6am.
*Kook ko kaokkk*
A/n: Hahaa. Sorry sa sound ng Chicken
KS pov
Bigla na lang akong nagising. Ang iingay ng mga manok ng kapitbahay. Di naman baryo dito samin. Jusmiyo
Sinubukan kong matulog ulit,once, twice. Pero wala na,dko na mahanap tulog ko. So ayun kinuha ko cellphone.
Puntang Music Player agad.
Sabay touch ng "Like we used to"
by A rocket to the moon.
"Does he watch your favorite movies, does he hold you when you cry." 🎶--"
Antayin ko lang siguro ang 6:30 tas maliligo na ko't may klase pa ng 9.
*Knock knock*
Pasok!!!!!
"KS?"
"Thea? Pasok ka na nga!"
Pumasok siya.
"Oh?!"
"Sisssss, oh breakfast in bed"
"Ano nakain mo?"
"Assuming ka! hindi ako nagbgay nyan. Ayan oh may letter"
Goodmorning My sunshine,wish you have a beautiful Day just like you! :)
-Superman
Kinilig naman ako. So may ganito pa palang mga lalake.
"Nagbablush ka"!
"Di kya"
"Asuss, may suspek ka?!"
"Wala eh"
"Ay ganon ba. Hati tyo favorite ko tong eggpie. Sayo na yang sterelized mo"
"Sige lng"
Kinain ko na lang yung binigay.
Pabebe pa ba ko? Tipid na rin. Sakto at paubos na Allowance ko. Nakakahiya humingi kay Papa, Wednesday pa lang ubos na.
Ang hirap magDorm. Kung dko lang pangarap yung school ko ngayon, Haynaku kahit sa State University na lang. Pero wala eh. :3 HS pa lang ako nananaginip na ko na nandto na ko. Iniisip ko nga baka dun ko na mahahanap forever ko.
Hahahaha.
Ay sht. Daldal ko.
Late na pala.
Nagprepare na ko. Nag uniform, nagpaganda. Tas inipitan ko hair ko yung sa left side lang ng isa. Para dlagang dalaga tignan. Haha chos.
Check ng Bag
Check ng Panyo
sabay lagay ng Pabango
And ayun gora na.
Sa School
Lam mo yung pagpasok mo lang. Bweset na bweset ka na. Bakit?
Madaming dahilan minsan.
Isa na yung nakita mo yung Prof.mo dati na binigyan ka ng Tres, eh kahit ginawa mo naman lahat. As in,napakanta ka nga ng
"I DID MY BEST BUT I GUESS MY BEST WASN'T GOOD ENOUGH"
Sa subject mong Math Related, Stats, Algebra o kaya Geometry na di mo naman Major pero pa-Major ang Peg.
Pangalawa dahil siguro iniisip mo na wala kang budget sa dami ng binabayaran mo. At sa katakawan mong kinauubusan na ng pera mo.
Yung anlakas mo makatambay s Canteen ng school niyo every Vacant mo!"
At panghuli, yun ay yung makita mo yung minahal mo noon na ngayon masaya na sa iba. Na nag aantay siya sa gate na dati eh ikaw ang inaantay niy. Na dati bag mo ang dinadla niya, na dati ikaw ang kinukulit niya, na Dati ikaw ang hinahatid niya pero ngayon wala na. Wala na, wala na kasi may bago na siya. May bago na siyang mahal hindi na ikaw. Hindi na kayo. Wala ng kayo. Maskit di ba?
Pero hello KEEP ON TRYING, isubsob mo na lang yang pagdradrama mo sa Majors mo baka magDL ka pa't para matuwa sayo ang nanay at tatay mo.
