Chapter 3: Raider Man

11 0 0
  • Dedicated kay Abegail Roche Delos Reyes
                                    

Next time na po ang editing ng Font :)

Yung Mga Characters., saka nalang rin Busy po sa Garena eh :)

"On my own knowledge about spiders. Spiders are eating insects that affects human like mosquitoes, when they eat that kind of insect that will be a big help to people because it lessen the mosquitoes. Spiders serve as pest control amd it also help us to save money instead of buying pesticide"
STATEMENT OF: Abegail Delos Reyes, a student of Technological Institute of the Philippines, Manila.

DEDICATED TO ABEGAIL DELOS REYES.

=================================================================================

<Raijin Monteverde's Pov>

[MAY 18, 2*** 5pm]


"Sige mga Bro, dito nalang ako, ingat kayo ha?" pagpapaalam ko sa mga kabarkada ko bago ako lumabas ng kotse ni Alden.


Katatapos lang kasi ng gig naming lima kung saan tumugtog kami as guest band sa anniversarry ng nag-imbita samin para tumugtog. Hindi naman kami kasikatan pero sa husay ng talento namin, doon kami mas nakikilala ng mga taong humahanga samin. Ang band namin.



Pagod na pagod kami kayat napagdesisyunan na naming umuwi upang makapaghinga na. May plano pa sana naming mag-overtime kina Dale ang kaso, pahinga muna daw bago ang kasiyahan. mabuti na rin ito upang makaipon pa kami ng lakas para sa susunod naming lakad.



"sige bro una na kami kita nalang tayo kina Dale bukas" si Alden bago niya pinaharurot ang kanyang sasakyan. Sinundan ko ang papalayo nilang sasakyan hanggang sa lumiit ito saking paningin. Tuluyan na itong nawala kayat pumanhik na ako sa loob ng bahay namin. Pagkapihit ko palang sa doorknob ay bigla kong naalala si Dad.  Alam kong siya lang ang laging natitira dito sa bahay, dahil sa kanyang mga pinag-aabalahang ekspiremento. Isang Scientist ang Daddy ko kayat nakafocus lamang siya sa ibat ibang mga gawaing patungkol sa mga chemicals at sa ibat iba pang nakikita sa kanyang laboratoryo. PaMinsan minsan nga ay wala na siyang time para samin ni Mama dahil sa kanyang mga pinanggagawa. Pero hindi ko naman masisisi si Dad, dahil alam ko naman na ito ang kanyang pinapangarap noon pa man.


"Dad?" sa sobrang tahimik ng Bahay ay tanging boses ko lang ang umaalingawngaw sa buong loob. Si Mama, siguro hindi pa sya nakakauwi ngayon. Marahil ay busy ito sa mga inaasikaso sa company namin. Kung si Dad ay isang Scientist, si Mama naman ay isang Business Woman. Nakatuon lagi ang goal Ni Mama sa negosyong pinaghahawakan nya simula noong sa kanya pinamana ang lahat ng properties ng lola kong yumao. Syempre, pinapahalagahan ni Mama ang lahat ng iyon, kayat ito, lagi siyang on the go sa company namin. Ang Cisco Group of Companies or FranCisco Corporation.



Mukhang walang tumugon saking tawag. Nacheck ko na rin ang kwarto ni Dad pero wala siya doon. Pumasok muna ako sa aking sariling kwarto. Nagbihis muna ako ng pambahay at saka dumiretso muli sa sala. Teka, baka hindi pa kumakain si Dad? At for sure nasa kanyang laboratory siya ngayon. Ganyan si Dad eh, minsan sa kakagawa niya ng mga formulas for his experiment ay nakakalimutan na niyang kumain. Napapabayaan na niya ang kanyang sarili. Sa araw-araw, ay bihira lamang siyang lumabas ng kanyang laboratoryo o maging sa Bahay. Hindi naman siya masasabing isa syang 'others' pero matindi ang kapit niya sa gawaing ito. Kaso Ang lahat ng iyon ay hindi ko man lang alam dahil bihira lang akong pumasok sa laboratory niya na nasa basement lang ng aming bahay.

The Human Web (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon