Epilogue

1.6K 27 1
                                    

13 years later..












Kakalapag lang ng sinasakyan kong private jet sa London. I breathe in the fresh air deeply when I went out. Ganito na talaga ako. Kung saan-saang mga bansa bumabiyahe at umaabot. Parte na kasi ng trabaho ko. Isa na akong kilalang dance choreographer and video director. Iba't ibang grupo at singer ang kumukuha sa serbisiyo ko. Kakagaling ko lang sa South Korea para magchoreograph sa isang kilalang boy group doon. I immediately went here para na naman sa isang choreography sabay dalaw ko na din sa fiancee ko. I'm pretty sure she'll be surprised when she sees me.

Agad akong sumakay sa naghihintay na sundo ko. Panay lang ang tingin ko sa nadadaanan namin. Napagod talaga ako ng sobra sa biyahe tapos tinawagan pa ako ni Arjh. Hindi kasi ako nakadalo sa Board Meeting dahil sa conflict schedules. Hindi ko naman maaaring epostpone ang schedule ko kaya nagpaalam nalang ako kay Arjh, siya naman ang may-ari ng kompanya. Shareholders na kasi kami ng kompanya ni Arjhun, kami ng barkada.

Nagring ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot. "Hello?.. Where is she?.. Alright, you did well. Thank you." then I ended the call. Binalingan ko ang driver, "Let's head to ***** studios first." utos ko dito.
"Yes, sir."

Ngumiti ako at tumingin sa labas. Isa yon sa mga tauhan ko ang tumawag. Alam kong malayo kami ni Phoebe palagi dahil busy din siya sa career niya. So I decided to have someone to watch over her. Hindi naman sa paghihigpit. Maluwag nga ako sa pagpapabantay sa kanya eh. Ang akin lang ay malaman kung okay lang siya. It's not at all times ko siyang pinapabantayan. Minsan lang, yung hindi ko siya nakakamusta o nakakausap dahil pareho kaming busy, gaya ngayon. Hindi niya alam na darating ako dito kaya naisipan kong sorpresahin nalang din siya. So I called one of my men para malaman kung nasaan siya ngayon. Narating naman namin agad ang studio. I instructed the driver to park the car a few meters away saka ako bumaba ng sasakyan at naglakad.

'

'

'

'

'

'

'

'

'

'

Phoebe's P.O.V.

Nginitian ko ang mga bata at pinatay ang music. "Alright, kids! That's it for today." May mga nag-'awe' naman, gusto pa kasing ituloy yung praktis. Alam kong ang busy ng schedule ko pero I see to it na mabigyan ko ng time ang mga batang ito na maturuan ng ballet.

Lumapit sakin si Anna, seven years old at ang pinakabata sa mga tinuturuan ko, she is a half Filipina. "Ate ganda," yan ang tawag niya sakin kasi maganda daw ako. "when will be our next class?"

Yumukod ako para makapantay ito. "In two weeks time."

Napayuko ito at nagpout, "That long?"

Tumango ako at kinurot ang pisngi nito. "Sorry, sweetie. I have some important work to do." Tumango-tango ito. "Prepare a piece for me for the next meeting okay?"

Ngumiti ito at humalik sa pisngi ko. "Okay!.. Bye, Ate! Mom's here!" saka ito nagpaalam papunta sa mama nito.

Nginitian ko ang mama nito na si Jean, pinay. Kumaway naman ang mga ito kaya kumaway din ako pabalik. I went to the locker and changed my clothes. Isinuot ko lang yung jacket ko, scarf at boots. Saka ko inayos ang gamit ko at buhok bago lumabas ng building.

[Barkada Series] the B-boy's BallerinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon