Di ko pa din siya ulit chinat kasi nasaktan din talaga ako doon sa sinabi niya.
Ayoko na muna siya i-chat kasi natatakot akong baka masaktan na naman ako sa mga posibleng sabihin niya.
Madalas ko siya makitang online. Tulad ngayon, online siya.
Dapat ko ba siyang i-chat?Kaso baka masaktan na naman kasi ako eh.
Kahit sa chat niya pa lang sinasabi yun. Nasasaktan na ako. Sino ba namang hindi masasaktan 'pag yung taong mahal mo sinabihan ka ng 'nonsense'.
Tagos sa puso ang kirot pag ganun.
After an hour...
He's still online.
Wala ba siyang balak na i-chat ako? Natural wala! Ang assuming ko talaga! T__T
Ilang minuto pa ang lumipas at di na ko nakapagpigil pa.
Princess: ...
Ayan na-chat ko na siya. Di ko alam sasabihin ko kaya period lang! Wala akong idea kung ano ba dapat i-chat ko sa kanya eh!
Pero sana naman kahit papaano, magreply siya.
30 minutes later...
Di siya nag-reply. :(
Waaaaaaa. Gusto ko pa tuloy siya i-chat ulit! Kaso baka di na naman ulit mag-reply! Pero bahala na.
Princess: uy
Ni-chat ko na ulit siya! Sana naman magreply na siyaaa.
*TING*
Michael John: yes ??
Omg! Nagreply na siya. Hmmm, ano ba magandang i-reply pabalik sa kanya?
TAKTE. Sana pala di na lang siya nag-reply. Dejoke lang! Di ko kasi alam kung ano ba dapat ko i-reply sa kanya eh!
Natatakot ako baka sabihan niya na naman akong 'nonsense' kausap. Ewan ko ba! Sobrang apektado kasi ako pag sa kanya nanggaling yung words na sobrang nasasaktan talaga ako.
After few minutes...
Di ko pa din alam kung ano ba dapat kong i-reply sa kanya.
Kanina umaasa akong mag-reply siya pero ngayon nagmamaktol ako kasi di ko alam i-rereply ko, Ang adik ko lang!
Bahala na. Wag na nga lang muna siya ma-replyan. Hindi din naman siya interesado sa akin. Palipasin ko muna ng ilang araw bago ko siya i-chat ulit.
Lalo na't baka mainis lang siya ulit sa akin at sabihan pa ako ulit ng 'nonsense'
Makapag- log out na nga.
*TING*
Mag-a-out na sana ako. Biglang tumunog yung chat box..Michael John: may pasok kyo ?
He just chat me..O____________O
OMG! First time in my life na siya ang unang nag-chat!
Does that mean na kahit kaunti ay interesado siya sa akin? Ghad! :''>
Uhmm. Ano ba dapat i-reply ko? Wala kaming pasok ngayon.. May bagyo eh..
Princess: wala.
Kaya ayan ni-reply ko. Hahaha, nakakakilig talaga! Can't believe na icha-chat niya ko. Kyaaaah!
BINABASA MO ANG
Unforgettable Experience With Him
Ficción GeneralThe hardest part is waking up in the morning remembering what you were trying so hard to forget that night. A thousand memories plays back into your mind... Everything you've been through with him. Everything unforgettable. Every experience. Every...