"Ahhhhhhhh!!!! Oh my gosh, oh my goshh!" ewan ko pero rinig na siguro ng buong school ang tili ko ngayon.
Eh nakakakilig kasi at nakakagulat.
"Princess, bakit? Anong meron at kung makatili ka diyan wagas?" tanong ni Abby.
"Kaya nga," biglang nakita ni Vielah na hawak ko yung cellphone ko "Ow Bakit? Sinagot na niya? ayieee!"
"Uy,sino yun?" tanong ng isa ko pang kaklaseng si Cake.
Ang dami naman nilang tanong. Well, kasalanan ko din eh, rinig sa buong classroom tili ko eh!
"Omg, sinagot na niya!!! Ahhhhhhh!!!!" tili ko pa ulit.
Di ko lang talaga mapigilan emosyon ko, kinikilig talaga ako! :''>
"Sinagot na niya?" tanong ni Melanie.
"Oo! Omg!!"
"Oh? Eh di kausapin mo na!"
"Oo nga kakausapin ko na" tinignan ko na ulit yung phone ko. Kaso...
WAAAAA. >///<
"Argh!"
"Oh bakit?"
"Na-end call ko pala kanina sa sobrang pagkagulat ko! Ang shunga ko talaga!"
Pumunta na lang ako sa restroom para tawagan ulit siya. Maingay din kasi sa loob ng classroom.
Nga pala, di ko pa nasabi sa inyo kung sino yung tinatawagan ko.
Sino pa nga ba? Kundi si MJ. Si Michael Jackson, yung kumanta ng Billie Jean at Thriller. Syempre joke lang! Michael John ang name ng tinatawagan ko. Ang adik naman kung si Michael Jackson nuh!Si MJ (Michael John) ang lalaking minahal ko 3 years before. Ewan ko ba, nagbasa lang ako ng wattpad, bumalik na biglaan yung feelings ko sa kanya! Basta, it's something weird. Next time ko na i-kwento sa inyo kung bakit at paanong bumalik! Focus muna sa present ngayon. hehe.
Sinimulan ko nang i-dial ulit yung number niya.
Calling <3...
Yeah. '<3' kasi yung nilagay kong name niya sa contacts ko kasi nga... <3 ko siya.
Bakit ganun wala na namang sumasagot sa tawag!
Dial nga ulit.
Calling <3...
Wala ulit sumagot!
Dial pa ulit.
Calling <3...
*ring* *ring* *ring*
Omg. Nagri-ring na! Sana sagutin niya na ulit!
*ring* *ring* *ring* *ring*
Ang tagal naman sagutin! . Sana naman sagutin naaa.
"The number you have dialled can not be reached. Please try again later"
What the? Kanina lang nagri-ring tapos biglang can not be reached? Paasa lang?
Lumabas na ko ng restroom since can not be reached ang phone niya ngayon. Mamayang uwian ko na lang siya tatawagan ulit.
Malapit na din kasi yung next subject namin, ayokong ma-late nuh!
"Hoy babae." tawag ni Bettina, bestfriend ko last year.
Ewan ko lang kung bestfriend pa din kami ngayon.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Experience With Him
General FictionThe hardest part is waking up in the morning remembering what you were trying so hard to forget that night. A thousand memories plays back into your mind... Everything you've been through with him. Everything unforgettable. Every experience. Every...