"Siguro dahil yung Web nila, dun dumidikit yung mga insekto. At saka nanghuhuli din sila ng mga insekto for food nila which is makakatulong satin para ilessen ang mga lamok or whatsoever. Nagcacause din sila ng enjoyment. Tulad na lamang ng mga kabataan, kinukuha nila ito para alagaan, yung iba para ipanglaban. Mahalaga din ito dahil pwede itong experimentuhan"
STATEMENT OF: Janine Andrea Vizmanos, alumni of Santo Niño School of Roxas, Roxas Oriental Mindoro.-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Larry's Pov]
"bakit po ganun sila? Hinuhuli po nila ang mga kapwa naming gagamba at pinag-aaway? Hindi po bat masama iyon dahil hindi naman namin sila inaano?" tanong sakin ni Timcanpi ngunit halata sa boses nito ang pag-aalala sa mga kapwa niya gagamba.
Gamit ang aking Mountain Bike ay pauwi na kami ngayon sa bahay dahil Kagagaling lang namin sa bayan at sa iba pang mga kalye. Marami kaming mga natunghayan o nasaksihang hindi kaaya-aya. Ang mga batang nagpupustaan sa larong gagambahan.
Uso ngayon ang pangangambahan kayat hindi maiwasan ng mga Arachnia na manganib sa mga kamay ng mga tao.
"hindi ko rin alam tim, iba iba ang ugali naming mga tao, may tuso! May hangal, pero meron ding mapagmahal sa kalikasan. Maaaring hindi lang talaga nila alam ang kanilang mga ginagawa" sagot ko sa katanungan ni Tim,
Nasa kaliwang balikat ko si Broodmother habang sa kanan ko naman si Tim.
"ganun po ba?" nandito na kami ngayon sa harap ng bahay namin. . Ipinasok ko ang bike sa loob ng garahe at saka tumuloy papasok ng bahay.
Dumiretso agad kami sa unang Pintuan ng Laboratory ko. Napapansin kong mukhang hindi mapakali si Broodmother sa kanyang kinatatayuan sa balikat ko. Si Tim naman ay nakatulog na pala sa aking kanang balikat ngunit agad naman itong nagising dahil sa paunti unti kong pag-galaw.
Pipindutin ko na sana ang Key Password sa Device ng aking pintuan ng Magsalita si Broodmother. Hindi ko alam pero parang bumalik muli ang kanyang pangamba...
"teka" pagpigil niya sakin
"bakit Broodmother? May problema ba ulit tayo?" nagtanong ako para sa kasiguraduhan.
"ang Furion! Hindi ko na maramdaman ang furion!"
-YOUR PASSWORD IS VALID
WELCOME TO LARRY MONTEVERDE'S GREENLAND. ENJOY AND HAVE A NICE DAY-
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa ng agad kong naiset ang password ng pintuan. Bumukas ito dahilan upang kamiy makapasok.Ang Furion ay iniwan ko lang sa posibleng makita ng kung sinuman ang makapasok dito. Pero hindi naman ito madaling mapasukan ng kung sinumang tao ang laboratoryo ko lalot na may pinuprotektahan ito ng ibat ibang micro devices kung saan mahuli ang dapat na mahuli. Pero ano kaya ang nais na maiparating ng Pinapangambahan ni Broodmother, sa ganung hindi na nito maramdaman ang aura ng Furion. Sa pagkakaalam ko, may posibilidad na naipasok na ito sa katawan ng tao, pero sino?
Sa pangalawang pintuan kami huling humantong. Saglit kaming tumigil dahil sa di alam ang pwedeng ikakagulat namin. Sina Broodmother at Tim ay kapwa di maintindihan ang nais na iparating ng kanilang panganib. Maging ako rin ay nasimula nang kabahan dahil sa tensyong pumapagitna saming isip. Hindi ko rin alam kong bakit sumasagi saking pag-aalala ang aking nag-iisang anak. Si Raijin!
Pero dapat lang na hindi ko pangambahan ang anak ko dahil alam kong hindi pa iyon nakakauwi. Masyado pang maaga para sakanilang gimik ng kanyang barkada. Think Positive Larry, wala dito si Jin,.. WALA
Kusang bumukas ang pangalawang pintuan.
Akmang Papasok na sana ng matigilan kami sa bumungad samin.
Punong puno ng mga makakapal na sapot ang bumungad samin. Halos mapuno ang buong loob ng aking laboratoryo. Magkakakonektado ang lahat ng sapot sa bawat haligi na parang sa tansya mo ay may nangyayaring gulo... Gulo nga ba o Isang Senyales?..
"brood mother ano pong nangyayari dito?" tanong ko kay broodmother habang hinahawi namin ang mga sapot sa bawat dinadaan. Halos nanlumo rin ako dahil Marami akong nakikitang mga basag na apparatus. Sa sapot na kasing tigas ng bakal ay hindi rin nakaiwas ang mga haligi ko, na halos nagcrack na at ang iba ay gibang giba. Gulong gulo na ako, hindi ko na alam kung anong nangyayari dito!
Mas naunang lumakad sina Timcanpi at Broodmother sa akin. At ako naman ay nasa likod lamang nila at patuloy na naghahawi ng Mga kasaputan ng mga gagamba. Gaya nga ng sabi ko kanina ay napakatigas ng sapot na ito, mahirap siyang hawiin, hindi ito ordinaryong sapot ng isang gagamba. Pwersahan lang ang kailangang gamitin para mahawi ito ng tuluyan.
Sakakahawi ko, Nagulantang ako ng bigla nalamang nahintakutan sina Tim at Broodmother.
"ito na nga ang sinasabi ko!" si Broodmother
"sa wakas, nakapili na rin ang furion ng karapatdapat..!" si Timcanpi na ngayon ay nakangiti na...
Hindi ko pa nakikita ang kanilang nasasaksihan kung kayat dali dali akong pumanhik sa kanilang kinatatayuan.
Matagal akong tumingin kina Brood at Tim at saka nilingon ko ang bagay na naging dahilan kung bakit biglang tumigil ang aking mundo....
Hindi ako makapaniwala...
Minsan ko na ring ikinurap ang aking dalawang mata ngunit totoo ang ngayong aking nakikita.
Isang Nilalang ang nasa bandang gitna ng isang malaking bahay sapot ng gagamba ngunit nakatalikod ito samin.
BINABASA MO ANG
The Human Web (On Going)
AdventureSi Raijin Wayne Francisco ay Isang highschool Student na may kakaibang kakayahan na tanging mga gagamba lamang ang makakapaggawa. Aksidenteng sumanib sa kanya ang di-inaasahan, ang Furion na kung saan mabibigyan siya ng kakaibang lakas upang magamit...