Chapter 3
"Oh, ang saya mo ngayon ah? Anong meron?" tanong ko kay Vin. Nakasalubong ko lang ito papasok nang school.
"Sinagot na ako ni Cailey, kagabi." nakangiting pahayag nito.
Kaya pala masaya ang isang toh eh. I tapped his shoulder, "Congrats, tol."
"Salamat."
"Pakain ka mamaya. Hahaha!" ako.
"Tss! Pagkain na naman nasa utak mo." iiling-iling na sabi nito at mabilis na naglakad.
Bakit? Anong problema sa pagkain? Sabihin niyo nga? Wala naman ah? I still maintain my body well. Tss. Sabihin lang ayaw manlibre. Haha.
***
Dumudugo na utak ko sa klaseng toh. Grabe! Sino bang hindi? Eh simpleng quiz lang naman toh ah, pero nauwi sa isang debate nang dalawang estudyanteng nasobrahan sa pagiging genius.
"It's supposed to be the other way around. You should've given it to be a lot more specific." si VP Eira po yan.
"It's not even necessary. It's just common sense. Why can't you just admit that you're mistaken? Well, I admit Ma'am has quite a mistake. But... *blah*blah*blah*" sino pa ba yan? Si Pres. Arjhun.
Diyos ko po! Ni hindi na makasingit si Ma'am sa dalawang toh. Kinalabit ko si Zeke. "Tol, ilong mo dumudugo."
Pinunasan nito ang ilong at nanlaki ang mata. Akala niya kasi nagbibiro lang ako. Tumayo ito sabay taas ng kamay to get the attention of the teacher, "Maam! Sa clinic na po ako. Dumudugo na po talaga ilong ko dito." hindi na nito hinintay si Maam at mabilis na lumabas nang room.
Hahaha! Shet! Natatawa talaga ako kay Zeke.. Dumugo talaga ang ilong. Buti nalang umepal si Zeke kaya natigil na yung debate nila.
*kriiiinngg!- kriiiinngg!*
Finally! Lunch break na! Nagpaalam na kami kay Ma'am saka lumabas ng classroom. Kasabay ko ngayon sina Micco, Vin, Cailey at Arjhun nang makasalubong namin si Razel. "Ahmm, Raz, si Zeke nasa clinic." sabi ko agad dito.
Nagulat ito. "Bakit anong nangyari?" nag-aalalang tanong nito.
"Ahh, eh.. nosebleed kanina sa klase." sabi ko na ipinagtaka nito. Pasimple kong itinuro si Arjh, yung di niya makita. Nakuha naman ni Razel ang ibig kong sabihin.
Tumango ito, "Sige, salamat. Pupuntahan ko na muna." paalam nito.
We continued to walk to head to the place where we hang out here in school. Panay lang ang kwentuhan namin ni Micco. Binibiro kasi namin sila ni Cailey at Vin. Si Arjh naman, as usual.. walang paki at nasa unahan namin, nauunang maglakad.
"Hahaha! Oi, Vin! Namumula ka oh. Haha.. Halik--- Ow!" daing ko. Bigla nalang kasi akong nabangga. Eh, kausap ko sina Vin kaya nakatingin ako sa kanila. Di ko napansing tumigil si Arjh sa paglalakad sa gitna nang hallway sa may Locker Area. "Tol, bakit ka tumigil?" Nanatili itong tahimik at nakatingin sa kung saan na nakakunot ang noo. Anong problema nang isang toh? Sinundan ko ang tingin nito at nakita sa VP Eira sa locker nito, may kausap na lalaki.
Biglang nagblush si VP nang may sinabi ang lalaki sabay inilabas ang isang pulang rosas. Agad kong tiningnan si Arjh. Kunot na kunot ang noo nito. Don't tell me,.. nagseselos ang batong toh? I slowly grinned on the realization.
"Stop grinning, Corby." he said coldly and gave me a glare kaya tumigil ako. Shit! Kakatakot!
Nagulat ako nang maglakad ito palapit kina VP. We just stared at them. May sinabi si Arjh pero di namin marinig since may kalayuan kami sa kanila. Parang nagalit ata si VP kasi bigla nalang sumigaw.
"Stop interfering with what I do, you jerk!" naiinis na sigaw ni VP. Patay!
Biglang hinila ni Arjh si Eira pero hinihila nito ang kamay pabalik. Kaya ang ginawa ni Arjh ay binuhat na parang sako ng bigas si VP at dinala paakyat ng hagdan. Naiwan naman kaming lahat, as in pati ang ibang students sa hallway na gulat at laglag panga sa nangyari.
"Alright! End of the show guys.." sigaw ni Micco na nagpabalik samin matapos ang locker scene. Agad namang bumalik sa normal ang lahat kahit may konting bulong- bulungan. Nilapitan namin ang lalaking kausap ni VP.
"Pagpasensyahan mo na ang kaibigan namin. Ganon talaga yon. Nanliligaw ka ba kay VP?" ani Micco.
Ngumiti naman nang konti ang lalaking kausap ni VP na sa tingin ko ay sophomore base sa kulay ng ID nito. "Yun nga sana ang gagawin ko. But I guess matatalo lang din ako.. *sigh* Wag lang niyang subukan na paiyakin si Eira... at pinapangako kong aagawin ko siya." ngumiti ito samin. "Sige. Mauuna na ako. Marco nga pala. Sige."
***
Pagkatapos ng nangyari kanina, hindi na pumasok ang dalawa. Nakapagtataka na talaga ang mga ikinikilos ni Arjh. Parang may mali eh.. O di kaya naninibago lang ako. Kilala niyo naman si Arjh. Hindi yan nagbibigay nang sobrang atensiyon sa isang babae, pwera nalang kung si Chantal. Kaya nakakaduda kung bakit ganon siya kay VP. Posible kayang nahuhulog na si Arjh dito?
"Huy!" tapik ni Micco sakin. "Mukhang lutang ka. Anong meron?" curious na tanong nito.
Umiling nalang ako. Kung talagang nahuhulog na si Arjh kay Eira, I think it's a good thing. Hindi na dapat ako makialam pa. "Wala.. Anong oras na ba?" pag-iiba ko nang tanong dito.
"Quarter to five. Uwian na pala." sabi nito.
Bigla namang nagbell for class dismissal. Sa wakas, uwian na! Agad kong kinuha ang cellphone ko. I read the text message at napangiti nalang ako. Kinuha ko ang bag ko at agad na tumayo.
"Si Phoebe yun, ano?" nakangising aso na tanong ni Zeke. Itatanong ko sana kung bakit niya nalaman nang magsalita ulit ito. "You're only like that when it comes to her."
Napatigil ako sa sinabi nito. I'm only like this when it comes to her?! "Siyempre, dahil bestfriend ko yun. Diyan ka na nga." sabi ko at tinalikuran ito at naglakad.
I heard him chuckled, "No, dude. You only act like that when your inlove."
O____O Napatigil ako dahil sa sinabi nito.
In love? Ako?.. Kay Phoebe?. I-Imposible!
Nilingon ko si Zeke. He had that smirk on his face. Umiling ako. "She--"
"Don't give me that excuse, tol. Friends, pfft! Sinong maniniwala don? Tingnan mo nga., paano mo ba tratuhin si Phoeb? Pag siya na ang pinag-uusapan, all ears ka. Ayaw mong nasasaktan; supportive ka masyado; lagi mong dinadalaw, sinusundo at pinupuntahan sa paaralan nila; at halos siya na ang bukambibig mo. Hindi mo pa ba nakikita?"
Napaisip ako.. W-Well., ganon nga ako. "Isn't that what friends suppose to do?"
"Kasama na ba ang pagseselos don?" tanong ni Micco nang nakangisi.
"Who said I'm jealous? At kanino naman?" ako.
Sabay na nagtawanan ang tatlo. "Kay Drei! Obvious lang naman! Hahaha." chorus na pahayag nung tatlo.
Si Drei. Tss. Well I don't want him touching Phoebe. It's irritating me. Psh! -_____-++
"See? Tingnan mo ang mukha mo. Tol, kaibigan mo kami. We know kung kailan ka inlove o hindi.. Tingnan mo nga nung ako pa, in denial kay Razel. You all knew I was still into her. Ganyan din kami sayo. Nakikita namin kung paano mo siya tingnan." ani ni Zeke.
"Tol, why not give it a chance?" Vin.
I was silenced. I knew from myself that she's special. It's just me who denies that feeling. Siguro nga, panahon na para bigyang pansin ko ang pakiramdam na ito. I sighed and glanced at them. "Pag-iisipan ko. Sige." I said bago sila iwan upang puntahan ang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
[Barkada Series] the B-boy's Ballerina
Teen Fiction[COMPLETED] "..I'm sorry. I was blinded and was locked with the past. I never looked in what's in front of me was more important and precious. I'm a jerk who keeps on convincing myself that she would come back. What I didn't know is I was losing som...