikita pa daw sila ng girlfriend nya.
Dahil dun kinantyawan sya ng Department Head namin. "Ano bayan di mo pa asawa under kana!" sabay tawa. Nagtawanan din kami. At yun nag start na ang party. Kanya kanya ng pili ng kanta. Habang tumatagay ng alak. Kuwentuhan, kantahan at minsan sumasayaw pa kami kapag nakaka indak yung kanta.
Di namin namalayan alas dyes na pala ng gabi kaya yung iba nagpa-alam ng umuwi at maaga pa ang pasok nila kinabukasan. Kami namang anim ang nagpa iwan dahil pang second shift naman kami kaya okey lang mag puyat. At sa boarding ng isa naming tropa kami makikitulog.
Bandang alas 10:30 nang maalala ni Pher na may usapan pala sila ng girlfriend nya. Kaya nung magpaalam pinayagan na namin. Kasi gabi na nga masyado.
Wala syang dalang motor nuon kaya nag-abang sya ng tricycle na pwedeng arkilahin hangang sa terminal ng kanyang bayan (di ko napo babangitin kung anong municipality sya).
May isang oras at kalahati din yun. Tinatawagan nya ang gf nya sa phone nito pero ring lang ng ring di naman sumasagot. Kaya nag-aalala sya baka hindi ito sisipot o baka naman nainip na sa paghihintay at umuwi nalang.
Sa wakas nakarating din sya. Kahit lasing kaya pa naman nyang mag lakad ng maayos. Pagbaba nya sa terminal na kung san sila magtatagpo ng kanyang girlfriend. Napansin nyang walang katao-tao at madilim na sa terminal.
Tinawagan nya uli ang phone pero out of coverage na ito. "Nagtampo na siguro dahil na late ako tapos di ko pa na txt kanina" sa loob-loob nya. Since kaya naman nyang lakarin pauwi ng bahay mula terminal nag desisyon na syang umuwi nalang.
Pero nang hahakbang na sya bigla syang nakarinig ng ungol. Ungol ng isang babae. "Tuuuu---tuu-luu-nngan mooo aaakoo!!!" sa parang pabulong at paos na boses. Kinabahan sya ng mga oras nayun. Dahil bali-balita na may nagpaparamdam daw sa terminal nayun.
Pero nilakasan nya ang kanyang loob. Luminga linga sya para maka siguro sya kung totoo ba yung narinig nya o guni-guni lang dahil sa kalasingan nya.
Napaatras sya ng biglang may lumitaw na isang babaeng duguan. yung muka nito punong-puno ng dugo at may malaking sugat sa ulo na malapit sa mata na dahilan ng patuloy na pagragasa ng masagang dugo sa mukha ng babae. Hindi mo na makilala dahil natakpan na ang muka nito ng maraming dugo.
Nakaangat ang dalawang kamay nito na tila ba gusto syang hawakan o ano paman. Pasuray-suray itong naglalakad palapit sa kanya. "Tulungan mo ako....maa---wa—ka sssaakiiiinnn!!!!" sigaw ng babae sa nakakakilabot na boses.
Parang biglang nawala ang kalasingan ni Pher sa nangyari. Sa sobrang takot kumaripas sya ng takbo. Hangang makauwi sya sa kanila. Hingal na hingal syang nakapasok ng bahay. Nadatnan nya ang kanyang nanay na nanunood pa ng TV. "Oh bat para kang hingal kabayo dyan na hinabol ng multo?" tanong ng kanyang ina. Di nya alam kung sasabihin ba nya yung nakita nya kanina.
"Nagpunta si Jennifer dito kaninang alas nueve hinahanap ka. Di ka nya ma contact. Sabi nya magkita nalang daw kayo sa terminal." Ang nanay nya. Nang biglang may tumatao sa labas ng gate nila. Sinilip nila ito ang mga parents at kapatid pala ni Jennifer ang tumatawag.
Lumabas ang mag-ina para kausapin ang mga ito. "hindi ba kayo nagkita ni Jennifer?" Tanong ng mama ng kasintahan na halatadong nag-aalala. "hindi nga po eh!" sagot naman ni Pher na nanginginig parin sa takot. "San kaya nagpunta ang batang yun? Di narin ma-contact ang cellphone." Ang papa naman ng kasintahan.
Konting usapan pa ang nangyari nang magpaalam na ang mga ito at susubukan daw nilang hanapin sa mga barkada at kamag-anak. Di na mapakali si Pher ng gabing yun.
Kinaumagahan, nagising syang umiiyak ang kanyang nanay. Niyakap sya nito pagkakita sa kanya. Tinanong nya kung bakit at yun nagimbal sya sa natuklasan. Patay na si Jennifer na kita ang bangkay nya sa terminal na duguan at may malaking sugat sa ulo na malapit sa mata na naging dahilan ng kamatayan nito dahil sa naubusan ng dugo.
Ayon sa imbestigador nasagasaan ito ng malaking truck at tumilapon sa pader na tumama ang kanyang ulo. Kung may nakakita pa daw sana sa dalaga ng mga oras na buhay pa ito at naisugod sa hospital malamang nakaligtas sana ito sa kamatayan.
BINABASA MO ANG
GABI NG LAGIM COMPILATION
HorrorGABI NG LAGIM COMPILATION AUTHOR'S NOTE Bago po ang lahat sana huwag po tayong makalimot na magdasal sa ating Lumikha. Dahil sa lahat po ng nangyayari sa ating buhay, sya l...