Zeryz's POV
"This is the third time babe.This is the third time she spilled a coffee on me! I think she's doing that on purpose! Get rid of her babe! Your restaurant don't need a stupid arse like her!" Galit na galit na sigaw ni Miss Alina Denver.Isa syang british model at girlfriend sya ng may ari nitong restaurant na pinag-tatrabahuhan ko.Wag kayo, english speaking yan.Di marunong umintindi ng tagalog.
"But babe, all the customers in here likes her.She's doing very well.I can't fire her." Depensa ni Sir Steven Coleman.Half american, half british.Pero nakaka-intindi naman sya ng tagalog.Sabagay, dito naman sya lumaki.
"No babe.I hade enough of her! You choose, you'll fire her or I'll break up with you!?" Galit na tanong ni ma'am Alina.
Napa-yuko nalang ako.Hindi ko naman talaga sinasadya.Pero ang masasabi ko lang, eto ang gusto kong trabaho.Hindi kasi mahirap ito kaya kinuha ko.Isang waitress lamang ako dito no.Pero infairness, malaki ang sweldo.
Huminga ng malalim si Sir Steven bago mag-salita muli.
"Fine.I'm sorry Zeryz....you're fired." Seryoso nyang sabi.
Nagka-titigan kami ni Sir.Tumulo din ang luha ko.Hindi ako nag-mamakaawa sakanya ha.Talagang ma-mimiss ko lang ang trabaho ko.Wala naman na akong magagawa eh.
"I love you babe! I really really love you! Thank you babe." Masayang sabi ni Ma'am Alina.
Ngumiti nalang ako bago umalis.Alam kong sinusyndan ako ng mga mata ni Sir pero hindi ako lumingon sa likod.Tuloy lang ako sa pag-lalakad papuntang locker room.Kinuha ko yung naka sabit kong bag,pagka-tapos ay tuluyan nakong umalis sa restaurant.
Pumara ako ng jeep.
"Bayad po, sa tapat lang ng Ashi condominium." Sabi ko.
---
Naka-rating na ako sa tapat ng condo.
"Zeryz! Sa likod ka dumaan! Inaabangan ka ni Madam sa loob, sinisingil kana!" Bungad sakin ni Thea, ang matalik kong kaibigan.Althea Martinez ang full name nya.
Bigla akong kinabahan, lumaki din ang mata ko.
"Wrong timing naman si madam.Walang wala pa kong pera eh.Sweldo ko na sana kanina kaso nasisante pa!" Angal ko.
"Gaga! Pumasok kana sa unit mo bago pa sumugod don si Madam!" Pagbabanta ni Thea.
"Sige Thea, una na muna ako.Sabihan moko kapag wala na si Madam ha!" Huli kong sabi sakanya.Hindi ko na hinintay ang isasagot nya.Tumakbo ako sa likod ng condominium.
Tumung-tong ako sa basurahan, pagkatapos inabot ko yung hagdan sa gilid ng bintana ng unit ko.Dahan dahan ko itong hinila, sunod ay umakyat na ako.
"Ugh..." Huminga ako ng malalim.
Napaka hassle talaga kapag sa likod nadaan.Bumabagsak ako lagi sa sahig.Kalahati lang ang bukas ng bintana, sira kasi ito kaya hindi nasasara o nabubukas ng maayos.
Pumunta ako sa maliit kong kusina.
"Ang malas ko naman!!" Pag-mamaktol ko.Wala nanaman pagkain sa ref o lamesa.Wala naman akong pera pang grocery.
"Kelangan ko na talagang mag-hanap ng trabaho!" Sabi ko sa sarili ko.
*knock knock*
"ALAM KONG NANDYAN KA ZERYZ! BUKASAN MO 'TONG PINTO!" Sigaw ni Madam.
Napapikit nalang ako ng marahan.No choice ako kundi buksan ito.
"Asan na ang pambayad mo!? Apat na buwan ka ng hindi nag-babayad! Mahiya ka naman!" Galit nyang sabi.
"Wala pa po akong pera Mada-----"
"Wala nanamang pera! Ayan lagi ang rason mo! Lagi mo kasing binibigay lahat ng pera mo sa magaling mong kapatid imbis na bayadan ako!Hala sige, mag-impake kana at lumayas ka dito----"
"Madam! Eto po ang bayad ni Zeryz sa isang buwan, sa susunod nalang po yung iba." Sabi ni Thea at inabot ang perang hawak nya kay Madam.
"Thea ano kaba! Hindi mo kelangan----"
"Ano ka ba Zeryz! Ayos lang.Bayadan mo nalang ako kapag may nahanap ka ng trabaho.Tsaka, hindi ko kakayanin kapag lumipat ka no! Wala na kong best friend." Sabi nya pa.
"Oh sya.Aabangan ko yung bayad mo Zeryz ha! Bibigyan kita ng tatlong linggo,may bayad ka man o wala, lalayas ka na ha!" Pagbabanta ni Madam.
Tatlong linggo? Hindi sapat yon Zeryz.Kelangan mo na talaga ng trabaho.
***
BINABASA MO ANG
He Taught Her How To LIVE,She Taught Him How To LOVE [COMPLETE]
Romance!! U N D E R R E V I S I O N !!!! A heart-breaking novel. This is the sequel of 'I married a cold hearted beast'. This is based on their child's story and what happened to them. ---