Chapter Two - Princess Waiting

5K 76 27
                                    

Pag-uwi ko ng bahay ay nagmamadaling nilapag ko agad yung mga gamit ko at kumain agad. Pagkatapos ay dumiretso na ko sa CR para maligo at nagmamadaling nagbihis at nag-ayos. 


Nagsuot na lang ako ng dark blue na Tshirt at tokong pants.


Simple lang para di halata. Tsaka madalas ganito din naman ang suot ko kapag aalis ako.



"Nay, bibili lang ako ng cellophane sa may National Book Store." pagpapaalam ko kay nanay. Hayss. Buti na lang talaga malapit ang National book store sa may simbahan! :D


"Oh sige. Pasama ka kay Rose. Pero huwag kayong magtatagal at magbabantay pa si Rose dito sa tindahan."



Sumakay na kami agad ng tricycle dahil super excited na din ako.


Di dahil sa excited na akong bumili ng cellophane kundi excited na kong makita si MJ! ♡



Nagtataka ba kayo kung bakit?



*Flashback*


"Melanie, madami ba tayong mga assignments o kung ano man na kailangang i-review?" 

 

Tinanong kasi ako ni MJ kung pwede ba daw kami mamaya magkita.


Kilig to the bones nga ako eh! Ang kaso lang, Tuesday ngayon at may pasok pa bukas.

 



"Medyo. Madami dami din tayong mga assignments." Oo nga pala madami din kaming assignments ngayon at mga projects din yata.



Pero pwede naman siguro sa weekend na lang kami magkita? 

 

 



Tinext ko si MJ at tinanong kung pwedeng sa Saturday na lang.

 



Kaso reply niya di daw siya pwede sa Saturday at busy siya. Nga pala, sa Manila pa siya nag-aaral. Malayo sa Pasig.

 



"Melanie! Pano na ito? Madami tayong assignments." 

"Sus. Kaya mo na 'yon." 

"May seatwork pa sa Chem bukas. Tss. Ang wrong timing! No choice. Kailangan ko siya ulit tanggihan." ilang beses na kasi ako niyaya ni MJ na pumunta sa bahay nila. Bakasyon non pero tinanggihan ko siya, baka kasi maligaw lang ako sa byahe. 

At ngayon, desidido na sana akong pumayag sa kanya para makita ko na ulit siya kaso nga lang wrong timing naman!

"Alam mo parang ikaw pa 'yong ano! Nako. Di kita maintindihan, Princess." Aniya.

Unforgettable Experience With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon