CHAPTER FOUR ANG NURSE

38 1 0
                                    


Ang kuwentong ito ay matagal nang nangyari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang kuwentong ito ay matagal nang nangyari. Kuwento ito ng classmate namin nuong high school pa kami. Actually kuwento ng ate nya sa kanya na ikunuwento naman samin.

So diko alam kung true ito o hindi. Ang ate nya ay college na nuon at nag-aaral sa isang sikat na University sa (diko na po babangitin yung name at place para narin po sa protection ko at nila.)

Yung ate nya ay isang student nurse sa naturang university si Ate Maricar (di tunay na pangalan). Ang kuwentong ito ay hindi tungkol sa kanya. Tungkol ito sa ka klase nya sa isang subject.

Di ako sure kung anong subject ang tawag dun sa nag-iinspect ng mga bangkay. Yung pinag aaralan nila ang bawat parte ng tao. Human Anatomy ba yun?

Pero nurse silang pareho. Ganito ang kuwento nya. Close daw sila nung nurse kasi mabait ito at malambing. Na ikuwento nito sa kanya ang kanyang buhay. Itago nalang nating sa pangalang Mich yung classmate ni ate Maricar

So heto na po ang kuwento ni Ate Maricar tungkol sa classmate nyang si Mich. Hindi daw pangarap ni Mich na kumuha ng kursong nursing dahil ang gusto nito ay maging isang abogado.

Dalawa lang daw silang magkapatid parehong babae ang ate Chelle nya (di tunay na pangalan). Si ate chelle nya pangarap nitong maging nurse kahit nuong bata pa sila.

Lagi daw nitong sinasabi sa kapatid nyang si Mich na dapat pareho sila ng magiging propesyon balang araw. Pero laging tumatangi si Mich kasi ang gusto nya maging abogado.

Close daw silang magkapatid. Bukod sa dalawa lang naman sila at pareho pang babae. Kaya nagkakasundo naman sila sa maraming bagay. Fourth year college na nuon ang ate Chelle nya at graduating na. Samantalang si Mich naman ay third year high school sa probinsya nila.

Last semester na nuon ng may mangyaring hindi maganda. Christmas break nuon. So plano ni Chelle na umuwi sa kanilang probinsya para makasama ang kapatid at pamilya sa pagdiriwang ng pasko at new year.

Excited nuon si Mich sa pag-uwi ng ate nya kasi three days nalang pasko na at may pasalubong para raw ito sa kanya na strawberry at peanut brittle. Nuong panahon nayun di pa naman uso ang cellphone at mangilan-ilan lang ang meron.

So hintay daw sila ng hintay hangang natapos na ang new year walang Chelle na dumating. Ayon naman sa land lady nya Dec. 22 palang daw nag-paalam na ito na uuwi ng probinsya. Bandang alas sais daw ng gabi ng umalis ito ng boarding.

Pero mula nuon di na raw nila nakita ang ate chelle nya. Kahit anong balita, wala. Nag pa blotter na sila at nanawagan sa isang stasyon pero wala parin makapag sabi kung nasan ang ate Chelle nya.

May nagsasabi na baka nakipag tanan o baka nabuntis at nagtatago nalang muna. Pero ayon naman sa mga nakausap na kaibigan nito sa University wala naman daw nobyo ang ate Chelle nya.

Hangang sa hindi na mapigilan ni Mich, napapana ginipan na nito ang kanyang ate. Minsan daw umiiyak ito. At meron paraw minsan napa-panaginipan nya na kasama nya daw ang ate nya sa university na pareho silang naka uniform ng pang nurse.

Tapos madalas pinipilit daw sya ng ate nya na mag nurse sya pag ka graduate nya ng high school. Lahat ng yun ikunuwento ni Mich sa magulang. Ang sabi sa kanya baka sobrang na mimis lang nito ang ate nya.

Pero nung grumaduate na sya ng high school nag enroll sya sa university na pinasukan ng ate nya nuon. Pero ibang kurso ang kinuha nito. Political Science dahil nga sa gusto nitong maging abogado.

Ilang araw nalang kukuha na ng entrance exam si Mich para sa kursong kinuha. Pero hindi sya tumuloy. Isang gabi bago ang entrance exam nya kina umagahan. Napana ginipan daw nito ang ate Chelle nya na galit na galit at sinisigawan daw sya nito.

Sinasabi daw ng ate nya na matigas ang ulo nya at bat ayaw daw nitong sumunod sa gusto nito na pag ne-nurse ang kunin nito. Hindi nya maintindihan kung bakit ganun ang laman ng kanyang panaginip.

Hangang nakapag desisyon narin si Mich na nursing ang kanyang kukunin. Mula nuon hindi na nya napapa naginipan ang kanyang ate. Hangang sa mag second year college na ito. At nakilala na nga nya ang kapatid ng classmate namin na si Ate Maricar.

Hapon daw ata nun nung papuntahin sila sa morgue ng kanilang professor para sa subject na Human Anatomy. May sariling morgue ang university dahil nga para sa kanilang mga estudyanteng nag aaral ng pag ka doctor at nursing at any related for medicine course.

Pag pasok nila sa morgue naginginig sila sa lamig at takot. Dahil fisrt time lang nilang lahat na makapasok sa ganuong lugar. Nagsalita ang professor nila. Sinabi nito na huwag silang matakot at dapat masanay na silang makakita at makahawak ng mga patay.

May tatlong bangkay na nababalutan ng puting kumot ang nakahilera sa harapan nila. Ang gusto ng professor tatlong estudyante lang ang papasok sa loob ng morgue at yung tatlo ang pipili kung alin ang bangkay na kanilang sisilipin.

So pinalabas na muna yung iba. Yung iba naiiyak na sa takot at yung iba naman ay excited na di mo mawari. Samantalang si MIch hindi nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso.

Twelve na ang mga estudyanteng natapos. So sila Mich na ang sumunod. Ang gusto ni Mich yung nasa bungad lang na bangkay ang kanyang pupuntahan para madali din syang maka labas kung saka-sakali.

Kaya nung nag go signal na ang professor nila. Biglang tumakbo si Mich sa loob para maunahan ang dalawang kasama. Pero natigilan sya bigla ng paglapit nya sa bangkay na nasa bungad.

Nagbago ang isip nya. Kaya nakipag palitan sya sa kasama nyang ang napiling bangkay ay yung nasa dulo pa ng morgue. Hindi nya alam kung bakit. Nanginginig syang nilapitan ito.

Huminga muna sya ng malalim sa pag-aakalang mababawasan ang kaba at takot na nararamdaman. Dahan-dahan sabi nya sa sarili. At yun nga ang ginawa nya. Dahan-dahan nyang inangat ang kumot ng napiling bangkay at nasindak sya sa nakita.

Umalingaw-ngaw sa loob ng morgue ang malakas na sigaw ni Mich at umiiyak ito. Nagsilapitan ang ap o klase nito at professor nya. At nagulat sila ng sabihin ni Mich "Ate Chelle!!!!".

A/N: Kaya pala hindi na nakauwi ang ate Chelle nya at kaya pala pinipilit sya nitomg kumuha ng nursing sa kanyang mga panaginip dahil yun lang ang paraan para matag puan nila ang bangkay nito.


GABI NG LAGIM COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon