CHAPTER SEVEN SEMENTERYO

37 1 0
                                    

Nangyari ito few days ago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nangyari ito few days ago. After ng Bagyong Lawin. Nakaugalian na kasi dito sa probinsya weeks before ang undas ay nag lilinis na kami ng mga puntod ng aming mga yumaong kapamilya.

Nang matapos ang bagyong lawin napag desisyunan naming tatlo ng tropa ko na pumunta ng sementeryo para tignan kung may mga napinsala at the same time makapag linis narin sa mga puntod ng aming kapamilya.

Bandang alas onse y media ng umaga ng mag punta kami duon. Gamit ang single na motor. Since unang bubungad ang Catholic Cemetery so yung sa nanay ko na muna ang inuna namin. After siguro ng halos isang oras natapos din namin ang pag dadamo at pag wawalis.

Nag pahinga lang kami saglig at saka kami pumunta sa Public Cemetery. Di gaya sa Catholic my mga tao at carpintero kaming nakikita palibhasa karamihan kasi ang nakalibing dun ay mga intsik.

Dito sa Public makikita mo talaga ang pinag kaiba ng mahirap at my kaya. So yun na nga. Pag dating namin sa puntod ng mga parents at grand parents ng barkada ko. Kapansin pansin ang napaka tahimik na paligid walang mga tao.

Pero my napansin kami sa di kalayuan na parang isang pamilya na nag p-picnic at nag iinuman. Di nalang namin pinansin.

Nag umpisana na kaming mag linis since dalawang puntod kasi ang lilinisan namin kaya natagalan kami tapos sobrang init pa.

Umupo muna kami sa kalapit na puntod na naka tiles at my bubong. Nag kukuwentuhan kaming tatlo ng my biglang may isang matandang nag salita at naka tayo sa likuran namin. Medyo nagulat kami kasi hindi namin napansin kung san sya dumaan at hindi man lang namin napansin.

Maayos naman ang itsura nya. Naka suot sya ng puting polo shirt at black na pantalon na naka sapatos ng itim. Medyo kulubot narin ang muka nya.

"Kaninong puntod yang nililinisan nyo?" Tanong nya sa amin.

So yung kaibigan ko ang sumagot.

"Mabuti pa sila may dumadalaw ano? May nag mamahal parin sa kanila"

Napansin namin na parang may namumuong luha sa mata ng matandang kausap namin. Kaya yung isang tropa ka na milosopo.

"Oo nga po eh. Mabuti pa sila kahit patay na dinadalaw pa. Pero sila di man lang nila magawang dumalaw sa amin." Tapos sabay tawa ng malakas at nakitawa narin kami. Medyo naka ngiti na yung matanda ng tignan namin.

Tapos sabi nya "mga balong mauna na ako. Ingat kayo ah!" Tapos naglakad na ito palayo sa amin. Dumaan sya sa my mga puntod na patong patong. Kaya di narin namin nakita kung san na sya dumiretso.

Tatayo na sana kami para mag linis uli ng biglang may lumapit na dalawang lalaki na mukang naka inom. Sila yung nakita namin kanina na nag p-picnic di kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Kami ba ang pinagtatwanan nyo?" Tanong nung isa na halatadong lasing na.

"Ano yun kuya? Pinag tatawanan namin kayo?"

"Tawa kami ng tawa kuya kasi may kausap kaming matanda kanina nakikipag biruan sya." Sumabat na ako kasi nag iinit na yung isang tropa ko.

"Anong kausap na matanda. Kanina pa namin kayo tinigtan tatlo lang kayong nag tatawanan!"

"Tama na yan!" Boses ng isang babaeng may katabaan na nalaman naming asawa ng lalaking lasing.

Nang inutusan nung babae yung kasama nung lasing na pabalikin na yung asawa nya at nakipag usap sa amin at humingi ng dispensa.

"Hala ate nag sasabi po kami ng totoo may kausap kaming matanda dito kanina." Pag papaliwanag ko.

"Oo naniniwala ako sa inyo. Kasi nakita ko din yung matanda. My third eye kasi ako." Nagulat kami sa huling sinabi ng babae.

A/N: Sana nagustuhan nyo guys. Di sya creepy pero totoo po itong nangyari. Dito ko unang nag post ng story na ito. At sa nxt month ko na i popost ito sa wattpad.
Share din kayo kung may experience kayong ganito. Thanks for reading.

GABI NG LAGIM COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon