NOTE: Ipapaalam ko lang po na kung mapapansin nyo ay may ibat ibang mga opinion bago ang kwento. Yan po ay mga Opinion or statement ng mga nainterview kong mga mamamayan ng ating bansa. Ang mga opinion po na iyan ay makakatulong para sa mas ikakaunlad ng ating pananaw sa kalikasan at maging sa mga Uri ng mga Gagamba. Yan lang po. Maraming salamat po sa pag-unawa, at higit sa lahat sa pagbabasa.
DEDICATED TO HER
QUESTION: What are those good benefits of different spider species in the Environment or in Society? Give atleast five (5) sentences to explain it with your own statement or opinion.
-Spiders do help in balancing our ecosystem. They ate insects that harm our fiends. Spiders ate disease carrying mosquitoes that may harm human, despite of their ugly hairy appearance they give pleasure to humans who raise them as pets, and most of all they are human friends without even knowing.
STATEMENT BY: Jhiennylhen Juridico, student of Clarendon College
SAKA NA PO ANG PAG EDIT.,, IM BUSY
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
<Third Person Point Of View>
ISANG malakas na ulan kasabay ng malalakas na kulog at matitining na kidlat ang namayani sa buong kalupaan ng kamaynilaan, hindi lamang doon pati na rin sa buong lupalop. Madilim ang buong paligid na halos matambunan na ang buong mundo ng maitim na kulay kahit napakaaga pa lamang ng oras.
Ang buong mamamayan ay nakadungaw lamang sa kani-kanilang mga bintana habang pinagmamasdan ang buong paligid. Nagtataka sila sa nangyayari kung bakit napakadilim. Nakakapangilabot naman para sa iba.
"What Time Is it Now?" kinakabahang tanong ni President Miguel sa kanyang sekretarya habang nakatanaw lamang ito sa labas ng kanyang palasyo. Mula sa pangatlong palapag na kung saan ang kanyang napakalawak na opisina. Kitang kita niya ang bawat kaganapan sa buong syudad. Kayat hindi nito maiwasang makaramdam ng kaba.
"Our Philippine Standard time now Mr. Pres is Already 7 o' clock in the Morning, " maagap na sagot ng Secretary niya at ipinagpatuloy nito ang pagsusulat sa mga papel na nakatambak sa kanyang sariling lamesa.
Ngunit sa hindi inaasahan ng lahat ay bigla na lamang nawalan ng kuryente sa buong syudad. Mas lalong dumilim ang buong paligid. Nagkakaroon lamang ng panandaliang Liwanag kapag ang kidlat ay tumitinag sa lugar na pinagtatamaan nito.
(thunder)
Isa nanamang nakakabinging kulog ang kumalat sa kabuuan. Halos nakakabingi na ito, kahit siguro takpan ang tenga mo ay maririnig mo parin ito.
"Mr. President" nagulat si Miguel sa biglaang pagtawag ng kanyang secretary na ngayon ay may hawak hawak nang Maliit ng Flashlights. Hindi sapat ang ilaw na iyon para maoccupy ang liwanag sa buong kwarto. "bakit?"
"Mr. President, dumating na po ang mga balita mula sa ating ibat ibang pahayagan at opisyal ng ating bansa, nasa labas na po sila, maaari ko po bang payagang papasukin sila dito sa loob Mr. Pres?" pahayag ng Secretary sa nakakataas
"Huwag na, ako nalang ang lalabas" sagot ni Miguel sa kanyang secretary at itoy tuluyang pumanhik patungong pintuan. Sumunod naman ang secretary nito sa kanya subalit bago sila nakalabas ay isang kulog muli at kidlat na sobrang lakas ang yumanig sa buong kalupaan. Lumindol ng marahan dahil na rin sa lakas ng impact. Kayat dinig na dinig ni Miguel ang tilian at sigawan ng kanyang mga tauhan sa palasyo. Naisip din niyang maaaring ganito din ang nagaganap sa ibat ibang lugar na kanyang nasasakupan. Gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha, tanda ng kanyang pag-aalala sa kanyang kababayan.
BINABASA MO ANG
The Human Web (On Going)
PertualanganSi Raijin Wayne Francisco ay Isang highschool Student na may kakaibang kakayahan na tanging mga gagamba lamang ang makakapaggawa. Aksidenteng sumanib sa kanya ang di-inaasahan, ang Furion na kung saan mabibigyan siya ng kakaibang lakas upang magamit...