Fr: <3
-Pumunta ka sa may tapat ng 7eleven
Eh? Ang layo nun. Mababasa akoooo.
To: <3
-Saan? Wala akong payong mababasa ako.
Fr: <3
-Sa tapat ng 7eleven. Takbuhin mo na lang. Basa na din ako eh.
Wow. Ako ang babae, ako pa ang magpapabasa para makapunta sa kanya? Di talaga siya gentleman kahit kailan. =__=
Ohwell, ano pa ba ineexpect ko? Ako ang may gusto sa kanya.
Since wala akong choice, tumakbo na ko at tumawid papuntang 7eleven sa may doon. Ugh, basang basa na ko tuloy.
Paikot-ikot ako ngayon sa 7eleven pero wala naman siya dito. Pinagloloko niya ba ako?
Maya maya ay muling tumunog yung phone ko, nagtext siya.
Fr: <3
-Pumunta ka sa may Jollibee.
So, pumunta na nga ako doon.
Nakita ko na siya doon na tinatawag ako at sumunod na ako sa kanya. Ngayon nakahinga na ko ng maluwag. Akala ko kasi di niya ako sisiputin. But now, I'm finally with him!
Medyo nahuhuli ako ngayon sa paglalakad kasi ang bilis niya maglakad! Di man lamang ako hintayin. Medyo nadudulas tuloy ako kasi basa na din yung tsinelas ko!
Err. Gusto ko siyang sigawan at ipangalandakan sa kanya kung gaano katagal niya ko pinaghintay! Gusto ko siyang sabihan ng 'Hoy lalake! Ang tagal mo na nga kong pinaghintay tapos ang bilis bilis mo pa maglakad ngayon! Pag ako nadulas dito, sasapakin na kita!'. Pero wala akong lakasng loob na sigawan siya, ewan ko, shy type siguro ako?
Di ko siya magawang sigawan kaya nagme-make face na lang ako sa inis ko sa kanya.
Nandito na kami ngayon, naghihintay yata siya ng jeep.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Experience With Him
General FictionThe hardest part is waking up in the morning remembering what you were trying so hard to forget that night. A thousand memories plays back into your mind... Everything you've been through with him. Everything unforgettable. Every experience. Every...