CHAPTER THREE MALIIT NA TULAY

48 1 0
                                    


Masyado po bang mahaba ang chapter one and two? Hehehe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masyado po bang mahaba ang chapter one and two? Hehehe. Xenxa na po kung masyadong detailed yung pagkakalahad ng kuwento. Ito pong next na story maikli lang kasi hindi po sya masyadong detalyado at di ko nari maalala masyado yung kuwento.

Nag-iinuman kami nuon ng tropa ko kasama ang asawa nya, mga bayaw at mga byenan at mga kaibigan ng asawa nya. So medyo my i-tsitsimis lang ako ng konte. Itago nalang natin sa pangalang Buddy yung tropa ko at Maya yung asawa nya.

Si Buddy barkada ko na yan. Since kinuha sila ng tita nila mula Pangasinan para tumulong sa gilingan ng tita nya dito sa province ng Isabela. Bago pa man nya naging asawa si Maya nililigawan na yan ng kababata kong si Joms. Kaya medyo malapit narin sakin si Maya dahil magkakilala na nga kami bago pa naging sila ni Buddy.

So ayan tama na ang pagka tsismoso ni Author. Hehehe baka sabihin nyo ka-lalaking tao tsismoso. Hehehe

Heto na nga. Na ikuwento lang sakin ng mag-asawa ang tungkol sa Maliit na Tulay sa kabilang bayan. Yung tulay kasi nayun medyo pa curve ang itsura pero maliit lang sya at di naman mataas mula sa lupa.

Minsan daw nakipag inuman sila Buddy at kapatid nyang lalaki sa isang kamag-anak nila sa kabilang bayan. Naka single sila ng motor nuon. Wave ata ang tawag sa motor na yun.

So medyo nalasing daw sila. Kaya naisipan na nilang umuwi. Yung Kapatid nya ang nag mamaneho nuong time nayun. Dahil hindi na nya kayang mag drive.

Ang pagkaka kuwento pa nya sakin. Sobrang lamig daw ng gabing yun sa samantalang summer naman. At dito kasi sa probinsya kahit gabi na maalinsangan parin.

Nang papalapit na daw sila sa Maliit na Tulay. May napansin silang babaeng nakatayo sa may gilid ng tulay na nakaputi. Pero hindi nalang daw sana nila ito papansinin pero na makalapit na sila bigla raw itong tumakbo na tila gusto nitong magpasagasa.

Kaya ang ginawa ng tropa ko tinabig nya ang kamay ng kanyang kapatid na naging dahilang para madis grasya sila. Tumilapon silang pareho sa gilid ng tulay. Kahit namimilipit naraw sa sakit naisip parin nila yung babaeng naka puti. Pero wala na ito sa tulay.

Nung time na yun. Nakaramdam din ako ng kilabot sa kuwento nya. Dahil madalas ko ding nadadaanan ang maliit na tulay na yun kapag namamasyal ako sa kapatid ko sa kasunod na bayan ng pinang yarihan ng aksidente.

Pero natawa rin ako ng bigla syang tinalakan ni Maya kahit na matagal ng nangyari ang aksidente. Katwiran nito hindi daw kasi nag-paalam sa kanya ang asawa nya na makikipag-inuman pala ito sa kabilang bayan.

GABI NG LAGIM COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon