CH. 7: Back To Reality

23 1 0
                                    

ANNA'S POV...

Nakauwi na kami at ngayon ay simula na naman bagong araw. Kakarating ko lang sa opisina pasakay na ko ng elevator ng may nabangga ako isang lalaki na nakasuit kaya alam kong hindi ito isang simpleng empleyado lang.

"I'm sorry Sir... Di ko po sinasadya" paghingi ko ng paumanhin kahit na hindi ko pa nakikita ang mukha nito pero nagulat ako sa naging tugon nito.

"Anne??? Is That You???" Napaangat ako ng tingin at nagulat ako ng makita kung sino ito.

"James???" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Ako nga... Kamusta ka na??? Miss na miss ka na namin" Masayang sabi niya at niyakap ako na agad ko namang ginantihan. Matapos ang ilang minuto ay naghiwalay na kami.

"Okay naman ako... Namiss ko din kayo" Nakangiti kong sagot sa kanya. Bigla namang sumeryoso ang mukha nito.

"Anong ginagawa mo dito sa company ni Zach??? Nagkita na ba kayo???" Seryosong tanong nito.

"Ahm mahabang kwento eh... Tatawagan na lang kita kasi medyo nagmamadali din ako eh". Tinitigan niya ako pero maya maya ay bumuntong hininga siya.

"Okay but promise me na kokontakin mo ako at ipapaliwanag ang lahat sakin" Napangiti ako sa naging tugon niya at tumango.

"Good...  I have to go I'll see you soon" Paalam niya at muli ay niyakap ako at humalik pa sa pisngi ko.

"Okay... Thank You James at Magiingat ka" Tumango naman siya bilang tigon bago tuluyang umalis kaya naman pumasok na ako sa elevator at dumerecho na ako sa floor kung nasaan  ang opisina ng boss ko.

Inayos ko muna ang mga tambak na mga papeles na dapat pirmahan ni Sir Zach ng maya maya ay biglang bumukas ang elevator at lumabas ito na nakakunot ang noo at halatang mainit ang ulo kaya binati ko ito agad.

"Good morning Sir" nakangiti kong bati sa kanya ngunit tuloy tuloy lang ito at ni hindi ako binigyan ng kahit isang tingin hanggang sa makapsok ito ng opisina niya kaya napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa pintong pinasukan niya.

Hays... Bakit kaya mainit ang ulo niya??? Nag away kaya sila ni Jane???

Kung ano man yun sana maging okay lang siya.

******

ZACH'S POV...

Naging maayos ang limang araw namin sa Cebu. Kahit Papano ay unti unti ko na siya nakikilala. Nalaman ko na sobrang lungkot pala ng buhay niya. Mahal na mahal niya ang asawa niya pero hindi niya ito makasama.

Nakarating na ko sa opisina ng di namamalayan dahil sa sobrang pag iisip. Pagpasok ko ay binati ako ng guard na binati ko naman ng tango. Papunta na ako ng elevator ng may napansin akong dalawang tao kaya napatigil ako.

Si James at ang secretary ko na si Ms. Gonzales. Nag uusap sila hanggang sa magyakapan. Sa di malamang dahilan ay parang nakaramdam ako ng inis sa nasaksihan ko lalo pa ng makita kong halikan ito ni James sa pisngi bago tuluyang umalis kaya agad akong nagtago hanggang sa makalagpas ito. Nakita ko namang nakangiting pumasok sa elevator si Ms. Gonzales.

Magkakilala din sila???

Una si Lance at Ngayon si James???

Bakit parang sobrang lapit nila??? Sino ba talaga si Ms. Gonzales??? Bakit malapit siya sa mga best friend ko???

Aalamin ko ang sagot sa lalong madaling panahon.

Tumuloy na ako ng elevator kahit ng mainit ang ulo. Nang makarating ako sa floor ko ay nakita ko siyang nag aayos ng mga papeles at ng mapansin ako nito ay agad akong binati nito ngunit hindi ko siya tinignan at tuloy tuloy na pumasok sa opisina ko.

Pagpasok ko ay umupo ako sa swivel chair ko at napapikit. Pabalik balik sa aking isipan ang nakita ko kanina. Ano ba ang kaugnayan ng secretary ko at ng mga best friend ko?. Si Lance at James na halatang sobrang malapit sa kanya. Naiisip ko tuloy kung pati si Jake ay kilala siya. Dumadagdag pa itong nararamdaman kong inis na di ko maintindihan.

Bumuntong hininga ako at kinuha ko ang cellphone ko dahil may gusto akong malaman. Agad kong dinial ang number ni Jake at matapos lang ang ilang ring ay sinagot na niya ito.

"Hey dude kamusta??? Bakit ka napatawag???" Masiglang bati niya sakin at hindi na ako nag aksaya ng panahon at tinanong siya agad tungkol sa bagay na nais kong malaman.

"Jake... Kilala mo ba si Ms. Anna Samantha Gonzales???" Direcho kong tanong sa kanya at napansin ko naman na natahimik ito kaya mas lalo akong nagdududa.

"Si Anne??? Ahm yes I know her... Why are you asking???" Nanginginig ang boses niya kaya halatang kinakabahan ito sa pag uusap namin.

"Well she works for me as my personal secretary" Sagot ko naman sa tanong niya.

"What??? She works for you???" Gulat na tanong nito.

"Yes at kilala siya ni Lance and James and I think close sila... So I just want to know if you know her too??? Because you are my best friends and I don't know her from before" Mahabang paliwanag ko sa kanya at muli ay narinig ko na naman ang malalim niyang pag buntong hininga.

"Zach... She's our friend and she is very special to the three of us... *hays You don't know her kasi umiikot lang kay Jane ang buhay mo" Paliwanag niya.

Natigilan naman ako sa mga sinabi niya. Totoo nga na umikot ang buhay ko kay Jane dahil mahal na mahal ko siya pero may nagtutulak sakin na kilalanin kung sino ba talaga si Ms. Gonzales at yun ang aalamin ko.

"Dude are you still there?" Nabalik ako sa aking pag iisip ng marinig oo siyang magsalita.

"Ah yes... Okay bro thanks sa time... Sana magkasama naman tayong apat soon" Sabi ko muli sa kanya.

"Okay sige tawagan na lang... I have to go Bye" Paalam niya bago maputol ang linya ngunit pag tapos nito ay bumuntong hininga muli ako at pansamantala munang winaglit sa isipan ko ang mga isipin at nagsimula na akong magtrababo.

To be continued...


THE FORGOTTEN WIFE | ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon