Chapter 52.

7.8K 318 134
                                    

CHAPTER 52.


PORSCHE'S POV



Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang maamong mukha ni Callixte habang natutulog. Napangiti ako habang tinititigan ko siya. Oh, dear Lord.. You know how much I love this man. You know the things I can do for him. You know that I'd sacrifice my life for him.



Lagi kong pinasasalamatan ang Panginoon dahil ipinagkaloob niya sa akin ang lalaking ito.. At syempre, ang bunga ng pagmamahalan namin na sinapupunan ko pa lang.


I traced his brows, his nose, his jawline, his cheeks, and gently caressed his lips. Sana makuha lahat ng anak ko ang features ni Callixte. That child would be so damn perfect. Syempre, perfect ang features ng ama eh.



"Good morning, my beatiful wife.." Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin and kissed my forehead. Nakapikit padin siya habang magkayakap kami.



"Good morning, my husband. Bangon na.. May klase ka pa ng 9:30." I said as I caress his back.



"Mhmm.. 'Yoko na. 'Di na ko papasok mahal ko. Umuwi na tayo ng Pilipinas." This time, hinarap niya ako habang onti-onting minumulat ang mga mata niya.



Sumimangot ako sakanya, "Baliw ka ba? Callixte.." I sighed heavily. Natatakot ako na baka ijudge ako ng mga tao. Baka ijudge ako ng mga schoolmates ko sa Brentville. At, natatakot ako sa magiging reaction ni Daddy.



Yung babaeng di maka-basag pinggan, buntis at the age of 19. Sino ba namang magaakala diba? I was their role model. I was the 'Miss Perfect' and everyone looks up to me. Tapos anong nangyari? Maaga akong nabuntis?




"Ano naman kung husgahan ka nila? They know nothing Porsche. Kahit naman anong gawin mo, do something good or stupid, huhusgahan ka padin. Pag mabait ka, sasabihan kang pakitang tao lang. Pag masama ka, sasabihan ka nilang wala kang kwentang tao. Diba? So don't worry about what other people will say." He kissed my hand nang paulit-ulit habang nakatigin sakin. "Ang importante ay tayong dalawa at ang anak natin."



I just sighed heavily as he kiss my forehead. Am i too selfless to care about what other people will say and cause pain to myself? To stress my self? As much as ayoko ii-stress ang sarili ko dahil sa pagbubuntis ko, I just can't help it.



"Mahal, wag ka na ma-stress ano ba. Please naman Porsche oh. Bawal sa buntis 'yan. 'Yan ang laging payo ng doctor kay Ame, ang huwag mag-isip ng mag-isip."



"Di ko mapigilan."



"Pigilan mo parin."



Napailing nalang ako at kinurot ang magkabilang pisngi niya, "Ang cute cute mo talaga! Grrrrr!" Gigil na sabi ko. Mas lalong nagiging cute si Callixte dito sa Korea, ang pula pula kasi ng pisngi niya. He looks so fresh. Kumbaga sa babae, blooming siya.



"A-aray.." Angal niya pero mas lalo ko pang diniinan ang pag-kurot sa pisngi niya kaya napaluha siya sa sakit. Lol ang oa ha!



Bumangon kami at naligo. We decided to go for a walk at hindi ko siya mapigilan, he was so decided na uuwi kami ng Pilipinas dahil 'don na din daw ako magpapa-ob gyne sa ob ni Tita Marga. Kinakabahan din ako magiging reaction nila ni Tito Clarence. Baka hindi nila ako matanggap dahil sa ginawa ko noon na paninira sakanila.



Oh God. I'm so afraid of judgements. Nasanay kasi akong lagi akong pinupuri. Nasanay akong laging naglo-look up sa akin ang mga tao.




Napatingin ako kay Callixte when he squeezed my palm with his, "Are you nervous?"




I sighed heavily. Pupunta na kasi kami ngayon sa bahay upang ipaalam na kay Mommy ang balak namin ni Callixte. Sobrang rush nito at kinakabahan ako na sabihin kay Mommy na buntis ako.



Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sa bahay. Feeling ko magpa-palpitate ako the moment na makaharap ko na si Mommy at ng mga kapatid ko.



"I got you, Porsche." Callixte said nang makarating kami sa bahay. I nodded at bumaba kami sa kotse niya.



Pumasok kami sa bahay at sinalubong ako ni Mommy, "Porsche anak bakit hindi ka—Sinong kasama mo?" Napatigil si Mommy and her eyes darted on Callixte na nasa likuran ko.



"Mommy, si Callixte. Siya... siya ang boyfriend ko. Callixte, si Mommy Marian nga pala."



"Pleasure to meet you, ma'am." Nag-beso at nag-mano si Callixte sa kanya. The usual filipino sign of respect.



"You didn't tell me about this, Porsche. Ang akala ko ay pinagkasundo ka ng Daddy mo sa isang Estrada?" Naupo si Mommy sa sofa at nagkatinginan kami ni Callixte.



"Nabayaran na po kasi ni Dad lahat ng utang niya kaya hindi na natuloy yung pagkakasundo namin ni Romeo." Pageexplain ko at umupo sa harap ni Mommy. Si Callixte naman sa tabi ko.




"Sino ang mga magulang mo?" Bumaling si Mommy kay Callixte.



"Si Clarence at Margarette Montereal po, Ma'am." Magalang na sagot ni Callixte. Halatang kinakabahan din siya.



Mommy took a sip on her tea at tinaasan kami ng kilay. "From Montereal group of companies right? Porsche, hindi ka ba na-inform na sila ang dahilan kung bakit na-bankrupt ang company namin ng Daddy mo? At sila din ang rason kung bakit kami nagkahiwalay ng Daddy mo. He thought I had an affair with Cleo Montereal.. ang kapatid ni Daddy mo, Callixte."



Napanganga ako... So si Cleo Montereal yung sinasabi ni Dad na naging lalaki ni Mommy? Hindi ako nakapagsalita at ganon din si Callixte. Hindi ko alam kung alam niya ito pero ako, ngayon ko lang ito lahat nalaman.




"At si Clarence Montereal ang naging kabit ng Tita Czarina mo." Mariin na sabi ni Mommy. What.....




"Wala naging kabit ang Daddy ko." Matigas na sabi ni Callixte. Shit. Shit!




"Bata ka pa non, Callixte. Muntik na mag-file ng annulment si Margarette pero hindi ko alam ang nangyari at nagka-ayos sila. Good for them pero talagang nasa lahi niyo ang mga manloloko."




"Mawalang galang na po pero kung patuloy niyo pong huhusgahan ang pamilya ko, aalis na po kami ni Porsche at uuwi kami ng Pilipinas. 'Wag po kayong mag-lala at aalagaan ko siya. Ako na po humihingi ng tawad sa kung ano man ang nagawa ng pamilya ko sa pamilya niyo." Tumayo si Callixte at hinawakan ang kamay ko kaya napatayo nadin ako.


Galit na tumayo si Mommy at hinarangan ang daan namin, "Anong babalik sa Pilipinas? Umalis ka pero 'wag mong isama ang anak ko." Pinagbitiw pa ni Mommy ang mga kamay namin at inilayo ako kay Callixte.



"M-mommy... I'm preg—"




"Dre!" Napatingin kaming lahat kay So-hee na kakababa lang ng hagdan. Napasimangot ako ng tumakbo siya papunta kay Callixte at niyakap niya ito. Huh? Kilala nila ang isa't isa? "I missed you!"



"What are you doing here, So-hee?" Tanong naman ni Callixte at inalis ang mga braso ni So-hee sa katawan niya.



"I live here. How about you? Are you visiting me?" Ngumiti ng malapad si So-hee, nag-cling kay Callixte at humarap sa akin. "Unnie, this is Dre. My boyfriend."



Parang nalaglag ang puso ko dahil sa sinabi ni So-hee. Kilala ni Callixte ang kapatid ko? And what... "Boyfriend?"

Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon