Anna's POV...
Ilang araw na ang nakakalipas ng mangyari ang masinsinang pag uusap namin ni Sir Zach pero hindi ko pa rin nalilimutan ang mga nangyari ng gabing yun. Sa unang pagkakataon matapos mawala ang alaala niya ay muli ko siyang nayakap kaya mas lalo tuloy akong nangulila sa kanya.Matapos din ang gabing yun ay bumalik na kami sa dati, siya bilang boss at ako bilang secretary niya.
Huling araw na namin dito sa Cebu ngayon kaya wala na kaming gagawin. Nandito naman ako sa may dalampasigan at lumalanghap ng sariwang hangin.
"Ms. Gonzales, andito ka pala" Napalingon ako ng marinig ko ang boses niya.
"Sir, may kailangan po ba kayong iutos sakin" Tanong ko rito.
"No wala naman... Last day na naman natin kaya wala na akong meeting so we can relax for a while kasi I'm sure pagbalik natin ng Manila stress na naman tayo" Mahabang sabi nito at umupo rin sa tabi ko kaya naman nagawa kong titigan ang mukha niya. Nagulat naman ako ng bigla itong humarap kaya nahuli niya akong nakatitig sa kanya.
"Why are you staring at me like that?... May gusto ka bang sabihin sakin Ms. Gonzales?" Muli niyang binalik ang tingin sa maaliwas na dagat.
"None sir... Uhm actually sir can I ask you something personal?" Gusto kong kamustahin siya. Kung naging masaya ba ang buhay niya sa America kasama si Jane kahit alam kong masasaktan ako sa isasagot niya.
"Ofcource go ahead" Huminga muna ako malalim bago muling nagsalita.
"Y-yung girlfriend niyo po... K-kamusta po siya bilang girlfriend?" Napansin ko ang pag ngiti niya sa tanong ko.
"Jane? She's the best... I can't imagine my life without her"
Masayang kwento niya at muli nagbabadya na namang tumulo ang luha ko pero binaling ko sa iba ang tingin ko para hindi niya makitang nasasaktan ako."M-mahal na mahal niyo po talaga siya noh?" Muli kong tanong sa kanya.
"Oo naman and soon I will marry her and we will build our own family together... Yun yung pangarap namin" Muli ko siyang tinignan at kitang kita ko sa mga mata niya ang saya.
Sariling Pamilya??? Pangarap namin yun pero ngayon pangarap na nila...
Natahimik ako dahil sa narinig ko. Hanggang sa tumayo na siya at nagpapag ng damit.
"Hey come on let's go swimming para maenjoy naman natin ang last day natin dito sa Cebu" Nakangiting sabi niya sakin kaya napangiti na rin ako at tumayo na rin at sabay kaming tumakbo papuntang dagat.
Tama di ko sasayangin ang panahong magkasama tayo... Basta't kasama kita kahit hindi mo ako maalala gagawa tayo nga bagong masasayang alaala ng magkasama.
*****
Zach's POV...
Nakatingin ako ngayon sa secretary kong masayang naglalaro sa dagat. Hindi ko mapigilang mapangiting kahit papano ay napangiti ko siya. Bigla itong tumingin sakin na may ngiti sa kanyang mga labi.
"Sir Zach... Anong ginagawa mo diyan... Halika na dito" Pagtawag nito sakin na sinabayan niya pa ng pagsaboy ng tubig sakin.
Napangiti ako sa ginawa niya ng may bigla na lang pumasok sa isip ko.
*****
May dalawang taong masayang magkasamang lumalangoy sa dagat."Hon, ano ba tama na Hahaha" Masayang sabi ng lalaki habang sinasabuyan siya ngtubig ng babae.
"Ano ba kasing ginagawa mo diyan??? Halika na dito" Pagtawag nito sa kanya kaya agad naman niyang nilapitan ito at niyakap.
"I love you Hon" Nakangiting sabi ng lalaki habang nakatitig sa babae.
"I love you more Hon" Nakangiti namang sagot nito at pagkatapos ay ang paglapat ang kanilang mga labi.
*****
Napaluhod na lang ako ng maramdaman ko ang biglang pagkasakit ng ulo ko at naramdaman ko ang bigalaang paglapit sakin ng secretary ko.
"Sir Zach! Ano pong nangyari sa inyo?" Nagaalalang tanong nito sakin kaya napatingin na lang ako sa kanya dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
"It's Just a headache" Sagot ko na lang sa kanya habang hawak pa rin ang ulo ko.
"Kung samahan ko na po kayo sa room niyo para makapagpahinga na kayo" Sabi nito habang inaalalayan ako.
"Mabuti pa nga" Sabay naming tinungo ang hotel kung san kami nagsstay. Di ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman habang magkadikit kaming dalawa. Di ko namalayang nasa harap na pala kami ng hotel room ko.
"Okay na ako dito Ms. Gonzales Thank You... Magpahinga ka na rin" Sabi ko sa kanya habang binubuksan ko ang pintuan ng kwarto ko.
"Sigurado po kayo sir?" Bakas pa rin dito ang pagaalala kaya naman nginitian ko siya.
"Yeah don't mind me I can take care of myself" Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito.
"Okay sir, kung may kailangan po kayo tawagan niyo lang ako" Pagpapaalala nito.
"Okay Ms. Gonzales I will Thank You... Good night" Sabi ko at pumasok na sa loob ng kwarto.
"Good night din po sir" Sabi nito at tumuloy na rin sa sarili niyang kwarto na katabi lang ng kwarto ko kaya sinara ko na ang pinto at humiga na sa kama hanggang sa tinamaan na ko ng antok.
What a day!!!
To Be Continued...
-----
Author's Note:
Kindly vote, share and leave your comments...
Thank You...
BINABASA MO ANG
THE FORGOTTEN WIFE | ON GOING
RomanceSumumpa kami sa harap ng Diyos na habang buhay na magmamahalan at magsasama kami sa hirap at ginhawa Mahal na mahal namin ang isa't isa, masaya at walang problema ang aming pagsasama Pero dumating ang isang pangyayaring hindi namin inaasahan na magi...