Chapter 12.

8.6K 413 55
                                    

CHAPTER 12.


Mhhhhmmmm. Ang sarap sa feeling! Hinahalikan na naman ako ni Callixte sa panaginip ko! Ganito ba talaga kapag katabi mo yung taong gusto mo? Mapapanginipan mo na nagkikiss kayo? Sana pala lagi ko nalang katabi si Callixte para laging ganito ang panaginip ko. Lols joke.



Bumangon ako nang may malaking ngiti sa labi 'ko. Sinulyapan ko si Callixte na nakahiga padin sa tabi 'ko habang hawak ang phone nya.



"Good morning!" Ngiti ko sakanya. Sa panaginip ko, ang lambot ng lips niya.



Kiss ko kaya siya para masatisfy ako sa panaginip ko?




Nagpigil siya ng ngiti, "Bakit masaya gising mo?"



Kasi! Kinikiss mo ako sa panaginip ko! "Maganda ang panaginip ko, e. Ikaw? Bakit ka nakangiti?"



Sumimangot naman siya agad. Aba badtrip nanaman? "I'm not."




I just pouted at pinanuod lang siyang habang naghihilamos sa nakabukas niyang CR. Aaaaaahck! Mali ba kung iisipin ko na parang mag-asawa na kami ni Callixte? Omg. Sarap naman ng ganitong feeling mga bes!




"Do you cook?" He asked.




Napakamot ako sa ulo 'ko. Of all things, i'm bad at cooking. "Hindi eh. He-he-he."



Inirapan niya lang at lumabas na siya sa kwarto. Naghilamos at nagtoothbrush ako bago ko siyang panuorin magluto.



"Wow, magaling ka pala magluto." Puri ko sakanya.




"Di ba obvious? Tss."




Kaasar naman yung ganyang mood niya. Ang saya saya na ng umaga 'ko eh. Tapos bigla niya akong gaganyanin. Hay. Bakit ba di pa ako nasanay?



Tahimik lang ako habang kumakain kami. Napapansin kong sinusulyapan niya ako pero di ko siya tinitignan. Eh, baka mabadtrip na naman siya sa akin eh.



"Maliligo na ako, tapos magpapasundo sa driver 'ko." Sabi ko pagtapos kong hugasan ang pinagkaina namin.



"Ihahatid na kita." Aniya. Di ko parin siya tinignan at tumango lang ako.



Naligo ako at pinahiram niya ako ng kanyang hoodie dahil hindi ko ugaling magsuot ng shirt na nasuot ko na. Mabilis kaming nakarating sa bahay dahil wala masyadong traffic.



"Thank you sa paghatid. See you tomorrow. Yung house model ah? Don't forget." Sinulyapan ko lang siya saglit.



"Yeah, see you."



Tumango lang ako at bumaba na. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya and I just sighed. Nag-away ba kami? Parang.. Parang kagabi lang nagtatawanan kami ah? Hay nako.



Pumasok na ako sa bahay at nakahinga ako ng maluwag dahil walang bakas ni Daddy. So it means, no bugbog for Porsche dahil hindi umuwi ng bahay sa loob ng dalawang araw.




Naisip kong bigyan ng gift si Callixte. Pasasalamat ko na din kasi inalagaan ako ng parents niya na parang totoong anak nila.




I decided to bake a brownies for him. Peace offering nadin? Kasi.. Nag-away kami? Lol ni wala akong idea kung magkaaway ba kami or what.



Medyo na-late ako ng pasok kinabukasan kaya pag dating ko sa school. Andun na si Callixte dahil makakasalubong ko siya, ngingiti na sana ako nang makita 'kong ka-akbay niya si Erica. May girlfriend na siya ulit? Eh ilang araw palang nung magbreak sila ni Eunice ah..



Nagkasalubong kami at nakita kong napatingin siya sa akin. Hindi ko siya tinignan at pinagtuonan ko ng pansin ang mga lalaking nag-hi sa akin.




"Uy! Nag-bake ka ng brownies? Para kanino?" Nagulat ako nang sumulpot si Erica sa likod ko kaya napatingin ako sakanya.. Habang magka-holding hands na sila ni Callixte.



Para sana sa ka-holding hands mo.. "Pang-foodtrip. G-gusto mo?" Pagaalok ko sakanya at binuksan ang box ng brownies. Hindi siya nagdalawang isip at kumuha siya doon.



"OMG! Ang sarap! Babe, tikman mo." Kumuha pa ng isa si Erica at sinubuan si Callixte. Napa-iwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang pagsikip ng dibdib 'ko..



Ang sakit :( sa harap ko pa talaga, noh? Nangaasar kaya 'to si Erica?




"Erica, sa iyo nalang. Kailangan ko na umalis." I faked a smile at her at dire-diretsong umalis. She shouted thank you, nag thumbs up lang ako nang hindi sila nililingon.



Dumiretso ako sa CR at nagkulong sa isang cubicle. Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak.. Why does it hurt so bad? Hindi naman ito ang unang beses na nasaktan ako kay Callixte pero.. This time, it's different. Sa harap ko pa kasi. Tapos, parang nung isang gabi lang magkatabi kami sa kama at mahigpit ang yakap niya sa akin. Ngayon, ibang babae na yung ginaganun niya..




Playboy si Callixte. Bakit ba di ko itatak yun sa kokote ko? Hindi siya nagseseryoso at wala siyang balak magka-serious type of relationship.



Dear puso, why so stupid? Tss.



Iniyak ko ang sakit na nararamdaman ko at lumabas na sa cubicle. Namumula na agad ang ilong at pisgi ko sa kakaiyak. Naglagay lang ako ng powder at lip balm para magmukha akong presentable. I checked my watch and it's already 7:15. Hala shet, late na ako. Sige! Drama pa more! Late kana daday!




Tumakbo na ako papuntang room at pagdating ko doon ay kakatapos lang mag-pray.




"Oh Porsche? Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Mam Arabelle sa akin.




"May kinausap lang po ako.." I lied. Nag-ayie yung mga blockmates 'ko kaya napangiti nalang ako. Lahat nalang ayie. Hahaha cutie blockmates!




Medyo magaling na ang kamay 'ko kaya nakakapagsulat na ako ng notes. May kahapdian konti pero bearable naman.



Naka receive ako ng maliit na papel. At sa iisang tao lang ako nakakatanggap ng ganito.



Sino kinausap mo?



Tss? May pakealam ba siya? Bakit siya nagtatanong? Hindi ko iyon pinansin at nilagay ko lang sa bag. Bahala ka d'yan. Tss.



Nagpadala pa ulit siya ng note. Kakainis naman! Di tuloy ako makapag focus sa pakikinig!



Hoy sumagot ka. Sino nga kausap mo?



Bahala ka d'yan. Hmp. Hindi ko ulit pinansin ang note niya at sinilid ko lang iyon sa bag.



Nagulat ako nang may bumato sakin ng crumpled paper, napa-aray ako at napatigil si Mam sa pagtuturo.



"Porsche? Are you okay?" Tanong ni Mam.



"Opo. Sorry po.." At nag peace sign ako.



Bumalik sa pagtuturo si Mam. Sinamaan ko ng tingin si Callixte at ganon din siya sa akin. He mouthed 'sino nga?' Pero nagiwas na ako ng tingin.



Eh kung tanungin ko sakanya kung sino si Erica?! Hay naku! Bahala ka d'yan, Callixte! Sisimulan ko ng hindi ka pansinin, or kahit tignan man lang. Wala rin namang mangyayari sa friendship namin kung lagi siyang badtrip sa akin. Kung lagi niyang pinapakita sakin na ayaw niya sakin! Tatanggapin ko nalang iyon kesa masaktan pa ako.

Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon