CHAPTER 50.
Hinatid ako ni Callixte sa bahay sa gabing iyon. Hindi siya sumama sa family dinner dahil kailangan niya pa daw mag-ipon ng lakas ng loob upang harapin si Mommy. Napaka-baliw talaga!
Sa gabing iyon ay magka-chat lang kami ni Callixte habang ka-video call ko sina Aiko at Ivy. Agad agad akong inintriga ng dalawa nang makita daw nila ang palitan ng post namin ni Callixte sa facebook.
"ANO? Nagaaral siya dyan sa Korea?!" Gulat na tanong ni Ivy.
Tumango ako, "He's crazy. Nag-disguise pa nga siya nung una! Kanina ko lang nalaman na siya pala 'yon." Natatawang sabi 'ko.
"Woah. 'Di ko inakala na sobrang baliw pala talaga sa'yo si Callixte." Aiko.
"True. Akala ko, yun lang yung effort na gagawin niya. Yung sa airport. Pero, gosh! Ang mag-aral sa Korea para lang habulin ka? You the one, Porsche! Bow down kami sa haba ng hair mo!" Sabi ni Ivy ng natatawa.
"'Di ko din akalain, eh. 'Kala ko talagang the end na ng storya namin pero.. Hehe. Thank God talaga."
"Parang dati ikaw yung naghahabol noh.. Pero ngayon? Haha. Ang mundo talaga ay isang malaking gulong. Noon, nasa pinaka-ibaba ka at ngayon nasa tuktok ka na." Anang Aiko. "Anong gayuma ang gamit mo?"
"BALIW!" Napatawa tuloy ako. Gayuma? Is that even real? "Anong gayuma? Wala noh! Talagang naka-destined lang talaga na mainlove siya sakin!"
Saturday bukas at may family bonding daw kami sabi ni Mommy dahil dadating si Tito, yung asawa niya. Gusto sana akong i-date ni Callixte pero ayun nga, sabi niya quality time daw muna with my family.
Finally ay nameet ko na ang bagong asawa ni Mommy. Medyo.. Creepy siya tumingin pero dinedma ko nalang iyon. Hindi ako lumalapit sakanya kasi, ewan ko ba. Ang laki ng trauma ko sa matatandang lalaki. Maybe naaalala ko lang yung pangaabuso ni Dad before.
Nag tour kami around Seoul at kumain. Malamig ang klima dito as-in kahit mag jacket ka kahit maaraw ay hindi ka mapapawisan.
"Unnie-yah, should I ask Dre for a date?" Napatingin ako kay So-hee. Halatang gustong gusto niya ang lalaking iyon kasi sobrang gwapo daw at ang talino pa.
"He should ask you that, So-hee. Not you. You're a lady." Sabi 'ko.
"But unnie, that won't work. I'm chasing him and I think it's time to make a move. Right?" Nakangiting sabi niya.
Naalala ko ang sarili ko kay So-hee. Naalala ko kung paano ako nagpapansin kay Callixte sa tuwing makakasalubong ko siya o kaya sa tuwing dadaan ako sa classroom nila nung di pa kami blockmates. Ang pinagkaiba lang ay, never kong in-approach si Callixte. Except nalang nung binantayan niya na ako. 'Don na ako nag-start na iapproach at habulin siya.
She's right. Kung gusto mo, habulin mo. Walang mangyayari sa buhay mo kung titignan mo lang siya sa malayo. Maliban nalang kung gusto mong sa ibang babae siya magkagusto. Kaya kung may crush ka, aminin mo! Before it's too late! Take a risk!
"You're right. Go, unnie. I won't stop you for that. Is he really that good looking?" I asked. Sobrang bait ni So-hee and I don't think I could survive Korea kung wala siya sa tabi 'ko.
Kung kaya ko lang siya ilakad sa lalaking iyon, gagawin ko talaga. So-hee deserves to be loved by the guy she likes the most.
"Super, unnie. And I want you to meet him soon." She said while smiling. Inlove na inlove ang kapatid ko!
Kumain kami sa isang famous restaurant sa Seoul. Naiilang talaga ako kay Tito kasi malagkit siya tumingin sakin or Am i just overthinking? Ewan ko pero kinakabahan ako. Not that I am judgemental but... Ugh. Malaki talaga trauma ko sa mga matatandang lalaki dahil sa dinanas ko kay Dad.
Umuwi din kami sa bahay pagtapos nun. Nagreview ako dahil may quiz kami sa monday. Nagulat ako nang may kumatok sa kwarto. To my surprise, si Tito. May dalang milk.
"Dangshin-eul wihae uyu." (Milk for you) Aniya at pumasok ng tuluyan sa kwarto ko. Ala una na ng umaga ah? Gising pa siya?
"Dangsin-ege appa gamsahabnida." (Thank you dad) Polite kong sabi.
Umakbay siya sakin and I felt cringey about his hands. I felt uncomfortable. Natatakot ako and I can feel my body trembling.
"Dangsin-i deo na-eun sumyeon, geugeos-eun neuj-eoss." (You should sleep, it's already late) Aniya habang taas-baba sa braso ko ang kanyang kamay. OH MY GOD HELP ME!!!
"Y-ye. Annyeong jumuseyo." Utal na sabi ko. Hinimas niya pa saglit ang legs ko at nakahinga ako nang maluwag nang umalis na siya sa kwarto ko.
Agad kong tinawagan si Callixte. Ayaw kong mag-stay dito bukas, ayaw 'kong makasama ang asawa ni Mommy ng isa pang araw. Parang hindi ko masikmura.
"Mahal.. Bat gising ka pa?" Bungad ni Callixte at halatang nagising ko siya sa mahimbing na tulog niya.
"B-babe.. P-punta ako dyan bukas." Kinakabahan na sabi 'ko.
"Sure, babe. Sunduin kita ah. Teka, ano nangyari? Are you crying?" Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako dahil sa sobrang kaba ko.
Ayokong sabihin kay Callixte.. Baka ma-stress lang siya. "Wala lang 'to. 'Wag mo na ako sunduin, pupunta nalang ako dyan ng maaga. Sorry sa istorbo mahal.. Good night, i love you." Sabi ko nalang.
"Di ka naman istorbo. Is something wrong? Gusto mo ngayon na kita sunduin?" Kilala na niya talaga ako. Alam niya agad kapag may problema ako.
"No love. Bukas nalang okay? Sige na matutulog na ako."
"Okay. I love you so much baby, goodnight."
Pinatay ko na ang tawag at pinilit matulog. Mamaya naman ay makikita ko naman si Callixte kaya nabawas-bawasan ang kabigatan ng dibdib 'ko.
BINABASA MO ANG
Alluring II: Alluring her innocence
FanfictionMeet Porsche Kaligayahan. She's the most angelic, innocent and pure woman you'll ever meet. She's almost perfect. Beautiful, smart, talented, kind.. Name it all. Lahat na nasakanya. Pero sabi nga nila.. Almost is never enough. Porsche has never been...