S E V E N

1K 44 3
                                    

SEVEN

His Ways.

Huminga ako nang malalim. Tumitig ako sa mga pinsan kong nag-eenjoy sa pool side ng venue. Tuwang-tuwa silang nagtatampisaw at naglulublob. Kitang-kita iyon sa mga ngiting nakikita ko sa kanilang mga labi.

"Green, hindi ka ba maliligo?" Tanong ni Tita Melanie. Nag-pout ako sa kanya. Ngumiti ito at napailing. Alam nya na kasi ang ibig sabihin ng pag-pout ko.

"Hay, naku. Ang mga kuya mo talaga. Hindi talaga kami nagtataka kung bakit wala kang boyfriend na madala rito." Umiling syang muli. "Hayaan mo, marami akong kumaring may anak na lalaki... Ipapakilala kita sa mga lalaking iyon." Nakangiting sabi ni Tita.

Ngiwi akong napangiti. Gusto kong umiling na lamang at umayaw. Isa pa, meron na akong James... Hindi pa lang talaga kami pwede.

"Isesekreto natin sa mga kuya mo." Napatawa ako nang kumindat ito.

Tita Mel is a jolly type of woman. Anak nya si Kuya Renz at Kuya Ferol. Ang swerte nila kuya dahil hindi KJ si Tita. Si Mama kasi KJ, nakakainis lang minsan kasi hindi sya makasabay.

Pero naiintindihan ko namang tumatanda din si Mama. Talagang nagiging KJ na sya sa mga masasayang aktibidad. Si Papa namang kasi go lang ng go. Payag lang ng payag basta hindi puro lalaki ang kasama. Madalas kasing nakabantay sa akin sila Kuya.

"Naku, Mel. Kung ano-ano nanaman sinasabi mo kay Green." Sabi ni Tita Cerine. Ngumiti ako kay Tita bago umiling.

"Wala naman pong sinasabi si Tita Mel, Tita Cerine." Magalang kong sabi.

"Naku, Green... Maligo ka na doon, ako bahala sa mga pinsan at kuya mo. Masyadong mga Kill Joy ang mga kuya mo, hindi ba nila nahahalatang dalaga ka rin at kailangan mong mag-enjoy." Sabi ni Tita Cerine.

Tumango ako't tumayo. Mabilis kong pinuntahan ang banyo para humarin ang t-shirt ko. Nakasuot na ako nang short, two piece kasi iyong suot ko. Parang bra type iyong pang-taas. Para hindi ako pangalitan nina Kuya, nagshort akong pang swimming talaga.

Lumabas akong hawak ang t-shirt ko't naka-pony ang buhok kong may kulot sa dulo. Nakangiti pa ako noong papalabas at nawala lang iyon ng makita ko ang lalaking hindi ko inaasahang nandito.

"What the heck are you doing here?!" Pasigaw kong tanong sa kanya. Nanlaki ang mata nya't napatitig sa akin. Mula ulo hanggang paa. Kitang-kita ko ang paglunok nya matapos nya akong obserbahan.

Napatingin ako sa sarili ko at agad kong tinakip ang t-shirt na hawak ko. Tumitig ako sa kanya nang matalim. "BASTOS!" Inis kong sigaw.

Agad syang napahakbang sa likod noong sinigaw ko iyon. Hindi sya makatingin ng diretso at nasa sahig lang ang tingin nya. Napatitig ako sa kanya't nakita ko ang pagkapula nang pisngi nya.

Hindi ko inaasahang mahihiya ang isang badboy na playboy na ito at lalong-lalo na ay green-minded, dahil lang sinabihan ko syang bastos. It's in his nature, seeing naked girls for sure. Bakit pa sya mahihiya sa akin?

"Bakit ka nandito?" Kalmado ko nang tanong. Dahan-dahan syang nag-angat ng tingin ngunit hindi sya sa akin nakatingin kundi sa mga kuya kong nagtatampisaw sa pool.

"Carlos invited me. Alam kong narito ka kaya pumunta ako."

Parang may kung anong bigla na lamang kumabog ang puso ko. Ilang beses akong kumurap bago inabsorba nang utak ko ang mga katagang sinabi nya. Nahirapang akong lumunok dahil may kung anong bumara doon.

What the hell is happening to me?!

"Alam mo naman palang narito ako. Hindi ba sinabi kong ayaw na kitang makita. Kung alam mong narito ako, mas mabuting hindi ka pumunta dito't lumayo na lamang." Umiwas ako nang tingin pagsabi ko noon.

The Badboy's Green. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon