CH. 3: Knowing Her

22 0 0
                                    

Anna's POV...

Kakarating ko lang ngayon dito sa opisina ng boss ko pero wala pa siya kaya inayos ko na muna ang ibang trabahong hindi ko pa tapos gawin. Medyo nakakahinga pa ako ng maluwag dahil wala pa siya dahil sigurado akong hindi na naman ako mapapakali pag nakita ko na naman siya.

Maya maya pa ay bumukas na ang elevator at lumabas mula rito si sir Ethan kaya agad naman akong tumayo para batiin siya.

"Good Morning sir" malumanay na bati ko sa kanya, akala ko katulad ng mga nakaraang araw ay tuloy tuloy lang siyang papasok sa opisina niya pero nagulat ako ng huminto siya sa tapat ko.

"Good morning din Ms. Gonzales... Pagtapos mong ayusin yang ginagawa mo sumunod ka agad sa opisina ko" malumanay na sabi din  niya sakin.

"Yes sir" sagot ko  kaya tumuloy na siya sa opisina niya at sinimulan ko na ring ayusin ang mga ginagawa ko kanina at pumasok na rin sa opisina niya.

Pagpasok ko sa loob ng opisina niya ay nakita ko siyang may tinatype sa laptop niya kaya lumapit na ako sa kanya.

" Sir may iuutos po ba kayo sakin? " tanong ko sa kanya at agad din naman siyang tumingin sakin.

" Sit down miss Gonzales, tatapusin ko lang ito saglit " sagot niya kaya naman naupo na ako sa harap niya habang hinihintay na matapos ang ginagawa niya. Habang narito naman ako ay tinitingnan ko ang kabuuan ng opisina nito. Malinis at maaliwalas ang ambiance dito kaya alam mong marerelax ka kahit na subsob ka pa sa trabaho. 

Maya maya pa ay natapos na siya sa pag type at tumingin sakin.
" Ms. Gonzales would you mind if I ask something about you? Bilang secretary I should know more about you " sabi niya habang nakasandal sa swivel chair niya.

"Ofcourse sir... Ano po bang gusto nyo malaman? " tanong ko naman sa kanya.

"Everything... Like Family backround, Are you married?, Do you have any children? and so on" 

"Ahm, a-actually po I'm already married p-pero wala po akong anak at h-hindi ko rin po kasama ang asawa ko" nauutal kong sabi sa kanya.

"Why where is your husband?" tanong niya habang nakatingin sakin kaya napayuko ako para hindi ko makita ang mga mata niya.

Nasa harap ko... yan ang gusto sabihin pero hindi ko magawa... dahil baka pati ang pagkakataon kong makasama siya ay mawala pa...

"N-naaksidente po siya two years ago at pagtapos nun n-nawala na rin siya sakin" nahihirapan na akong huminga pero nagawa ko pa rin sagutin ang tanong niya.

"Oh, so he died because of an accident?" tanong niyang muli sakin napatingin naman ako sa kanya.

"P-parang ganun na nga po s-sir... pero hindi siya ang namatay... kundi ang mga alaala niyang kasama ako" malungkot kong sabi habang nakatingin pa rin sa kanya.

"What? I'm a little bit confuse... How is that possible?" nalilitong tanong niya sakin.

"H-he had an amnesia s-sir... anniversary namin ng maaksidente siya at dahil doon lahat ng alaala niya ng kasama ko ay n-nabura na sa isipan niya" namumuo na ang luha sa mata ko kaya muli kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

"...p-pumunta siya ibang bansa kasama ng f-first love niya at hanggang ngayon ay di pa rin niya ako maalala" kahit na anong pigil ko ay tumulo na ang mga luha ko kaya agad akong tumayo.

"I-i'm sorry s-sir... e-excuse me po" sabi ko at hindi ko na hinintay pang makasagot at nagmamadali na akong lumabas ng office nya. Pagsara ko palang ng pinto ay agad akong napaupo dahil sa sobrang panginginig ng tuhod ko.

THE FORGOTTEN WIFE | ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon