Kayo ba yung tipo ng tao na mahilig sa pamahiin? Sa tingin nyo ba totoo ito at may dala itong kamalasan sa mga taong ayaw sumunod dito.
Itong kuwentong ito ay nangyari nuong 1997 pa. Maalala ko ito bata pa ako nuon ng mangyari ito.
Kasi isa sa abay sa kasal ang kapatid kong babae sa kaibigan nyang ikakasal.
High School palang nang ligawan ni kuya Rigor (Di tunay na pangalan) si ate Jona barkada ng ate ko.
Nangako na raw sila nuon na after ng college mag papakasal sila. Kaya naman kilig na kilig daw sila ate nuon.
At dumating na nga ang pinakahihintay nila. Actually bago pa daw nag proposed si kuya Rigor kay ate Jona nuon ay nag aaway sila.
Kaya nagulat nalang sila ng mabalitaan na ikakasal na ang mga ito. Kung hindi ako nagkakamali mga buwan ng Marso yun nung magpakasal sila.
Sabi nga nila perfect combination sila. Bukod sa pareho na silang may itsura ay may trabaho na kaagad ang naghihintay sa kanila.
Si kuya Rigor ay graduate ng engineering kahit hindi pa sya naka pag board exam nuon ay kinuha na sya ng mga tiyuhin nya sa Saudi at si ate Jona naman ay sa isang bangko mag tratrabaho.
So heto na, araw ng kanilang kasal. Engrande ang ginawang kasal para sa dalawa. Andaming mga ninong at ninang at mga bisita ang dumalo.
Sa pagkaka alala ko ay naka luhod na sila nuon tapos yung mga abay ang nasa gitna ng ailes.
Pero isang pangyayari ang bigla nalang pinag usapan at lahat ng nandun ay nagbulungan.
Yung kasing kandila na nasa side ni kuya Rigor na sinindihan ng abay ay ilang beses namamatay.
Kaya hangang sa natapos yung kasal. Ay ganun ang nangyari.
Kaya sa reception pinag uusapan iyon. Katabi ko ang ate ko sa upuan habang kumakain.
Sabi daw nang mga matatanda masama daw ang ibig sabihin nung namatay na kandila tapos hinayaan nalang na nakapatay ito. Dapat daw yun after nf kasal pinapatay yung kandila hindi kusang namatay.
Tapos sabi pa nila dapat daw bumalik daw si Kuya Rigor sa church at sindihan uli yung kandila nya saka nya ito papatayin.
Hangang sa natapos ang masayang reception wala namang nangyaring masama.
Hangang sumapit ang kinaumagahan. Nabalitaan nalang ng ate ko na patay na si Kuya Rigor.
Ayon sa kuwento sa kanya ni ate Jona. Nung gabi daw na yun parang hindi daw mapakali si kuya Rigor at iniisip nya yung sinabi ng mga matatanda tungkol sa kandilang namatay.
Para daw itong balisa at takot na takot. Pero sinabihan naman daw sya ni ate Jona na huwag isipin iyon at pamahiin lang.
Tapos bandang alas onse daw ng gabi nagising sya na wala sa tabi nya si kuya rigor. Kaya bumangon ito at lumabas. Nakita nya sa labasan ang ilan pang mga kamag anak at bisita na gising at nag iinuman.
Tinanong daw nya ang mga ito at ang sabi sa kanya. Bumalik daw ito ng church dala ang isang kandila at sisindihan daw nya uli ito dahil natatakot daw sya sa pamahiin. Kaya hinayaan nalang nila.
Dala nya ang kanyang single na motor. Ayon sa mga naka kita ng aksidente hawak pa daw ni kuya rigor yung kandila na kahit tumilapon na ito sa kalsada.
Ang tanong tuloy ng iba. Kung hindi daw sana naniwala si kuya rigor sa pamahiin eh di sana hindi nya ma iisip na bumalik ng church para lang mamatay dahil sa takot sa pamahiin.
BINABASA MO ANG
GABI NG LAGIM COMPILATION
HorrorGABI NG LAGIM COMPILATION AUTHOR'S NOTE Bago po ang lahat sana huwag po tayong makalimot na magdasal sa ating Lumikha. Dahil sa lahat po ng nangyayari sa ating buhay, sya l...