Chapter Seven -

1.6K 22 1
                                    


 

Di na ulit kami nakapagkita matapos ang gabing 'yon. Masasabi kong mabilis ang panahon kasi dalawang buwan na ang nakalilipas matapos ang lahat lahat.

Gayunpaman, di ko pa din makalimutan lahat ng mga nangyari.

Medyo depressed ako ngayon.

Tuwing naaalala ko yung gabing yon, pakiramdam ko napakatanga kong babae. Nagawa ko pang magsinungaling sa pamilya ko para sa kanya.

Tinanong ako ng mga tita at tito ko noon kung saan ako nagpunta.

Nung una, sinabi kong bumili ako ng cellophane at naligaw ako. Pero alam kong hindi talaga sila convince dun at parang napaka-imposible din kasi ng dahilan ko. 

Kaya sinabi ko na lang na nakipagkita ako sa isang ka-text ko na hindi ko kilala. Nakokonsensya nga ako kasi nagagawa kong magsinungaling sa kanila eh. :(

Kinuha din ng tita ko yung cellphone ko kasi nga nagdududa na sila sa akin. Yung tiwala sa akin ng pamilya ko, wala na ngayon.. :(

Kinasusuklaman ko ang sarili ko kasi nagawa kong lumandi.

Pero thank God dahil hindi ko naman naibigay sa kanya yung virginity ko. 

May mga oras na kinukulit ko siya ulit sa chat sa facebook. 

*FLASHBACK* (2weeks after that night)

8:30pm na pero heto ako at nakatunganga pa din sa laptop. Nagbabasa kasi ako ng wattpad. At the same time, nag-ffacebook din.

Matapos kong mabasa yung binabasa kong story sa wattpad ay na-bored na ko. As usual, tinignan ko na lang ang chatbox sa facebook para may mai-chat ako at di ako ma-bored.

 

O_____O

 

Online siya.

 

 

Princess: uy

 

Chinat ko siya pero hindi niya ko nireplyan kaya napag-isipan kong i-flood siya para lang magreply siya.

 

Princess: uy

Princess: uyyy

Princess: .........

Princess: uyyyyyyyyy

 Princess: !!!!

 

Paulit-ulit ko siyang kinukulit sa chat hanggang sa magreply siya. Pride ko? Wala na. Nilunok ko ng lahat yun mula nang mahalin ko siya.

 

 

Michael John: yes ??

 

OMG. Nagreply na siyaaaa. :O 

Kinikilig ekeeee. :''> 

 

Princess: wala lang. musta?

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unforgettable Experience With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon