Si Joana ay simpleng dalaga lamang. Tawag sa kanya nerd or outcast. Pero mabait ito sa mga kaibigan at pwede mong utus utusan na parang katulong. Hindi sya nag rereklamo kahit kailan.
....
Si Mona naman ay maganda at anak mayaman. Campus queen kung ituring sa kanilang school. Maraming nag kakandarapang manligaw at gusto syang maging kaibigan. Pero mapili ito a hindi basta basta kumukuha ng kaibigan. Kaya nga maraming nagtataka kung bakit napasama sa grupo nya ang tulad ni Joana.
.....
"Are you sure babe, isasama natin ang nerd na Joana na yan?" Si Nicko na halatang iritable dahil hindi nya gusto si Joana na mapabilang sa grupo.
"Pssst! Huwag ka ngang maingay baka marinig ka nya."Si Mona.
Si Nicko ay maituturing na campus hearthrob, bukod sa taglay nitong ka gwapuhan at kakisigan ay madalas itong mg MVP dahil sa husay nyang maglaro ng basket ball.
......
"Sigurado ba kayong sa creepy na place na yan tayo pupunta?" Si Mika na halatang natatakot.
" Hello! Tanga ka ba, eh diba nga kaya ka napa sama sa grupong ito dahil sabi mahilig ka sa ghost hunting." Si Diego isang malditang bading.
....
A dumating na nga ang araw nang kanilang fieldtrip anim lamang silang nakasama mula sa sampu.
Bandang tanghali ng malapit na nilang marating ang San Nicolas ng muntikan na silang maaksidente.
May isang matandang babae na may kasamang batang lalaki ang muntikan na nilang mabungo.
....
Bumaba si Nicko ng van at di napigilan ang sariling murahin ang matanda.
"Tanga ba kayo? Kung gusto nyong mag pakamatay huwag na kayong mandamay!" Ang pa sigaw nitong tinuran.
"Tama nayan. Huwag mo ng patulan." Si Mona na nuoy nasa likod na ni Nicko.
"Pasensya na po hindi na po ma uulit!" Si Joana na naka baba narin pala sa van kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.
"Eh isa din palang tanga to eh!" Si Nicko habang dinuduro si Joana.
"Ito ang tatandaan mo ijo. Ang sobrang pag mamalabis at pang aapi ay may katumbas na kaparusahan. Tandaan mo yan." Ang tila nag babantang matanda.
"What ever!" Ang pilosopong sagot ni Nicko bago sila tuluyang sumakay ng van.
At di nag tagal narating na nila ang San Nicolas bago pa man ang takip silim.
....
Kung iyong pag mamasdan ay tila na pag iwanan na ang bayang ito. Bukod sa wala ng sariling elektrisidad ay puro bahay kubo pa at walang gaanong tao.
....
Tumuloy sila sa isang bahay ng mag asawang Pilo at Pinang. Naging maayos naman ang naging pagtangap sa kanila duon.
...
Pero pag ka lipas ng isang araw. Isang gabi kabilugan ng buwan ay naganap ang trahedya sa mag kakaibigan.
....
Natuklasan nilang bayan pala ng mga aswang ang napuntahan nila.
....
At lahat ng mga kaibigan nila ay pinatay ng mga aswang na nag anyong mabangis na hayop.
....
Muntikan naring namatay si Mona pero nailigtas sya ni Nicko.
....
Napatay ni Nicko ang isang aswang na gustong pumatay kay Mona. Pero nagulat sila sa natuklasan ng mag ibang anyo ito. Naging si Joana ito.
"Si Jonana aswang?" Si Nicko na nuoy di maka paniwala.
"Kaya pala sya ang nag suggest ng lugar na ito dahil may masama syang balak." Si Mona.
....
Di nagtagal naramdaman nilang tila may iba pang nilalang na paparating. Kaya tumakbo na sila para puntahan ang van na sinakyan nila.
....
Mabilis ang ginawang pag mamaneho ni Nicko sa van para maka layo sila ni Mona sa mga aswang na humahabol sa kanila.
...
Sa wakas na kalayo na sila.
"Ang walang hiyang Joana na yan. Isa palang aswang nilinlang nya tayo!" Si Nicko.
....
Biglang nahinto ang van ng muntikan nanaman silang maka banga. Yung matanda na may kasamang bata nasa gitna ng kalsada.
...
"Anong gagawin mo?" Si Nicko na nataranta ng buksan ni Mona ang pintuan ng van.
"Gusto ko lang silang kausapin kung anong ginagawa nila sa ganitong oras at madilim na lugar" sagot ni Mona.
Pero bago pa sya naka baba ay nahawakan na sya sa braso ni Nicko.
"Paano kung aswang din ang mga yan?" Ang nangangambang si Nicko.
"Paano kung hindi? Nagkasala pa tayo." Walang nagawa si Nick ng tuluyang bumaba si Mona sa van.
....
At mula sa loob ng van ay kitang kita ni Nicko ang pakikipag usap ni Mona sa Matanda at sa bata. Tumingin sila sa kanya at ngumiti. Kaya napanatag narin ang loob nya. Kaya bumaba narin sya ng van para puntahan si Mona na nuoy kausap pa yung matanda at bata na nung isang araw lang ay naka sagutan nila ito.
....
Naka ngiti naring lumapit si Nicko at tila naka limutan na nya ang nangyari sa mga kaibigan.
...
Nang maka lapit na sya ay tila naguluhan pa sya sa narinig.
"Ano pang hinihintay mo bunso. Andito na ang pag kain mo!" Si Mona.
Bago paman naka kilos si Nicko ay sinungaban na sya ng bata na naging aswang.
At bago sys nalagutan ng hininga ay nakita nya ang kasintahang si Mona na naging aswang din.
"Matutuwa ang kakambal mong si Joana dahil may naipakain nanaman kayo sa ating lahi, Mona!" Ang tuwang tuwang matanda.
WAKAS
BINABASA MO ANG
GABI NG LAGIM COMPILATION
KorkuGABI NG LAGIM COMPILATION AUTHOR'S NOTE Bago po ang lahat sana huwag po tayong makalimot na magdasal sa ating Lumikha. Dahil sa lahat po ng nangyayari sa ating buhay, sya l...