7 *Accident

856 18 1
                                    

Chapter 7

Nagpatawag ako ng biglaang meeting para sa dance club kaya naman nandito kami sa dance studio. "Kaya ko kayo ipinatawag dito dahil may mahalaga akong sasabihin sa inyo.. May response na ang school tungkol sa ipinadalang request ng club natin."

"Ano daw ang sabi?" tanong ni Yance, babaeng member namin.

I grinned at them, "They allowed us to participate in the competition."

Naghiyawan naman silang lahat sa masayang balita na dala ko. At masaya din akong makakapagcompete kami sa ibang grupo mula sa iba't ibang panig ng bansa.

"Mabuti naman at pinayagan tayo!" masayang sabi nila. "Salamat sa iyo, Corby."

I smiled at them. "Di rin. Ang galing kasi natin kaya ganon." Tumawa naman sila. Well, honestly magaling talaga ang club namin. Bago ka kasi makapasok sa club, there are certain series of audition na pagdadaanan mo. At kapag hindi ka naman makuha sa auditions na iyon, we conduct a dance session for three weeks sa mga gusto talagang sumali pero hindi pinalad sa audition. Sa tatlong linggo na iyon, tinuturuan namin sila ng mga routines. Hindi lang naman sa galing kaya ka makukukuha kundi sa perseverance at passion mo na sumayaw. We also consider the attitude of the student. Pinakaayaw namin sa mga estudyante ay yung nagiging maangas porket nakasali sa dance club.

I interrupted their conversation. "The competition's in two weeks time." I smiled at them. "Wala namang problema don. Matagal na tayong nagpapraktis para dito." Oo, tama yun. Matagal na kaming may choreography para sa contest na to. Itinigil na muna namin ang praktis dahil wala pa namang response ng school tapos nagkaroon pa kami ng parte sa theater. "Kaya simula ngayon balik praktis na ulit tayo. Ayos lang ba sa inyo yon? Tuwing umaga at pag may free period tayo. Hindi pwede sa hapon dahil may praktis pa para sa theater. Wag kayong mag-alala. Kakausapin ko ang taga theater club para makapagpahinga tayo before the competition."

Tumango naman sila para sumang-ayon.

'

'

Lunch break na nami ngayon. Magkakasama kaming magkakaibigan sa cafeteria at kumakain, except pala kay Arjhun na hindi sumabay sa amin. Ewan ko kung nasaan. Nagmukha tuloy akong chaperone dito. Pawang may partner kasi sina Vin, Micco, at Zeke. =________= Ang sweet pa ng mga loko.

Tumayo na ako matapos kumain.

"Oh, tol? Tapos ka na? Ang bilis mo naman ata?" ani ni Zeke.

"Tss! Busog na ko. Atsaka baka langgamin pa ako dito eh. Sobrang tamis niyo kasi. Una na nga ako sa inyo." saka ko sila tinalikuran at naglakad.

"Woshoo! Inggit ka lang kasi wala si Phoeb dito!" rinig ko pang pahabol na sigaw ni Zeke.

Napapailing na lang ako. Loko talaga kahit kelan.

Naisipan kong tumambay muna sa may ilalim ng puno sa school. Iba na talaga kapag halos lahat ng barkada mo may girlfriend o nililigawan, nakaka-OP! Hahah. Di joke lang. -______-

Ano ba tong pinag-iisip ko. Matawagan nga si Phoeb. Kinuha ko ang cellphone ko saka ito tinawagan. Nakailang ring ako pero walang sumasagot. Pinagpatuloy ko lang ang pagd-dial nang mapatingin ako sa taas ng school building. Nagulat ako nang makitang magkasamang kumakain si VP Eira at.. at... at si Pres. Arjhun. Kaya pala hindi sumabay samin.

Nakaupo sila malapit sa bintana kaya makikita mo mula dito sa inuupuan ko. Kakaunti lang naman ang dumadaan dito. Nasa student council office ata sila kasi yon yung nasa dulo.

"Corby? Hello, Corby? Nandiyan ka ba?"

Napapikit-pikit ako bago binaling ang atensiyon ko sa cellphone. Inalis ko na din ang tingin ko sa dalawa. "Hi! ^_______^"

[Barkada Series] the B-boy's BallerinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon