Chapter 5: Who's Him

42 0 0
                                    

SAKA NALANG PO ANG EDIT KAPAG NAKAWIFI AKO NGAYON SA SCHOOL NAMIN., BAKA MGA NOVEMBER PA YUN XD

CHARACTERS AY TEMPORARY KATHNIEL FIC. CHARACTERS MUNA SA NGAYON.,. PASENSYA

"First, a species of spider clean our face by eating the deadcells, 2nd they help pollinating the flowers. 3rd, like other animals if you remove them in the cycle of nature, it will greatly affect the food chain"

STATEMENT OF: Vince Buenconsejo, student of Polytechnic University of The Philippines, Sta. Mesa.

DEDICATED TO CHRISTINE SEVEGAN. Yung prologue ay kay Vince ko nadedicated kaya kay Christine itong Chapter.

ENJOY READING....

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 5

[3rd Person Point of view]

[Manila 8am April 28, 2*** after the storm happen]

"THE HUMAN WEB: Raider Man, a real superhero!!!"

"THE SUPERHERO TODAY.. Raider Man saves the Philippines?"

"HE SAVE THE EARTH FROM DISASTER. Where Did The Raider Man Came from?"

"RAIDER MAN? OR SPIDER MAN? Which is Which?"

Ibat-ibang Pahayag patungkol sa panibagong tagapagligtas ang lumabas sa mga pahayagan sa Manila at sa iba pang lugar. Kumalat sa buong mundo ang di umanoy pagsulpot ng isang nilalang upang magligtas sa panahon ng sakuna. Halos mabenta ang lahat ng mga tindahan na may copy ng mga Patungkol kay Raider Man. Nag-uunahan pa ang karamihan para lang makibalita sa pangyayaring naganap kumailan lang. Syempre magpapahuli pa ba sila sa balitang latest? Kung isa itong makakatotohanan at kakaibang nilalang ang nasa Balita?

!Ngunit Usap-usapan parin sa lahat ang kung sino man ang nasa likod ng suot na mask nito. Isang misteryo ang bumabalot sa katauhan ni Raider Man. Iyan ang ilan sa mga Nasa Isip ng tao. Pero hindi rin maipagkakaila sa ibang mamayan ang hindi maniwala kay Raider Man na siyang nagligtas sa lahat...

"sus? Raider Man? Isang nakakatawang nilalang"

"Baka Set-up lang iyon, na isang negosyante ang nagpaayos ng mga nasira ng bagyo tapos ipapalabas nila na si Raider Man ang gumawa ng lahat. Malaki ang nagagawa ng pera"

"napakaimposible! Sa Marvel Comics lang yan nag-eexist eh!"

Sino nga ba si Raider Man para sa karamihan? Isa ba itong tunay na superhero? O isang mapaglinlang? Pero gayunpaman, ang mahalaga ngayon para sa kanila ay ang kaligtasan na ngayon ay malayo na sila sa sakuna. Pagkatapos ng isang bagyong dumaan ay isa nang maaliwalas ang pumalit dito, at sa ngayon sabak muli ang mga mamamayan sa kani-kanilang trabaho....

[Malacañang 8am April 27]

"Maaari Nyo po bang ihayag ate ang lahat ng pangyayari sa inyong dalawa ng iyong anak noong nasa binit kayo ng kamatayan" pakiusap ng Reporter ng isang istasyon sa isang ale na patuloy na umiiyak habang karga nito ang apat na taong gulang niyang anak. Kitang kita sa Mag-ina ang puros putik sa buong katawan sanhi ng trahedya.

"inabutan po kami ng baha sa bahay namin, na halos lampas tao na. Sa sobra ko pong nataranta hindi ko po namalayan na natangay na po pala ng agos ang anak ko.... Huhuhuhu" paliwanag ng ale bago ito humagulhol ng labis. Hinawakan naman ng babaeng reporter ang likod nito gamit ang kanang kamay upang hagudin at mapakalma kahit papaano. Hawak naman ng kaliwa ang mikropono ng huli...

"tapos ano pong nangyari nung tinangay ng agos ang Anak niyo? Kayo po ba mismo ang nagsagip sa anak niyo?" muling nagtanong ang reporter, pero sa ngayon ay tumigil na sa pagtangis ang ale at agad na pinunasan ang mga luhang namumugto sa kanyang mata... "sobrang layo na po ang agwat namin ng anak ko at patuloy lang siyang inaanod ng baha, pero..."

"pero ano po?"

"pero malaking pasasalamat ko dahil niligtas ni Raider Man ang anak ko... Raider Man Kung sino ka man, maraming salamat dahil kung hindi dahil sayo wala ngayon ang anak ko..."

-------------------------------

Naisipang Patayin ni President Miguel ang Tv na kanyang pinapanuod na balita at muling bumalik ito sa kanyang swivel chair kaharap lamang ng kanyang malaking lamesa. Binuksan nito ang kanyang laptop at agad nag browse sa google ng Balita.

'Raider Man' naitype niya sa search tab ang pangalan na ito sapagkat nais niyang malaman ang ibang impormasyon ukol sa kumalat na balita.

Hindi naman siya nabigo sa paghahanap dahil may ibat-ibang article ang lumabas sa resulta. Isa na dito ay ang tagalog article ng nag-ngangalang Lavi Bookman sa kanyang pinamagatang "THE HUMAN WEB: Raider Man's Theory"

Matagumpay niya itong nabuksan at agad na bumungad sa kanya ang mukha ni Raider Man. Ang larawan na ito ay kuha pa noong nasa taas pa ito ng building, yung oras na itoy nagpakilala sa lahat.

Habang nagloloading ang nilalaman ng article ay bigla na lamang pumasok ang kanyang secretary na si Marrylane dala dala ang ibat ibang folder. "Good Morning Mr. President" Ng itoy magkaharapan ay agad na inaabot ni Marrylane ang mga Hawak nitong folder at nagbow bilang paggalang "pinapaabot po Mr. President itong lahat sa inyo ang lahat ng Properties ni Napoles sa kanyang Pork Barrel" panayam ni Marrylane

Isa-isang Binuksan ni Miguel ang lahat ng Folder at kanya itong isinuri. "how about the List of partial management of Napoles?" seryosong tanong nito sa kanyang secretary na nakatuon parin sa hawak na folder.

"ididiscuss nalang po iyon sa Kaso ni Napoles laban sa pork barrel scam" maagap na sagot ni Marrylane sa tanong sa kanya ni Mr. President. "ok"

"sige po sir, aayusin ko nalang po ang lahat ng schedules nyo sa meeting place for council" huling wika ni Marrylane na akmang tatalikod na ito upang lumabas ng opisina ng maagap siyang muling tinawag ni Miguel. "sandali lang Marrylane" humarap muli si Marrylane sa kanya habang sya naman ay muling itinuon ang tingin sa laptop upang basahin ang article "ano pa po ang kailangan niyo Mr. President?" tanong ni Marrylane

pagdakay tumingin sa kanya si Miguel ng pagkaseryoso sa mukha nito "may iba ka pa bang nalalaman tungkol kay Raider Man?"

"po? Si Raider Man? Ayon po sa Nababasa ko sa Dyaryo eh sya po ang dahilan kung bakit bumalik muli ang pagkaaliwalas ng buong bansa. Siya rin po ang nagtulong sa mga nasalantaan ng bagyo. Yun lamang po ang alam ko Mr. President" tanging sagot Ni Marrylane sa katanungan na binigay sa kanya ni Miguel.

"ok, i want you to hire one investigator for Raider Man! Gusto kong malaman ang buong katauhan ni Spider Man... Ah este Raider Man" pag-utos ni Miguel sa kanyang secretary na agad naman itong inilista ni Marrylane sa kanyang handy Notebook. "sige po Mr. President, masusunod po, may ipag-uutos pa po ba kayo?"

"no More! Thats all" inikot ni Miguel ang kanyang swivel Chair patungo sa malaking bintana na nasa likod lamang niya. Kasabay niyon ay ang pag-alis ni Marrylane sa opisina. Habang nakasulyap ang presidente sa buong nasasakupan niya ay lihim na napangiti ito. Iniisip niyang malaki ang maitutulong ni Raider Man sa ikakaunlad ng bansa. Lalot pat, isa itong tagapagligtas. "Sa wakas" sa isip isip niya ''makakamit na rin ng pilipinas ang kapayapaan.... Sana" pagpapatuloy nito sa isipan...

END OF CHAPTER 5...

The Human Web (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon