Anna's POV...
Dalawang taon na ng huli kaming magkita. Sariwa pa rin sakin ang mga masasakit na alaala ng nakaraan.
Umalis siya ng Pilipinas at nagpunta ng New York kasama ang babaeng naging dahilan ng paghihirap ko. Iniwan niya ako para makasama siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga panahon na yun dahil siya na lang ang meron ako sa buhay ko.
*
Nandito ako ngayon sa No.1 business company sa Pilipinas, Ang " Z.E.H. Palace Inc. " para mag apply bilang secretary. Hindi ko maintindihan pero sobra akong kinakabahan.
Maya maya ay tinawag na ako ng isang babaeng medyo matangakad, maputi at maganda.
"Good morning miss Gonzales. You are one of the applicants that is qualified for the job and will continue to the final interview with the President of this company" mahabang paliwanag niya.
"Talaga po? Thank you po ma'am" nakangiting sagot ko sa kanya.
"You're welcome miss Gonzales. Now follow me and I will acompany you to the office of the president for your final interview" sabi niya at nagsimula ng lumakad palabas kaya sumunod na lang ako sa kanya.
Nandito na kami ngayon sa 20th floor at papunta na sa office of the president. At habang palapit kami ng palapit ay hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko hanggang sa makarating kami at pumasok sa nag iisang opisina sa buong floor dito.
Isang malaking opisina ang bumungad sakin. Malaki ang mga bintana at maaliwalas ang kulay nito at may ilan ring mga halaman.
Nakatalikod ang isang lalaki habang may kausap sa telepono. Ngayon ko lang din napansing lumabas na pala ang babaeng naghatid sakin at ako na lang ang nasa loob kasama nito kaya lalo akong kinabahan. Natapos na siyang makipag-usap at humarap na rin ito sa wakas at parang tumigil ang mundo ko ng makita ko kung sino ito.
"Good morning! please take your sit" mahinahong sabi nito.
Hindi ako agad nakakilos pero inulit nya ang sinabi kaya natauhan ako at sinunod siya.
"Hmm well Ms. Gonzales, I can see in your resumè that you are the most qualified person for the job as my secretary" seryosong pahayag nito habang nakatingin sa resumè ko.
"Ah T-thank you po" nauutal na sabi ko habang nakatitig pa rin sa kanya.
"Okay then I would like to congratulate you because your hired" sabi nito at binaba na ang resumè ko at nakatingin na sakin.
"P-po? I-ibig sabihin tanggap na po ako?" di ko makapaniwalang sabi.
"Yes and you will start tommorow morning. Lanie my HR will tell you all the things you need to know regarding your duties as my secretary and I expect you to be here at 8:00 am I don't want anyone being late so you better be here at the exact time, understand?" mahabang paliwanag niya.
"Yes sir" ang tangi ko lang nasagot sa kanya.
"Well congratulations and welcome to the company Ms. Gonzales" tumayo siya at nilahad sakin ang kamay niya.
"Thank you sir and I will do my best" sagot ko sa kanya at tinanggap ang kanyang kamay.
Nakaramadam ako ng kuryente ng maramdaman ko ang pagdampi ng aming mga balat kaya agad kong nabawi ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
THE FORGOTTEN WIFE | ON GOING
RomanceSumumpa kami sa harap ng Diyos na habang buhay na magmamahalan at magsasama kami sa hirap at ginhawa Mahal na mahal namin ang isa't isa, masaya at walang problema ang aming pagsasama Pero dumating ang isang pangyayaring hindi namin inaasahan na magi...