F O U R T E E N

872 43 10
                                    

Wala bang nakapansin na mula chapter one hanggang fourteen, puro "His" ang unang word. Hahahah. That's the point of this whole story.

FOURTEEN

His Queen.

Tumitig ako kela Papa na nakaupo sa tapat ko, katabi nya si Mama, nasa likod nilang dalawa si Kuya Gian na matalim parin ang tingin, si Kuya Carlos naman ay may tingin naaawa para sa akin.

Mugto na ang mata ko sa kakaiyak. Kahit ano yatang gawin nila ay hindi nila ako makakakausap ng matino hanggat hindi ko nakikita si James. Kahit gaano kaya katalim ang titig nila at wala akong takot na nararamdaman.

"Magsalita, Nadilyn." puno nang otoridad na sabi ni Papa. Pagsinasabi nya sa akin iyon, madalas akong manginig sa takot. Pero ngayon? Wala.

"Ano bang dapat kong sabihin, Pa?" malamya kong tanong. Gusto ko lang magpahinga ngayon, pero hindi ko ata magagawa iyon dahil hindi ako mapalagay. Gusto kong makausap si James... kailangan.

"Green naman, bakit sa lahat ng lalaking pwede mong mahalin, iyong lalaking iyon pa? Hindi ka talaga nakikinig sa paalala ko at lagi mo lamang iniisip ang sarili mo, hindi ba pwede pakinggan mo kami dahil alam namin ang tama?" sambit ni Kuya.

Tumingin ako sa kanya. Gustong-gusto kong ipikit ang mata ko dahil humahapdi na iyon. Wala akong maayos na tulog dahil kinuling nila ako sa kwarto ko. Buong gabi'y puro si James ang iniisip ko.

"Ako ba, kuya, inisip mo? Did you even considered what would make me happy? Hindi naman, Kuya, diba? All you did was fill me with you warnings, hindi mo kailanman inisip ang magpapasaya sa akin." madamdaman kong sabi.

Hindi ito nagsalita at nanatili lamang ang tingin. Sumabat si Mama kaya lumipat ang tingin ko sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin, anak? Sinikreto mo ang napakahalagang bagay na ito. Ano bang masama sa pagsabi nang totoo?" tanong ni Mama. Tumitig ako sa kanya.

"Paano ko sasabihin, Ma? Kung puro babala ni Kuya ang naiisip ko tuwing dumarating ako sa puntong nakakasama ko si James? I was so scared of what Kuya can do. Ano bang ginawa ko, Ma? Is it a wrong choice for keeping this thing? Kung sasabihin ko ba, mababago ang isip ni Kuya? Magagawa nya bang maisip na dito ako sasaya kaya hahayaan nya na lamang ako? No, Ma."

"Pero nilihim mo parin sa amin! Alam mo naman palang magagalit ako, pero anong ginawa mo? You still pushed this kind of love! Ayaw ko, Nadilyn. Kung kailangan mong hiwalayan si James, them do it! Break-up with him. Wag mong antaying papiliin pa kita!" galit na sabat ni Kuya Gian.

Lumipat ang tingin ko sa kanya. Tumitig ako sa mata nito at umiling. "Pinapapili mo na nga ako, Kuya. It's between following what you want or doing what I want. Ano bang mas dapat, Kuya? Ang kasiyahan mo o ang kasiyahan ko? Kuya, kahit isang beses ba... hindi mo ako iisipin man lang?" puno nang hinanakit kong sabi.

"That's how selfish you are, Kuya... I never knew you'll be this selfish..."

Natahimik ang lahat ng dahil sa sinabi ko. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Kuya Gian. Mataman parina ng tingin ni Kuya Carlos. Galit parin ang nakikita ko sa mata ni Papa at gulat lang naman kay Mama.

"G-green..." mahinang sabi ni Mama.

"Ganoon din kayo, Ma. Selfish kayo dahil hindi nyo man lang ako hinayaan maging masaya. Gusto nyo akong itali sa tao hindi ko kilala, isang taong konektado sa business at lalong lalo na, isang anak ng kasosyo. Bakit ba napakahirap na isipin ako? Ganoon ba kahirap iyon at kayo ang gumagawa nang sarili kong kwento?" natahimik ako nang tumulo ang luha ko.

"Gusto nyong bakuran ako. Yes, I'll follow your orders. Dahil pamilya ko kayo at alam kong alam nyo ang nakabubuti sa akin... pero iyong ganito, Ma, Pa... it's not right! Kinukuha nyo ang karapatan kong pumili. Kinukuha nyo ang karapatan kong maging malaya't maging masaya!" sunod sunod ang luha ko.

The Badboy's Green. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon