Oopps! I've made a mistake. Aily pala ang pangalan ng ex-gf ni Corby. Ngayon ko lang po napansin.. Sorry. Heheh. Binasa ko kasi ulit ung stories ng barkada para makonek ko lahat. I noticed na Aily ang ginamit kong pangalan doon sa Imperfectly Perfect. Babaguhin ko po from Jana to Aily.
'
'
'
'
Chapter 10
It has been a week and today is our competition. I managed to focus on the choreography and practices kahit paminsan-minsan napapatulala nalang ako.
Bago kami pumunta dito sa Theater Arts & Music Dome kung saan gaganapin ang kompetisyon, dumaan ako kina Phoebe para sana makausap siya at sana,.. anyayahan siya ulit na makapunta dito para makapanuod samin. Pero hindi niya ako nilabas kaya naman ipinabigay ko nalang kay Tita ang invitation para sa kanya. *sigh!* Napalingon ako sa tumapik sakin. Si Enrico, kasamahan ko.
"Ayos ka lang ba? You don't seem like yourself." anito.
Nakaupo lang kasi ako dito sa may gilid at nagmumukmok. Ibinaba ko ng kaunti ang cap ko para matakpan ang mga mata ko. "Yeah. Ayos lang ako." mahinang sagot ko.
"Kailangan ka namin, Corb." he squeezed my shoulder. "Kailangan mo din kami. Para na tayong pamilya. Kung ano ang desisyon mo, susuportahan ka namin. Tandaan mong nandito lang kami ng club para sayo. Puntahan ko na muna ang iba nating kasama." tinapik niya muna ulit ako sa balikat bago lumayo.
*sigh!* I hope she would come.
'
'
'
Phoebe's P.O.V.
Nasa kwarto lang ako, nakaupo sa kama at nagbabasa ng 50 Shades of Grey nang kumatok si Mom. Siya lang kasi ang kasama ko ngayon sa bahay. "Pasok po."
Pumasok si Mom na may dalang tray ng juice at cookies. Inilapag niya yon sa sidetable ko. "Kain ka muna."
Isinara ko ang libro. "Salamat, Mom."
She was staring at me, watching my every move while I eat. "Mom, may gusto po ba kayong sabihin?" tanong ko.
She sighed heavily, "Hindi ka ba pupunta sa competition ni Corby?"
Napatigil ako sa pagnguya. Iniwas ko ang tingin ko at uminom ng juice. "Ma--Maiintindihan niya naman po siguro na.. hindi ako makalakad ng maayos."
"Yan ba talaga ang dahilan, anak?"
Hindi ko sinagot ang tanong nito at inabot ko nalang ang Physics book at notebook ko. "Mag-aaral na po ako, Mom." I said trying to dismiss the conversation. I know that they know something's wrong between me and Corby pero pinipigilan lang nilang mangialam samin.
Tumayo ito bitbit ang tray. "Iiwan ko nalang ang juice at cookies dito. You can call me if you need anything, okay?" Tumango ako na nakatuon parin ang atensiyon sa libro. "Take care, sweetheart." sabi nito saka ako hinalikan sa noo and headed outside my room.
Napatigil ito nang nasa may pintuan ko na kaya napatingin ako dito. She turned to face me. "He didn't leave you alone while you were suffering, anak." What does she mean? napakunot noo ako. "He was there all along, sa hospital, even in this house. Siya ang nagbabantay sayo at night when you were at the hospital. And he visits you everynight since you were released and he makes sure you're fast asleep. He didn't want to show himself to you because he said he needs to fix things first."
BINABASA MO ANG
[Barkada Series] the B-boy's Ballerina
Novela Juvenil[COMPLETED] "..I'm sorry. I was blinded and was locked with the past. I never looked in what's in front of me was more important and precious. I'm a jerk who keeps on convincing myself that she would come back. What I didn't know is I was losing som...