Zach's POV...
Hi ako nga pala si Zach Ethan Harrion, may ari ng Z.E.H. Palace Inc. one of the biggest company here in the Philippines today. Mag dadalawang buwan mula ng umuwi ako dito sa pilipinas para asikasuhin ang kumpanya ko.
Halos dalawang taon din ako sa New York kasama ang babaeng mahal na mahal ko, si Mary Jane Robles. Masaya kaming nagsasama sa ibang bansa pero parang may kulang pa rin sa buhay ko at hindi ko alam kung ano ito.
Nandito ako ngayon sa office at nag aabang ng mga apilikanteng papasa para maging secretary ko. Habang tinitingnan ko ang mga resumé nila ay napukaw ang atensyon ko ng isang pangalan, Anna Samantha Gonzales.
*Tok.tok.tok*
" Sir, nandito na po ang isa sa mga nag aaply maging secretary nyo " sabi ng HR kong si Lanie.
" Okay send her in " sagot ko ng biglang mag ring ang telephone ko.
Narinig ko ang pag pasok niya habang kausap ko ang isa sa mga client namin. Ilang sandali pa ay binaba ko na ang tawag at hinarap ko na ang isa sa mga aplikante ko. Bumungad sakin ang mukha ng babaeng nakaagaw ng atensyon ko kanina at napansin ko medyo gulat siya ng makita ako.
Dahil siya ang pinaka qualified para maging secretary ko kaya sinabi kong tanggap na siya at pinaliwanag ko na rin ang mga kailangan niyang gawin bilang secretary ko. Matapos kong sabihin ang lahat ng kailangan niyang malaman ay agad din naman itong lumabas ng office ko.
Di ko alam kung bakit parang may kakaiba akong naramdaman habang kausap ko ang bagong secretary ko, I can feel that I want to know more about her.
-----
Anna's POV...
First day ko sa trabaho ngayon at nandito na ako sa labas ng office niya. Hanggang ngayon di ko pa rin akalain na pader na lang ang pagitan namin at abo't tanaw ko na siya pero di pa rin nya ako naaalala.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng office nito at bumungad siya sakin na parang nagmamadali.
" Miss Gonzales, I have a lunch meeting today... And I need to leave now,so you may take your break, Just be back after an hour " sabi niya sakin.
" O-okay po sir " sagot ko naman.
-----
Tahimik akong kumakain mag isa dito sa cafeteria nang biglang may umupo sa tapat ko. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang isang babaeng matagal ko ng di nakikita. Si Pauleen
"Hi beshy, kamusta ka na?" Nakangiting sabi nito.
"L-leen ikaw ba yan?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Ako nga Anne" sagot nito.
Tumayo ako at agad itong niyakap ng mahigpit. Bumalik na siya, bumalik na ang best friend ko. Nagpunta siya sa France para dun mag aral kasama ang mommy at daddy niya.
"Kailan ka pa nakabalik at anong ginagawa mo dito?" tanong ko ng makaupo na ulit kami.
"About a week ago... Gusto ko sana kitang puntahan pero inuna ko muna na mag apply ng trabaho kaya ako nandito kasi first day ko bilang accounting staff... Eh ikaw anong ginagawa mo dito Anne?... Dito ka rin ba nagwowork?" sabi niya habang nagsisimula na rin kumakain.
" *Sigh* Oo dito ako nagtatrabaho actually first day ko rin ngayon bilang secretary ng company president" sagot ko sa kanya.
"Oh Bakit? may problema ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Kasi Leen, si Ethan pala ang may ari ng kumpanyang 'to at sa kanya ako nagtatrabaho bilang secretary" paliwanag ko sa kanya.
"What??? You mean bumalik na ng bansa si Zach??? Kailan pa???" gulat niyang tanong.
"Hindi ko rin alam Leen" napayuko naman ako.
"Hindi ka pa rin ba nya naaalala?"
"Hindi na akong umaasang maaalala niya pa ako at babalik kami sa dati" hindi ko na napigilang pigilin ang luha mula saking mga mata.
Lumapit naman sakin si Pauleen at agad akong niyakap.
"Wag kang mawalan ng pag asa beshy... Babalik din ang dating Zach... Maaalala ka rin niya at kung gaano nyo kamahal ang isa't isa" pagpapakalma niya sakin.
"Sana nga Leen... Sana bumalik na ang asawa ko dahil miss na miss ko na siya... dalawang taon na kong nangungulila sa kanya" patuloy lang akong niyakap ni Pauleen hanggang matapos ang break.
-----
Nandito na ulit ako sa table ko pero wala pa din ang boss ko kaya tinuloy ko na lang ang mga naiwan kong trabaho. Maya maya pa ay bumukas na ang elevator at lumabas mula dito ang gwapo kong asawa, ay boss pala.
"Welcome back sir" salubong ko sa kanya pero tinanguan lang ako nito at tuloy tuloy ng pumasok sa office nya.
Tinuloy ko na ang trabaho ko hanggang sa nag ring ang line ng telephone mula sa boss ko.
"H-hello sir, may kailangan po ba kayo?" bungad ko dito.
"Yes, ahm can you bring me a cup of coffee from the pantry"
"Okay sir"
Pumunta naman ako sa pantry para ipagtimpla siya ng kape. Habang tinitimpla ko ang kape niya ay may bumalik na naman saking mga alaala.
Flashback...
"Hon ito na ang coffee mo... Puro ka na lang trabaho e" sabi ko habang nilalapag ang kape sa desk nya.
"Thanks hon, kaya mahal na mahal kita eh... Your the best wife in the world... I love you" sabi nya sabay yakap sa bewang ko
"Naku binola mo pa ako... I love you too" sagot ko at niyakap ko rin siya ng mahigpit.
End of Flashback...
Muli na namang tumulo ang mga luha ko sa mga alaala naming dalawa. Pinunasan ko naman agad ito at agad kinuha ang kape para dalhin sa kanya.
Pagpasok ko ay nakita ko siyang kunot noong nakatingin sa mga dokumento na nasa table niya.
" Sir, ito na po ang coffee nyo" sabi ko sabay lapag ng kape sa harap nya.
" Okay, thank you Ms. Gonzales... You may go back to work" sabi nitong patuloy pa rin sa pagbabasa ng dokumento.
" Okay sir" sabi ko sabay labas ng office niya.
-----
Zach's POV...
Kaharap ko ngayon dito sa loob ng opisina ko ang san damakmak na dokumento na dapat aralin at pirmahan. Kaya't nagpakuha na rin ako sa secretary ko ng coffee para marelax naman ako ng konti.
"Sir, ito na po ang coffee niyo" sabi niya habang nilalagay ang kape sa harap ko.
" Okay, thank you Ms. Gonzales... You may go back to work" sagot ko habang patuloy na binabasa ang mga papeles sa harap ko.
"Okay sir" sabi nito sabay labas na ng opisina ko.
Binaba ko ang papel na hawak ko at sinimulang inomin ang kape ko. At sa unang tikim ko pa lang ng kape ko ay may kakaiba na agad akong naramdaman. Parang itong kape ang hinahanap hanap ng dila ko. Kaya mas lalo ako nahihiwagaan sa secretary ko. Sino nga ba siya at bakit pakiramdam ko may malaking parte siyang gagampanan sa buhay ko.
" Sino ka nga ba Anna Samantha Gonzales?... Aalamin ko ang lahat ng tungkol sayo" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa malayo.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE FORGOTTEN WIFE | ON GOING
RomanceSumumpa kami sa harap ng Diyos na habang buhay na magmamahalan at magsasama kami sa hirap at ginhawa Mahal na mahal namin ang isa't isa, masaya at walang problema ang aming pagsasama Pero dumating ang isang pangyayaring hindi namin inaasahan na magi...