[Barkada Series] the B-boy's Ballerina

3.4K 37 2
                                    

Napabuntong hininga na lang ako. Mag-isa lang kasi ako habang palabas ng school. Wala ang mga kabarkada ko. Si Vin may date kay Cailey. Actually, palagi na ngang lumalabas at magkasama ang dalawang iyon. Si Micco naman, hayun, nasa girlfriend niya. Oo, simula nung bumalik sila galing Cebu may girlfriend na yung good boy na yon. Naunahan pa talaga niya si Vin eh, dating stage pa lang daw kasi sila ni Cailey. Si Zeke naman.. Hahaha! Pasensiya na kung natawa ako. Hehe! Kasi naman, umamin na in love pa talaga siya kay Razel eh. Deny-deny pa kasi, eh halata naman sa ikinikilos niya. Ewan ko kung ano na ang progress nung dalawa. Isang linggo din silang hindi nagpapansinan eh.

"Corby! Sandali!"

Napatigil ako sa paglalakad palabas ng school nang may tumawag sa pangalan ko. I looked back and found VPres. Eira heading towards my direction. "Oh, VP. Bakit?"

"Tss! Eira na lang pwede? Tapos na naman din ang class hours at isa pa, medyo close tayo. Hahaha." sabi nito nang makalapit sa akin. "Anyway, hindi yan ang kailangan ko. Gusto ko lang sana kamustahin ang play. Is everything going well?"

Napasimangot ako, "Pwede bang magback-out? Ayoko talagang mag-acting. Tss!"

"Hindi pwede ano! Kaya nga kayo kinuha kasi kulang ng lalaki sa theater club. At isa pa, bagay na bagay sa inyo ng dance club ang role bilang hiphop dancers. Wag ka na ngang umayaw. Chairman ka ng dance club, responsibilidad mo ito." pangangaral nito sakin.

I sighed. "Ayos lang naman na kasali kami sa play, eh. Ang kaso nga lang ayokong maging lead na lalaki eh. =___= Nakakabanas kaya." Sa lahat ba naman kasi ng role eh sa lead pa ako. Yung tungkol kasi sa play ng theater club ay isang b-boy or hiphop dancer at ballerina fell in love with each other. At may mga pagsubok silang dadaanan dahil sa pagkakaiba ng hilig nila sa sayaw at ang bawat grupo ay magkalaban na sa simula pa lang. At ako ang bidang lalaki doon.

"So?. I picked that spot for you."

O_____O Napayakap ako bigla-bigla kay VP. B--B-igla nalang kasing sumulpot ng kung saan si Arjhun. *gulp*

His eyes narrowed and gave me a glare. Napatingin ako sa tinititigan niya ng masama. Waaahh! Dali-dali kong inalis ang kamay ko kay Eira. Baka mapagalitan ako noh! Hinila nito si Eira sa tabi nito bago niya ito kinausap. "Even the lightest order was too hard on you?" nababagot na tanong nito.

" O__O Wha---" Eira.

"Enough." pigil nito sa sasabihin ni VP at hinarap ako. "I picked your spot Corby so deal with it. Give your best and don't fail me or else.. You know what will happen, right?" he gave his creepy smile.

O____O Nakakatakot talaga si Arjh. "O-Oo naman. Ha-ha-ha! S-Sabi ko nga eh, diba, VP? Sabi ko g-gagalingan ko naman eh. S-Salamat sa pagpili sakin. He-he!" tung*nu! Ang hirap suwayin ni Arjh.

"I've seen your practices. Your leading lady is having a hardtime constructing ballet steps. That's why I hired someone who's experienced enough in ballet. Tomorrow she'll come here during your practice. I'm expecting you to cooperate with her genuinely. You two are in charge with the dancing choreographs."

Hmmmm? Sino naman kaya ang kinuha niya. Haaay! Ano pang magagawa ko? Ayokong mapagalitan ng masungit na Student Council President na ito. Tss! Kaibigan ko nga ba ito? =__=

"Gotta go." hinarap nito si VP, "You too." sabay hila nito kay VP paalis.

Did he?... Just.Left.With.Her? O______O May progress na ba kay Arjh? Napailing-iling na lang ako. Mabuti nga kung meron na. Haay! "Makaalis na nga. May dadaanan pa ako."

Nagsimula na ulit akong maglakad palabas ng school. Mga limang minuto akong naglakad bago ko narating ang kabilang school. "Nandiyan pa po ba?" nakangiti kong tanong sa security guard.

[Barkada Series] the B-boy's BallerinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon