T H R E E

1.3K 50 2
                                    

I'M BACK! HAHA! Nakuha ko na po ang plot nito.

THREE

His Thing.

Napatitig ako sa mga librong bili ni Kuya sa school. Pitong libro iyon sa iba't ibang subject. Binuklat ko ang mga iyon at halos manlumo nang makita ang mga nakasulat.

Ito ang nightmare ko tuwing matatapos ang bakasyon. Pasukan.

"Kuya, bakit kayo ni Kuya Gian walang libro?" Tanong ko rito. Ngumiti sya.

"Magtatrabaho na kami ni Gian sa kompanya natin! Yehey! Buti nalang natanong mo bunso. Nasabi ko tuloy sa iyo." Umiling ako kay Kuya Carlos. Hindi pwede. P-paano ako? Si Lucas na lang ang makakasama ko sa school?

"Hindi pa kayo grumagraduate diba?" Tumango sya. "Bakit trabaho agad." Ngumiti sya.

"Utos ni Papa." Mataman nyang saad. Natahimik ako. Ibig sabihin, f-free na ako? Bigla akong napatalon kay Kuya. Niyakap ko sya nang mahigpit. "Naku naman, bunso... Wag ka na malungkot. Kami parin bahala sa iyo, hindi lang kami laging nakabantay."

Malungkot? Hindi ah! I'm happy! Probably the happiest! Parang bigla akong pinakawalan sa hawla ko at ngayon ko lang magagawa ang lahat ng gusto ko. Isa ito sa mga hiling ko noon at hindi ko inaasahang mangyayari talaga. God, is really good to all people especially those in need.

"A-andoon pa naman si Lucas, k-kuya. Sya na ang bahala sa akin, I'm with Yassi, too." Acting ko na parang naiiyak ako habang sinasabi ko iyon. Umiling sya at hinimas-himas ang likod ko para pakalmahin ako.

"Wag ka mag-alala bunso. We'll watch an eye on you. Lucas and Yassi can handle you." Pilit akong ngumiti bago tumitig sa mga libro ko. Umakyat ako sa kwarto ko at masayang nagpaikot-ikot sa kama. I'm free.

PASUKAN

"Bunso, sigurado ka bang kaya mo?" Napatitig ako sa mga kapatid kong mga nakabusiness attire. Ang gagwapo. Ngumiti ako sa kanila at tumango. Mabilis kong binuksan ang pinto at lumabas. Binaba ni Kuya Carlos ang side mirror nya, tumitig sa akin.

"Na-contact ko na si James, 4th year sya. 3rd ka diba?" Tumango ako sa tanong ni Kuya Gian. "Good. Si James na bahalang magsumbong na kalokohan mo habang wala kami. Be good here. Remember what I said." Tumango lang ako at tinignan ang papalayong kotse nila.

Masaya akong pumasok ng campus at tumitig sa mga taong nagmamadaling lumapit sa bulletin board. Karaniwang nakikita tuwing araw ng pasukan. Masaya akong lumakad papalapit sa bulletin board ng may humigit sa akin.

Inis ko syang tinitigan ng mamukhaan ko ito. "Anong kailangan mo?" Mataman kong tanong. Tumitig ito sa mata ko at ngumiti. "Kung wala kang sasabihin, bitawan mo na ako. Get lost." Lalong lumapad ang ngiti nya sa akin bago umiwas ng tingin.

Dumukot ito nang kung ano sa bulsa bago tumitig sa akin. May pinindot ito sa cellphone bago tinapat iyon sa tenga nya. "Gian..." Agad nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Kuya.

"Don't you dare!" I mouted to him. Sarkastiko itong umiling at ngumiti sa akin.

"Your sister is acting... Different. I didn't thought you she had this kind of attitude, fierce. I like her even more now, sorry." Natigilan ako sa sinabi nya. Parang binuhusan ako nang balde ng tubig dahil doon. L-like? L-like my face!

Nagpumiglas ako pero humigpit lang ang hawak nito. Inikot nya pa nga ako't inakbayan. Agad namin nakuha ang atensyon ng lahat kaya napasinghap ang mga nakikiusisang estudyante.

"Bro code, yes dude I know that. I'm just kidding." Natatawang sabi ni James kay Kuya sa phone. Agad nag-init ang dugo ko kaya nilapit ko sa bibig ko ang braso nya. Agad kong mariing kinagat ang braso nito.

The Badboy's Green. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon