CHAPTER 6.
Si Callixte ang nagttype habang sinasabi 'ko sakanya kung ano yung ieencode niya. Nasa iisang upuan lang kami at tag-kalahati ang pwet namin sa pag upo. Ayaw niya sa kama, eh. Ewan ko kung bakit. Basta sabi niya ayaw niya sa kama. Bakit kaya noh?
"What do you think? Deco stones or glasses?" Tanong 'ko sakanya.
"I go for stainless." He suggested at napalingon siya sa akin.
Napatigil nalang ako nang halos magtama na ang ilong namin. Bumalik ang tingin 'ko sa macbook pero siya, hindi gumalaw, "U-uhm osige pwede na 'yon."
Bumalik ang attention niya sa macbook at nagtype. Napatitig nalang ako sakanya while he's typing. Grabe i can't believe this is really happening! Nasa bahay ako ni Callixte and sobrang close namin ngayon! I mean.. Noon kasi never kaming nagi-interact, kasi sobrang ayaw niya sa akin and I can't name a reason why. Ngayon, kahit alam kong napipilitan lang siya, atleast naman kahit papano e nakikipag-usap na siya.. So are we considered as friends?
"How about on the 3rd floor? Rooftop or what?" He asked at nilingon ulit ako. Shetlags nahuli niya akong nakatitig sakanya!
"Rooftop tas may pool, may gazebo, small garden.. Isn't that cool?" Nilayo ko ng konti ang mukha 'ko sakanya dahil sa sobrang ilang.
Tumango tango siya at nag-type. Kaunti nalang ay matatapos na namin ang draft. Bukas na namin sisimulan yung structure na computerized. We still have to measure and everything.. Hay, hirap.
Nai-print niya na 'yung draft at muli itong binasa. Pinabasa niya din ito at tumango-tango lang ako... Actually, we based our house model to our dream house. Hahaha dyahe nga, e. Kasi di naman kami magkakatuluyan. Char.
"So bukas na natin ituloy? I gotta go." Ngumiti ako sakanya.
Tumango-tango siya, "See you then? Ihahatid na kita."
"N-no... No. Kaya 'ko. Magpapasundo nalang ako sa driver 'ko." Gustong gusto ko ihatid ako ni Callixte pero baka mamaya ay makita kami ni Dad at kung ano ang isipin niya.
Isa sa rason si Dad kung bakit never pa ako nagkaka-boyfriend. Ayaw niya. One time may inentertain akong manliligaw at hinatid ako sa bahay, Dad sent him threats. Kaya ayun. Ayokong madamay pa sila sa gulo ng buhay 'ko.
"I insist, Porsche." Kinuha niya na ang car keys niya at nag bihis ng shirt.
"Hindi na kailangan—"
"'Wag ka ngang maarte. Ikaw na nga 'tong hahatid, e. Tss. 'Likana!" Inirapan niya ako at naunang lumakad. I just shrugged. 'Don nalang ako magpapahatid sa kanto!
Pag-bukas niya ng pinto ay napatumba sina Tita Marga at Tito Clarence na para bang kanina pa nila kami pinapakinggan sa loob.
"Anobayan Ame, Dad?" Iritang tanong ni Callixte sa parents niya.
"Si Margarette." Tinuro ni Tito Clar si Marga. Pinalo naman ni Tita Marga yung kamay ni Tito na nakaturo sakanya.
"Anong ako? Hoy! Sumunod lang ako sayo!" Tita Marga.
"Ano ba kasing ginagawa niyo dito sa tapat ng pinto 'ko?" Callixte. Halatang iritado.
"First time mo kasing magdala ng babae eh, so maybe.." Tito Clarence shrugged. "Halikana nga babe. Walang kwenta 'tong si Callixte. Mabagal. Hindi nagmana sa akin." Natatawang sabi ni Tito. What?
BINABASA MO ANG
Alluring II: Alluring her innocence
FanficMeet Porsche Kaligayahan. She's the most angelic, innocent and pure woman you'll ever meet. She's almost perfect. Beautiful, smart, talented, kind.. Name it all. Lahat na nasakanya. Pero sabi nga nila.. Almost is never enough. Porsche has never been...