CH. 5: The Sad Story

21 1 0
                                    

Anna's POV...

Malaking kwarto na puno ng mga ilaw at bisita ang bumungad sa amin ni Sir Zach sa pagpasok namin ng function hall kung saan ginanap ang isang party. Sinalubong kami ng isang lalaking nakasuit din at halatang businessman ito.

"Hey Zach, it's nice to see you here pare" Sabi nito habang nakikipagkamay sa boss ko.

"Oo nga Charles pare, it's been a while since nakaattend ako ng business gathering like this"

Tahimik akong nakikinig sa kanila habang nasa likod ako ni sir Zach.

"Yeah naging busy ka kasi kay Jane... By the way how is she?"

"She's good... Currently focusing in her career while I'm focusing on my company"

"Wow ang tagal niyo na ah... Wala pa ba kayong balak magpakasal?"

"Hinahayaan ko muna siyang mag enjoy sa career niya but soon magiging Mrs. Harrion din siya"

Parang huminto naman ang mundo ko ng marinig ko yun.

Kasal??? Mrs. Harrion???

Ako yun eh

That broke me at nagbabadya na naman ang mga luha ko sa pagbagsak kaya pasimple akong umalis dahil hindi ko na kaya.

Napadpad ako sa pool area ng hotel at nagdecide akong umupo dito at nilublob ang mga paa ko. Tumingala ako sa langit at tahimik na bumulong sa hangin upang  mailabas ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

"Bakit nga ba kailangan mangyari ang lahat ng ito samin???"

"Hindi na ba talaga maibabalik ang mga masasayang alaalang magkasama naming binuo"

"Hanggang dito na nga lang ba kaming dalawa???"

Umiiyak na naman ako... Nasasaktan na naman ako.

"Ms.Gonzales???"

Tumingin ako sa nagsalita at muling naglandas ang mga luha ko dahil nasa harap ko siya ngayon ang lalaking mahal na mahal ko.

So close yet so far...

*****

Zach's POV...

Andito ako ngayon sa party at nakikipag usap kay Charles ng bigla akong di mapalagay sa di malamang dahilan kaya naman nilingon ko ang likod ko kung nandun pa ang secretary ngunit wala na. Agad naman akong nagpaalam sa kaibigan ko at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagaalala.

Hinanap ko siya sa buong party pero hindi ko siya nakita kaya pumunta ako sa pool area upang magbaka sakaling nandun ang hinahanap ko.

Nang makalapit na ako sa pool ay napansin ko na agad ang babaeng nakaupo sa gilid nito at nakatingala sa langit habang may malalim na iniisip.

"Ms. Gonzales???" Pagtawag ko rito. Agad naman akong nilingon nito at sa ikatlong pagkakataon ay nakita kong lumuluha ito at di ko alam kung bakit parang nadudurog ang puso ko dahil nakikita ko sa mga mata nito ang lungkot, sakit at pangungulila.

Umupo ako sa tabi nito at humarap sa kanya habang siya ay dali daling pinunasan ang mga mata nito.

"Ilang beses na kitang nakikitang umiiyak... May problema ka ba??? You can tell me" Seryosong sabi ko habang nakatitig lang sa kanya.

Umiwas naman siya ng tingin at tsaka nagsalita. "Wala sir... Naalala ko lang yung asawa ko miss na miss ko na po kasi siya"

"Pwede mo bang sabihin sakin kung anong nangyari?" Hindi ko alam pero paramg gusto kong malaman ang kwento at dahilan ng mga luha niya.

Tumahimik siya ng ilang sandali bago bumuntong hininga.

"A-anniversary ng kasal namin at magkausap pa kami sa cellphone nun... Susunduin dapat niya ko para icelebrate namin ito over dinner... P-pero kalahating oras na ang nakalipas pero wala pa rin siya... H-hanggang sa nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya... A-akala ko siya yun pero nurse pala ito at huminto ang mundo ko ng sabihin niya saking naaksidente ang asawa ko at nasa ospital... N-nacomatose siya ng isang linggo kaya wala akong ginawa kungdi ang magdasal tapos..." Hindi niya pa natatapos ang kwento niya ay bumuhos na ang luha mula sa mata mga niya pero kahit nahihirapan ay itinuloy pa rin nito ang kanyang pagkkwento.

"T-tapos paglipas ng isang linggo ay nagising siya... Sobrang saya ko nun pero... P-pero pagdilat ng mata niya isang panglan ang tinawag niya... A-ang pangalan ng ex niya at dahil nagulat kami ng pamilya niya ay sinabi nilang wala na ito at iniwan siya pero nagwala ito at pilit na hinahanap ito... Tinanong namin ang duktor kung anong nangyari sa kanya at parang namatay ako ng sinabi nito na nawalan ng alaala ang asawa ko pero mas nasaktan ako ng sabihin nitong isang tao lang ang di niya naaalala walang iba kungdi ang kanyang asawa"
Huminga siya dahil nahihirapan na siya sa labis na pag iyak pero patuloy pa rin siya sa kanyang masalimuot na kwento.

"Naghintay ako ng ilang buwan para sa pagbalik ng alaala niya... Dahil na rin sa maselan ang kundisyon niya gustuhin ko mang lapitan siya ay naging sapat na sakin ang pagtanaw sa kanya sa malayo... Hanggang sa isang araw ay nalaman ko na lang na wala na siya, sumama siya sa ex niya sa ibang bansa at hindi na bumalik ng bansa"

Sobrang nasasaktan ako sa nakikita kong walang tigil niyang pagiyak pero mas nasaktan ako  ng marinig ko ang napabigat na pinagdaanan niya at sa di ko maipaliwanag na dahilan ay niyakap ko siya. Halatang nagulat ito pero ilang saglit lang naramdaman ko na ring niyakap niya ko.

"Everything happens for a reason... Wag kang mag alala alam kong babalik din ang alaala ng asawa mo" Pagpapagaan ko ng loob niya. Muli siyang bumuntong hininga.

"Sana nga"

Nanatili lang kami sa ganung pwesto habang parehong nakatingin sa langit.

To Be Continued...

*****

Author's Note:

After a long time nainspire din mag update ganun talaga pag broken hearted HAHAHA
Sorry sa mga errors tao lang po...

"The Forgotten Wife"

By: Smiling_Moon09

THE FORGOTTEN WIFE | ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon