another chapter., di kasi ako makapasok sa room ng garena., sino may garena account dyan?
you can add me on garena,,,
IGN Account: crosssanford8
----------------------------------------------------------PAGPAPATULOY----------------------------------------------------------
"BILISAN NYO MGA KABABAYAN, KAUNTI NALANG PO AY TATAAS NA ANG TUBIG SA ATING DADAANAN, LAHAT PO AY KAILANGAN NG LUMIKAS," narinig ng Mag ina ang Anunsyo ng isa sa mga Militar.
"anak, Timothy kailangan na nating umalis, bilisan mo dyan baka mapuno na ang truck na sasakyan natin!" muling pagsigaw ng ina ni Timothy habang handa na ang mga dalahin nito. Naalarma naman ang batang si timothy at kanyang binulsa ang hawak na kahon ng posporo. Dali dali itong tumakbo patungo sa kanyang ina. Kung kayat Kinuha niya ang isang plastic box ng puno ng kanilang kagamitan sa bahay. "tara na anak!" sumugod sa napakalakas na ulan ang mag-ina dala parin ang mga kagamitan at kasama din dito ang kanilang flashlights. Pagkalabas ng mga ito ay napansin nilang napakaraming sunod sunod na Truck sa bawat daanan. Mga tao ring kanyang kanyang bilis ng akyat sa bawat truck dahil sa takot na maubusan ng pwesto. Madilim ang kapaligiran ngunit sapat ang mga ilaw ng Mga sasakyan upang makita nila ang mga iyon. Sa lakas din ng ulan ay walang nagawa ang payong ni Eula dahil nababasa parin sila. Kanya nalang itong tiniklop at itinabi sa isang supot. "aling Eula, dito po kayo, bilis umakyat na po kayo dito" narinig nila ang sigaw ng isang lalaki sa bandang hulihan ng iba pang truck. Kanila naman itong tinungo upang doon nga sumakay.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"jhon alam mo gid kahapon, nakadakop aq it gagamba samong balay," sabi Ng batang si Christian sa lengguwahe ng bisaya. "talaga? Anong klase naman?" tanong ni Jhon na animoy nakakaintindi di ito kahit papaano ng ibang wika.
"gagambang itiman.. kaso ogto pa sakong bag nakasulod baka bay mabasa gid it ulan nato!"
Habang bumabyahe ang bawat truck patungong evacuation center. Tahimik lamang na Nakaupo si Timothy na nakatingin sa dalawang magkaibang sina Christian at Jhon na tila nagmamalaki ang mga ito ng kani-kanilang gagamba. Magkakasing edad lamang silang tatlo, na pawang mga elementary students. Marahil sa narinig nito ni Timothy ay tumayo ito sa kanyang kinauupuan. Marahan siyang Tumungo sa dalawang patuloy na nagkukwentuhan. Nasa likod na siya ni Jhon ng mapansin naman siya ng bisayang si Christian. "jhon tara, ugte ta sa dulo ho," (tara doon tayo sa dulo o) hindi na nakaimik pa si Jhon ng bigla nalang siyang hinila ni Chris sa ibang sulok ng sasakyan. Naiwan namang si Timothy na may ngiting pilyo sa kanyang mukha. Ngunit natigilan lamang siya ng walang ano-anuy lumiwanag ng marahan ang kanyang bulsa. Mabuti nalang ay medyo maliwanag sa truck na sinasakyan nila kung kayat hindi nahahalata ng ibang nakasakay ang ilaw nitong kulay pula na tila nagliliyab. 'ano to?' bulong ni Timothy sa kanyang sarili ng mapagtanto niya ito. Nagtataka siya kung bakit may umiilaw sa kanyang bulsa. Inaalala pa niya ang lahat ng inilagay niya sa bulsa kumakailan lamang. Wala naman siyang naaalalang bagay na isinuot niya sa loob na umiilaw? Papaano naman kayang mangyayari yun? "di kaya?" naalala niya ang kanyang gagamba na nakalagay sa posporo na kanya namang kinuha. Ito ang pumasok sa kanyang isip at hindi nga siya nagkakamali. Ang loob ng kanyang posporo ang umiilaw. "papaan-" hindi na naituloy pa ang sasabihin niya ng biglang dumagundong ng malakas ang kulog na naging dahilan ng paggiwang giwang ng kanilang sinasakyan. Muntik pa niya sanang mabitawan ang kahon ngunit mabuti nalang ay naagapan agad niya ito.
Lumiwanag ng kaunti ang kalangitan sapat upang magkakitaan ang bawat isa.
"mama oh, may taong lumilipad.." narinig ni Timothy ang sinabi ng maglilimang taong gulang na bata na kasama nilang nakasakay sa truck "saan anak?" sinundan ng tingin ng Ina ng bata ang itinuro ng kanyang anak sa di Kalayuan.
BINABASA MO ANG
The Human Web (On Going)
AventuraSi Raijin Wayne Francisco ay Isang highschool Student na may kakaibang kakayahan na tanging mga gagamba lamang ang makakapaggawa. Aksidenteng sumanib sa kanya ang di-inaasahan, ang Furion na kung saan mabibigyan siya ng kakaibang lakas upang magamit...