Chapter 2: The Furion's Tattoo

11 0 0
                                    

Mamaya ko na eedit., garena time muna ako hehe., mga 6pm ko eedit to,.,. :)

"This has made me more aware of the links from one type of animal to the other. It is amazing how interlinked everything is in the environment. Spiders also provide nesting material and food for the birds. Spiders are important in conserving our bird life. Everything is dependent on everything else so to conserve birds in an area its so important to try to replicate the ecology that once existed before many of them were significantly changed by humans"

STATEMENT OF: Christine Sevegan, student of AMA Computer University

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

<Larry Moteverde's Pov>

[Monteverde's Residence: Basement Laboratory Room May 18, 2*** 7am (Before the Storm Happened)]

KASALUKUYAN akong nagsusulat ng mga Ibat-ibang Formulas for Bond Formations. Hindi biro ang mga Formulas nito dahil kanina pa ako nagkakamali sa mga isinusulat ko. Hindi naman maipagkakaila saking basurahan dito sa loob ng aking Laboratory Room na punong-puno na ng scratch paper na laman.

"Argggh" iniscratch ko muli ang papel na sinulatan ko dahil sa muli akong nagkamali. Nararamdaman ko ngayon ang pananakit ng aking ulo kayat napahawak ako saking buhok dahil sa di ko mapigilan. Ang sakit!

"ties that bind" ibinaba ko ang dalawang kamay na nakahawak sa ulohan ko. Si Brood Mother pala, isa siyang malaking gagamba na kabilang sa lahi ng mga Black Arachnia. Ngunit dahil sa Pagkawatak watak ng kanilang lahi dahilan sa pagkalusob sa kanila ng mga hindi inaasahang mga nilalang. Ang lahat ng Arachnia ay pinaslang at ang iba naman ay nakatakas subalit hindi na matuntun.  Katulad ni Broodmother na ngayon ay nandito sa harapan ko.

"broodmother, ikaw pala, magandang umaga" bati ko kay Broodmother at saka hinayaan ko siyang dumapo sa aking palad. Medyo nakaramdam ako ng kiliti dahil sa nagkakapalang balahibo ng kanyang galamay.

"magandang umaga din naman Sa iyo larry" pagtugon niya saking pagbati ngunit napansin kong ang tono nito ay napakawalang buhay. "broodmother may problema po ba kayo? Parang napakalungkot niyo po eh. Sabihin niyo lang po kung may problema kayo" tanong ko kay BroodMother upang makasigurado nga ako sa aking hinala.

Itinikom niya ang kanyang mga  galamay upang mabalot ang kanyang katawan. Ganito karaniwan ang ginagawa ni Broodmother kapag nalulungkot siya. O kapag may pinangangambahan siya. Tama nga ang aking hinala kong ganun nga.

"nangangamba ako larry sa posibleng mabubuhay muli ang tinatawag nilang Lich" sa narinig kong sagot mula kay Broodmother ay nakaramdam ako ng nalalapit na panganib.  Ang Lich, si Kelthuzad! Ngunit imposimble naman atang mabuhay pa iyon. Sa pagkakaalam ko Humigit ilang siglo na ang inabot ng kanyang pagkamatay? Kulang nalang nga ipasok na siya sa lata ng Century Tuna para maging pagkain ng mga Hangal.

"napakaimposible po iyon Broodmother, alam kong napakahirap hanapin ng may lahing Blood Arachnia kung ganung isa nalamang ang natitirang lahi nila sa ngayon?"

tama! Ang Blood o Red Arachnia ay isa sa mga lahi meron ang mga Arachnia sa mundo. Hindi ito ordinaryo sa mga lahi nila dahil hindi ito katulad ng mga Black Arachnia. Ito ay napakahalaga sa kadahilanang ito lamang ang magpapalakas sa isang makapangyarihan o sabihin nating makakapagbuhay muli ng isang katawang nawalan ng mulat. Ngunit sa ngayon nga ay mahirap na itong hanapin dahil sa pagkawatak watak ng dimensyon nila. At dahil na rin ito sa mga hangal na walang alam kundi ipaglaban sila sa kapwa nila para gawing pustaan.

The Human Web (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon