CHAPTER 44.
Paglapag ko palang sa Korea ay naexcite ako agad. Sa wakas, makikita ko na si Mommy! I'm kinda excited to meet her new family.
Naglakad ako patungo sa waiting shed and there, I saw mom. She's standing alone habang naka-abang sa entrance ng airport. I can't help but to get teary eyed. 8 years ko siyang hindi nakita! My gosh! Miss na miss ko siya!
"Mommy!" Sigaw ko. Napatingin siya sakin kaya naman tumakbo ako palapit sakanya at sinalubong niya naman ako ng mainit na yakap.
"My angel Porsche.. Miss na miss kita anak!" Paulit-ulit na hinalikan ni Mommy ang noo ko at malaki ang ngiti niya. I'm glad to see my mom happy again!
"Kamusta ka Mommy? Miss na miss kita mommy!" I hugged her tightly again and she did the same.
"Dalagang dalaga ka na anak.. The last time I saw you, you were very young that time. Ngayon, ang ganda ganda mo na anak!"
"Syempre, mommy. Mana ako sa'yo noh."
Dumiretso kami sa kotse ni Mommy at puro lang kami kwentuhan. Anang Mommy ay excited na daw ako makita ng mga half sisters ko.
Nakarating na din kami sa bahay. Second floor ito at saktong sakto lang para sa limang tao. This will be my home for the next 2 years. Excited na ako!
"So-hee, Eun-hee! Your unnie is here!" Sigaw ni Mommy. "Don't worry anak. They speak in english."
"Ah buti naman Mommy. Di pa ako masyado marunong mag-korean eh." Sabi ko naman.
May dalawang babaeng bumaba sa hagdan. Malaki ang ngiti nila nang salubungin nila ako.
"Unnie–yah! Annyeong!" At sabay pa silang nag-bow sa akin. Wowwww! Ang bait nila!
"Annyeong! Cheoeum boepgetseumnida?" (Hello! How are you?) Sagot ko naman.
"Wah! You speak fluently!" Anang Eun-hee. Ang cute ng accent nila! My gosh!
"I'll teach you korean and you teach me english. OK?" So-hee naman. Thank God mababait ang step sisters ko!
"Sure!" Sagot ko naman.
Hinatid ako ni Eun-hee at So-hee sa kwarto ko. Kwarto muna ni So-hee ang gagamitin ko kaya share sila ng kwarto ni Eun-hee.
Tinulungan ako ng mga kapatid kong ayusin ang mga gamit ko sa kwarto at nagkkwentuhan lang kami. Mas matanda ako ng isang taon kay So-hee at mas bata naman sakin ng dalawang taon si Eun-hee.
"I will be studying in the same university with you guys." Sabi ko.
"Cool!" So-hee. "I'll go with you tomorrow."
"Really?" Sobrang bait ni So-hee! Kasundong-kasundo ko siya! "Gamsateurimnida unnie–yah." (Thank you so much) Niyakap ko siya and she did the same.
Tinulungan naming tatlo magluto ng dinner si Mommy. Nagtataka ako kung bakit wala pa yung asawa ni Mommy..
"Mommy? San yung asawa mo bakit hindi pa umuuwi?" I asked.
"Every weekend lang siya umuuwi anak. May trabaho siya sa Gangnam." Tumango lang ako sa sinabi ni Mommy.
Pagtapos namin mag dinner ay umakyat agad ako at nakipag-skype kina Ivy at Aiko. Nakakainggit! Nag-sleep over si Aiko kina Ivy.. Huhuhu.
"Oh? Anong ganap sa airport scene niyo ni Callixte?" Tanong ni Ivy.
"Ayun.. Nanghingi siya ng last chance." I sighed heavily sa tuwing naalala ko yung ginawa ni Callixte.
"Ano sabe mo?" Aiko.
"Ayun. Ni-reject ko. Kasi syempre diba? Alam niyo naman na hindi biro yung pinagdaanan ko.."
Nagkwentuhan pa kami hanggat sa napag-desisyunan kong matulog ng maaga dahil maaga pa kami pupunta ni So-hee sa school bukas.
-
Maaga kaming pumunta ni So-hee sa university na pinapasukan nila. May mga apartment iyon sa loob mismo ng university. Ang cooool! Kaso nga lang ang hassle ng byahe. Kailangan ko pang mag-subway, tapos bus tapos lalakad kasi sobrang laki ng university.
Korea University... Wow. Grabe ang laki. Feeling ko, nasa isang korean novela ako dahil sa sobrang ganda ng Korean University! Grabe! Nakaka-amaze!
"Oh my gosh.. Ang laki dito.." Sabi ko sa sarili ko habang nagt-take ng pictures.
"What?" Tanong ni So-hee.
"I said this University is very beautiful."
"Ahh.."
Pumunta kami sa registrar at napansin kong marami din palang iba't ibang uri ng Asians dito. I mean, hindi lang puro korean. Sana may maging blockmate ako na kalahi ko.
Babalik pa ako dito sa next 3 days para mag entrance exam dahil iyon ang last admission para sa transferees.
Habang naglalakad kami ni So-hee pauwi ay naalala ko nanaman si Callixte. Nasan na kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya? Sino na naman kaya ang bago niyang girlfriend? Mataas ba ang mga nakuha niyang scores sa finals?
Miss na miss ko na si Callixte.. Somehow, nagsisisi ako na nireject ko siya kasi para na naman akong tanga ngayon na umiiyak habang naglalakad. Ang emotera lang ng dating parang koreanovela.
"Unnie, are you crying?" Napansin ni So-hee na lumuluha ako.
Hindi na ako nakapag-deny dahil nahuli niya akong nagpapahid ng luha, "I miss my boyfriend."
"Omo! You have a boyfriend?!" Kinikilig na tanong niya kaya natawa ako.
"Yeah." Sabi ko kahit di ko sure kung kami pa ba ni Callixte? Or mag-ex na kami?
"Oh. Me, I've never been inlove." Sabi niya.
"Why?"
"No one has ever made my heart beat very fast.. But if i find that guy, I will never let him go." She said.
I smiled, "That's right. If that guy comes, tell me immediately okay?"
"Sure, unnie! You're my bestfriend now!"
She hugged me after that. She is clingy and very lovable. Maswerte ang unang lalaking mamahalin niya.
BINABASA MO ANG
Alluring II: Alluring her innocence
FanfictionMeet Porsche Kaligayahan. She's the most angelic, innocent and pure woman you'll ever meet. She's almost perfect. Beautiful, smart, talented, kind.. Name it all. Lahat na nasakanya. Pero sabi nga nila.. Almost is never enough. Porsche has never been...