Chapter 17.

9.7K 437 119
                                    

CHAPTER 17.


Nanuod parin ako ng game nila. Si Callixte padin ang tinititigan ko, mukhang wala siya sa mood. Lagi naman siyang badtrip eh. What's new?




"Hey," nagulat ako nang may tumabi sa akin.




"M-martin?" Omg? Bakit siya andito?




"Yup. Kilala mo na ako agad Porsche ah." He smiled.



Nginitian ko din siya, "Madami kasing nagsisigaw sa pangalan mo nung game kahapon."



"Sinisigaw nila pangalan ko, pero ang puso ko ikaw lang ang sinisigaw." At kumindat pa siya sa akin.



Halaaa? "Haha. Naks." Ang tanging nasabi 'ko.



Magtatapos na ang second quarter. Nakatingin lang ako kay Callixte habang umiinom siya ng sting. Gustong gusto ko siya icheer kaso dapat kong panindigan yung sinabi ko kanina na hindi ko na siya papansin. Ever. Unless related sa acads.



"Kayo ba ni Montereal?" Biglang tanong ni Martin sa akin.



"Hindi noh. Wish ko lang. Haha. Bakit mo natanong?"



"Wala. Kasi kanina, ka-holding hands mo siya eh. Tapos ngayon habang naglalaro siya, panay ang tingin niya sa'yo." Aniya.



Totoo ba? Baka pinapaasa naman ako nito. At bakit naman kaya ako titignan ni Callixte? E diba nagusap na kami na hindi na niya ako kailangan bantayan? Bahala siya.



"Ah wala yan. Nantitrip lang 'yan." Sabi ko sakanya.



"Ah okay. Kung ganon.. Pwede ba manligaw?"



Napatingin ako agad sakanya, gulat. "Agad? Kanina nga lang kita nakilala eh.. Atsaka, 'di pa ako pwedeng mag-boyfriend."



"I'm willing to wait, Porsche."



Si Callixte ang gusto.. Wala ng iba. At mas lalong hindi ikaw. "Wala pa talaga sa isip 'ko ang mag-boyfriend. Sorry."




"Awww. If that's so, kahit.. Friendly date? Bawal?"



Friendly date? Hmm. Mukha namang harmless si Martin eh. "Pwede naman."




Tutal ay nakikipag-friendly date naman ako talaga.



"YES! So.. When are you free? Pwede makuha number mo?"



Ayun at nag-exchange kami ng number. Magtetext nalang daw siya sa akin. Nagkekwento lang siya sa akin about sa program niya at ganun din ako. Katulad ko ay dean's lister si Martin sa college nila. Mabait naman siya at gentleman. Hindi bastos makipag-usap.



Nagulat ako nang biglang magtilian ang mga nasa bleachers at ang mga blockmates ko. Napatingin ako sa court at nakita kong nagsusuntukan na si Callixte at Romeo. OMG?!?!



Agad agad akong napatayo at tumulong sa pagaawat sa kanilang dalawa. Nagmumurahan silang dalawa, si Callixte may dugo na sa gilid ng lips niya at si Romeo aman ay dugo ang ilong at mukhang may black eye pa.



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon