It's a new Day

3 0 0
                                    

Krrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiing (alarm clock beats)

(KS POV)

Haysss. 6am na pala, ang bilis bilis ng oras jusmiyo. Minsan mapapasabi na lang ako ng "I hate Mornings:" Pero char lang bad yon. Because Morning is a sign for another Day :) And we should give thanks to God for every Morning we wake up.

Dali dali na ako tumayo dahil may 7am class pa ako, opo kahit Sabado ngayon. 7-10 am class ko, ewan ko ba sa University namin. pero PE subject lang, punuan kasi sa Gym lagi. pero ayos lang hindi hustle magdala ng Shoes and PE Uniforms pag weekdays.

 Nag inat inat ako and inayos ko  na higaan ko, tapos syempre I do my everyday ritual. 

CURL UPS, hahhahaa yes po. Minimentain ko yung flat tummy ko. para di ako sabihan ng best friend ko na mas malaki raw bilbil ko keysa sa dibdib ko. Hayup na yun! Hahahaha. Nag curl up ako for about 20 minutes tapos diretyo na banyo para magshower. Halos malate na ako, binilisan ko na lang mag ayos. Polbo lang naman and liptint keri na :) Nag apply ng pabango, tapos sabay takbo agad palabas ng Dorm then nabigla ako.

pagkaopen ko ng gate nkita ko si DM.

"Goodmorning Ks" Bati niya, Full wide smile pa.

"Goodmorning. Bakit ka nandito?" sabi ko

"Inaantay talaga kita, pwede bang ihatid na kita papuntang school? sabi ni DM

"Ah wag na, kaya ko naman sarili ko. " sabi ko tapos tuloy tuloy na ko sa paglalakad, nagshort cut na rin ako para mkarating na rin agad ng school. Walking Distance lang naman ang Zion. pero sumusunod pa rin siya.

"Sa ayaw at sa gusto mo ihhtid pa rin kita" pilit niya.

"Bahala ka, Ngayon mo gagawin yan kung kailan wala na tayo. Haynaku" 

"Pero Ks, alam ko nagkulang ako before hayaan mo naman akong bumawi ngayon. I want to win you back, please give me one more chance"

"DAN ano ba? Wag mong sirain ang araw ko. ano ba sabi ko sayo noon pa? Once you lose me, you will lose me forever" Sabi ko, naiiyak na ako. bumabalik na naman lahat ng sakit, feeling ko babagsak na luha ko kaya binilisan kong tumakbo and sakto marami na ring naglalakad na estudyante kaya di na ako naabutan ni Dan.


"KSSSSSSSS!" sigaw niya

Nakakainis umagang umaga ganon ang pangyayari. Oo na mahal ko pa siya, hindi naman mawawala yon eh. Pero ang sama talaga ng loob ko skniya. Nakipaghiwalay ako noon pero wala siyang ginawa, hindi niya ko pinigilan. Napakaduwag niya. Para siyang bakla. Pinigilan ko umiyak, nakapasok na pala ako sa University. Dumaan muna ako sa CR before ako umakyat ng room.

----

Pagdating ko sa labas ng room nakita ko agad si Jordan.


"Buti di ka late" 

"Kamuntik na nga eh"

"Ayos ka lang ba?"

"Oo naman" *I faked a smile

"Si Dan na naman ba?"

"Tsk. di no"

"Family?"

"Hindi rin. Wala. ayos lang ako promise. "

"Osge bahala ka, nandto lng ako kapag need mo ng mapagsasabihan mo ng problema mo"

Sabi ni Jordan, ganyan talaga yan. Lagi siyang nandyan kapag kailangan ko siya. Lagi lang siyang nagjojoke para mapasaya ako. She don't deserve a girl like me. Hanggang Best friend lang talaag turing ko sa kniya. 

Umupo na ako sa seat ko then sakto pumasok na Prof namin. 

"Class, pack up now. Sa Gym tayo magkaklase" sabi ni Sir Reyes. PE Prof namin.


"Shit naman eto na ata yun" sabi ni Mica

"Ang alin? " sabi ko

"Sabi kasi ni Jane ng block III, magkakaroon daw ng practicum, Bale magprapractice tayo ngayon sa gym by Partner"

"Ay ayos lang bes" sabi ko

"Nakakakaba. palibhasa ikaw sanay ka na magperform sa harap ng madaming tao" sabi niya

"tiwala lang yan sa sarili mo" Sabi ko naman. 

at naglakad na kami pababa ng Marketing Bldg, and dumiretyo na kami sa Gym.

Pagkatapos ng mahaba habang practice, Dismissal na. Salamat at makakauwi na ko ng bahay.

Tuwing sabado kasi umuuwi ako ng bahay, ang babalik ako ng Dorm sunday night. Agad akong umuwi sa dorm para kunin ang dpat kong iuwi. 

mag aalauna na ng makauwi ako sa Bahay. 

Nadatnan ko si papang nanunuod sa may salas.

"Mano po pa, nandito na po ako" 

"Kaawaan ka ng diyos"- papa

"San po si mama?"

"Ewan ko ba dyan sa mama mo, pagkatapos magluto para sa tanghalian umalis di lang nagpaalam"

Haynaku, umakyat na ako papunta sa kwarto ko baka ano na naman marinig ko. Inihiga ko kaagad sa higaan ko, namiss ko to. Hahhahaha. Home sweetie home ika nga.

Kinuha ko net book ko, nag open ako ng Facebook.

--3 Unread messages-- Nakita ko don sa message icon

Sino kaya mga to. Pagkaopen ko si Mica, Dm and Steve.

Inuna ko buksan yung kay Mica

From Mica

Besss! Labyyu, I need you di ko nakabisado yung mga steps baka pati PE Mabagsak ko. turuan mo ako sa Lunes ha? Libre ko na Lunch mo

Reply ko: 

Okay bes no problem. sabi mo yan ha? pati na rin soft drinks ha? HAHAHHAA

--SENT--

Pangalawa yung kay DM

Kezziah, sorry for being coward and selfish. sorry for all the things I've done. Sorry kung hindi ako nagkalakas ng loob para pigilan ka sa desisyon mo noon. Nandito pa rin ako, umaasa na sana mahalin mo ulit ako. pangako, hinding hindi na kita sasaktan pa. 

Me: *seen his message* 

di ko alam irereply ko sknya. parang ayaw ko na muna siyang mkita o makausap. bumabalik lang yung sakit.

Hayss iginilid ko na lang netbook and napatingin sa kisame. 

ay wait may nakalimutan ako, yung message pala ni steve. parang bigla akong naexcite.

From Steve Lee

Hi Ks! hmmm. may gagawin ka ba mamaya?

Me: wala naman bakit?

Pwede ba kitang yayaing magdinner?

Me: hmmmm anong oras ba?

Kahit 7pm or 8pm?

Me: okay sige

Wla naman masama di ba? single naman ako. and he's nice naman. halata mong may respeto. and magaan naman loob ko skniya.

Salamat Ks! See you mmaya. pwede ko na rin bang mkuha Number mo?

Me: +69988888

Thank you Ks! 

Me: See you

Nag out na ako, itulog ko muna siguro. nakakapgod bumiyahe.


---END--



Outcast In The HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon