Chapter 9
It has been a week already and a lot has happened within that week. Ang mga kaibigan kong sina Vin at Zeke ay hindi ako pinapansin at kinakausap. Iniiwasan nila ako lalo na't palagi kong kasama si Aily. Minamadali kasi namin ang choreography para matapos agad dahil may contest pa akong sasalihan at paghahandaan.
"Pasensya na--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita kong si Vin pala ang nabangga ko. "Vin."
"So?.. Where's the tramp?" halatang galit ito.
Naiiling na sumagot ako sa kanya. "Hindi mo siya kailangang tawagin ng ganyan. May pangalan siya, Aily, Aily Marie Alcantara.."
"Hah! Mabuti naman at naaalala mo pa ang pangalan niya. Kahit ilang taon siyang wala sa tabi mo, kahit sinaktan ka na niya. Eh ang pangalan ba ng taong laging nandiyan para sayo, ang taong nasasaktan ng dahil sayo, naaalala mo ba ang pangalan niya?" galit na tanong nito. "Pwes ipapaalala ko sayo kung sino siya. Siya lang naman yung taong hindi ka iiwan kahit kailan, ang taong pinaasa mong mamahalin mo, ang taong kinalimutan mo simula nang bumalik siya, ang taong hindi mo man lang binisita sa ospital hanggang sa makalabas ito, kilala mo ba kung sino? Siya lang naman si PHOEBE FAJARDO. Ang babaeng napaka-espesyal pero binalewala mo."
Halos lahat ng salitang sinabi niya tumagos sakin. Yeah, I've been a jerk.. But. *sigh* "Pasensya na." lalagpasan ko na sana siya pero pinigilan niya ako sa braso.
Tinitigan niya ako ng masama sa mata. "One more step towards Aily, Corby. And I swear I'll punch you to wake you up."
Inalais ko ang kamay niya. "Do what you want to do."
"Corby!" tawag ni Aily na nasa di kalayuan. Kumaway pa siya sakin at ngumiti. I gave her a smile in return and stepped forward nang bigla akong suntukin ni Vin sa panga. "Oh my GOD! CORBY!!" sigaw ni Aily at mabilis na lumapit sakin. "Are you alright?"
Tumango ako at hinimas ang panga ko. Ang sakit non.
"I've warned you." matigas na sabi ni Vin saka kami tinalikuran.
"Anong problema mo?" sigaw ni Aily kay Vin. I tried to stop her pero nakalapit na ito kay Vin. "Akala ko ba magkaibigan kayo? Bakit mo siya sinuntok?"
Nilingon ni Vin si Jana. His eyes burning with anger. "You." may diin na sabi nito. "You. Are. My. Problem."
Napaatras ito. Halatang natakot kay Vin. "B-Bakit?"
Nilapitan ko sila at hinila si Jana. "That's enough, Aily. Let's go." Hinila ko siya hanggang sa makalayo na kami kay Vin. "Sa theater nalang tayo agad." sabi ko dito para makapagsimula na agad kami. Kailangang tapusin na ngayon kasi next week focus na muna ako sa dace club dahil competition na. Papasok na sana kami sa backdoor nang bigla niyang pigilan ako sa braso. I looked at her. Nakayuko siya. "May problema ba?" tanong ko.
'
'
Tumingin siya sakin with teary-eyes. "H-Hey.. Bakit ka umiiyak?"
"G-Galit ba sila sakin?" mahinang tanong niya.
Umiling ako. "Hindi." sa akin sila galit. I sighed, hinawakan ko ang pisngi niya. "Tumahan ka na." I brushed her tears away.
Tumitig ito sakin at hinimas nito ang panga kong nasaktan. "Masakit ba?" tanong nito na iling lang ang sagot ko. "I've never seen you smile so happily eversince I was back." Tumulo ang luha nito.
She's right. Hindi na ako ngumingiti gaya ng dati simula nang dumating siya. Pakiramdam ko kasi, bawal akong ngumiti ng ganoon ka saya maliban sa isang tao.. Mali ang ginagawa ko. Nasasaktan ko na si Aily dahil sa ginagawa ko. She's kind and pure hearted, she doesn't deserve this..
BINABASA MO ANG
[Barkada Series] the B-boy's Ballerina
Fiksi Remaja[COMPLETED] "..I'm sorry. I was blinded and was locked with the past. I never looked in what's in front of me was more important and precious. I'm a jerk who keeps on convincing myself that she would come back. What I didn't know is I was losing som...