Introducing Me

138 7 2
                                    

Hindi ako artista pero meron akong screen name.

Wala akong boyfriend pero maraming nagmamahal sakin.

At hindi lang basta nagmamahal ah, hindi kasi ako cheap tulad ng iba na konting pa-sweet effect lang sasagutin na agad ang mga boys.

Ano sukatan ko ng pagmamahal nila sakin?

Edi sa mga bagay na binibigay nila, duh?!

Oo materialistic ako, eh ano naman ngayon?

IT’S OUR PRIVILEGE mga girls!

Don’t be cheap, easy to get, malandi, haliparot at uto-uto tulad ng mga ibang girls.

Gayahin nyo ako na nangongolekta ng mga boys pati ng mga expensive gifts nila! So that you will be sure na serious siya sayo at the same time napapakinabangan mo siya.

Anyways, I’m Magi Xienne Isozaki. Maxi for short. A.K.A Shey, Kim, Rica, Kath, Angel, Mina, Julie, Jaimee, at Luisa.

Kung nagtataka kayo kung bakit ang dami kong name-sung, well, yan kasi ang mga sinasabi kong pangalan ko sa mga boys na nagpapakilala sakin, nanliligaw at lumalandi,

In other word, wala ni-isa sa kanila ang nakakaalam ng totoo kong pangalan. Ang swerte naman nila pag nalaman nila yun noh!

Well, may nakakaalam naman ng totoong pangalan ko, like si mama, yung malandi kong kapatid na si Joy, ang best friend since birth ko na si Barbie at yung mga classmates ko na makakate na akala mo mauubusan ng lalaki kung makipag harutan.

Im 20 years old, still a college student, taking mass communication sa isang mamahaling PRIVATE SCHOOL EXCLUSIVELY FOR GIRLS!

Mayaman kami, but I don’t care. Hindi ako nagpapabili ng kung ano-ano kay mom kasi makukuha ko naman yun ng walang kahirap-hirap sa mga lalaki ko. At isa pa, anak lang ako sa labas.

Paano? Kasi nagpa-buntis ang nanay ko sa isang Japanese na nakilala niya sa Japan. Naging dancer kasi siya dun, kaso pinerahan lang siya nung lalaking yun buti na nga lang at tinanggap parin siya ni Tito Ferdinand tapos ayun nagkaron sila ng another anak na si Joy. Although dun ako nakatira sa bahay nila, di ko feel ang belongingness tsaka lagi lang kami nag aaway ni Mom at Joy dun, kaya nga hinihiling ko na sana regaluhan ako ng isa sa mga lalaki ko ng Condo unit.

I take all people for granted except si Barbie. You can call me a user but atleast I’ve never been a plastic. Once na sinabi ko na pangit ka, believe me pangit ka talaga.

Yet, sa mga lalaki ko, hindi naman ako choosy na kailangan gwapo, macho, may abs, matalino at kung ano ano pang ideal yun, ang sakin lang basta generous ka at mayaman, pasok ka na sa standards ko.

Napatol ako sa mga mukhang bisugo, sugpo, paa at pogita na lalaki, hindi naman ako ang kawawa pag kasama ko sila eh kasi maganda ako kaya mag mumukha lang silang chaperone or bodyguard ko.

Maybe you’re wondering why am I doing this, simple lang kasi, ayokong mag pauto sa mga kasinungalingan at panloloko ng mga boys. Ayokong magmahal pero gusto kong minamahal, ayoko maging madrama pero gusto kong iniiyakan, at higit sa lahat, I want to be a role model to those tanga out there! Hello sainyo!

So here’s my personal conditions para malaman kung seryoso ba talaga sa isang boy sa girl.

1.     If he’s finding a way to talk to you no matter how crucial the situation is.

2.     If he wants you to meet his family. (as in buong angkan nila)

3.     If he always treat you with respect. (yung tipong parang ikaw ang nanay niya)

4.     If he doesn’t want to keep you waiting. (dapat us girls ang nagpapahintay sakanila)

5.     If he keep his words. (like when he said he’ll call you at exactly 3:00 am and he did. It’s up to you nalang kung sasagutin mo o hindi)

6.     If you’re the only one he wants to be together with. (yung kahit di pa kayo hindi siya lalapit sa ibang girls unless may 50 valid reasons para gawin niya yun)

7.     If he’s telling you everything. (well, medyo mahirap malaman kung totoo ba talaga yung sinasabi ng isang lalaki lalo na kung wala sa itsura niya but yung tipong ina-update ka niya on what he’s doing, yung kahit na di mo naman talaga kailangan malaman pa eh sinasabi parin niya)

8.     IF HE’S SPENDING HIS MONEY TO MAKE YOU HAPPY. (being generous yan talaga ang gusto ko sa mga boys)

So now, kung hindi manlang umabot sa tatlo ang attitude ng boylet mo sayo, well MAGALING! ISA KANG MALAKING ASSUMING NA SESERYOSOHIN KA NIYA!

Sa tingin mo ba sa pagiging PDA nakikita kung seryoso ang isang lalaki? Kung seryoso siya sayo hindi ka niya pag mumukaing malandi sa harap ng maraming tao!

Tutal kilala nyo na ako, so let’s start my story.

Hello! My Name Is...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon