***
"Yes." Tas may pinakita siya sa tablet niya.
Isa itong imahe ng kabuoan ng gubat na ito at sa gilid ay may naka caption na 'Danger Forest'. may mga deskripsyon rin ito sa baba ng imahe.
"This forest is called danger forest dahil ang mga players na pumupunta dito barely survived and ever since that rumor starts spreading, nobody tried to go near to this forest..."
"...That's how the boundary was made. Syempre merong naninirahan ditong mga wild animals and also the rumored guardians of this place--'wild savages'--SHIT!!" Napa cuss nalang siya dahil sa panang muntik ng tumama sa kanya. Buti nalang agad niya itong nailagan!
Oh my gad!
"We're surrounded." Sabi niya na nakapangilabot sa akin.
Sinuri ko ang paligid and shit! Nakakakilabot ang mga pares ng mga pulang matang nakatitig sa amin!
A-ano yan? N-nakakatakot. I felt my knees weakened. Is this the end? Gusto ko ng maiyak sa takot. Wag naman po sana. Gusto ko pa pong makasal (wait, what?!).
Itinutok ni Serra ang flashlight sa kanila kaya nakita ko ang kanilang mga itsura. Mga malalaking dahon lang ang kanilang ginawang parang bahag bilang pang takip sa mga pribadong parte ng kanilang katawan.
May hawak hawak din silang mga pana. Pula ang kulay ng kanilang mga mata at may mga mahahabang pangil din ito at may matataas na mga kuku.
Para silang mga bampirang witch na mangangaso (ano?).
"Pro!..."
"... Wooden Swords!" Sigaw ni Serra at may umilaw sa dalawang kamay niya! lumitaw doon ang dalawang w-wooden swords? Sa'n galing yun?
Nagulat ako ng itulak niya ako pababa dahilan upang mapahiga ako sa lupa. Iwinasiwas niya ang kaniyang dalawang kahoy na espadang hawak sa kanyang mga kamay dahilan upang umiba ng direksyon ang panang muntikan ng tumama sa akin! Uwaah! Muntikan na akong mamatay dun! Huhuhu.
"You know how to use a sword?" Nakatalikod na tanong ni Serra sa akin habang sinasalag ng dalawang wooden swords niya ang mga papuntang pana sa direksyon namin.
"N-no." I said a matter of fact.
"Tss! Matutu ka! Here! Take this!" Sabay bato sa akin ng isang wooden sword na hawak niya.
Sungit talaga. Huhuhu pano ba tu? Pinagmasdan ko ang ginagawa ni Serra. Okay! I'll try!
Pinulot ko yung sword at tumayo. Ugh! Nanginginig ang tuhod ko. Damn!
"Defend your self with that sword. Isipin mo nalang na nasa isang laro ka na buhay mo ang kapalit pag natalo ka." Sabi niya -_-
Wow! Ang ganda ng payo niya. Nakakapag palakas ng loob. -_- (note the sarcasm)
Tumakbo siya ng mabilis papunta sa isang may dalang pana at tumalon sa sanga ng puno na kinaroroonan ng isa sa mga wild savages.
Iniilagan niya lang ang mga panang papunta sa kaniya o di kaya'y sinasalag ang mga ito. Nung makalapit na siya'y agad siyang pumunta sa likod nito at may ginalaw sa batok dahilan upang mawalan ito ng malay at mahulog sa lupa.
Kinuha niya ang pana nito at dali-daling pinuntirya ang iba.
Grabe ang galing niya! Para siyang isang ninja! Ninja moves!!! Huehue.
Okay, focus na pro. Nasa bingit na nga ng kamatayan, may gana pang magbiro. Huhu.
Nakita ko sa peripheral view ko na may tumalon pababa. Agad na naalerto ang sistema ko kaya humarap ako dito.
Sa ikalawang pagkakataon ay natitigan ko na naman ang mga mala dugong kulay na pares ng mata na para bang hinuhugot ang iyong lakas sa simpleng titig lang ng mga ito. N-nakakakilabot.
Pero hindi ito ang tamang oras para matakot. We're on a survival mode at gaya nga nung sinabi ni serra, buhay namin ang kapalit pag natalo kami kaya dapat kong tatagan ang aking sarili.
Itinutok na niya ang pana niya sa akin kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak sa wooden sword na hawak ko ngayon.
---------------------------------------------------------------A/n: Vote/Comment gamers! :* Lovelots.
BINABASA MO ANG
Gwardella:World for Gamers[Slow Update]
Fantasía*** [Still On Going] *** What are you doing!!? GAME ON!!!! *Smirk