HMNI: SPECIAL CHAPTER

31 2 3
                                    

Dedicated kay ate Marren kasi siya yung unang nag message sakin ng appreciation. haha! :)

------------

Special Chapter

“Hello? Barbs? Nasaan ka na ba? Nag aalala na kami ni Tita sayo eh.”

“Mags, I need your help.”

“Nasaan ka ba? Pupuntahan kita.”

“Magi… sumabit kasi ako sa isang gulo eh.” Sa tune ng boses niya halatang problemado siya

“huh? Barbs pwede bang diretsohin mo nalang?”

“ganito kasi yun…ano…uhmmm…kasi…”

“JHASVIE! If I were you sabihin mo na right now before I hang up the phone!”

“OKAY! NAG-CASINO AKO AND UNFORTUNATELY NATALO AKO. AS IN LAHAT NG PERA KO NAUBOS. AND THE WORST IS, NAGKAUTANG PA AKO NG 20 THOUSAND. OAYAN MASAYA KA NA?”

“Anong sabi mo? Nag-casino ka?”

“Oo bestie, please help me. I need you talaga. And please don’t tell this to Mommy.”

“Nasaan ka ba?”

“Casino nga!”

“saang Casino gaga!”

“sa Tagaytay.”

“Osige hintayin mo ako diyan. Wag kang aalis ah!”

“Paano ako makakaalis kung ni-singkong duling wala ako?”

“kaya nga hintayin mo ako jan diba?”

“oo na! anyway…thank you Magi. Hindi ako nagkamali ng tinawagan.”

I ended up her call tapos tumakbo pabalik ng condo ko para kunin yung wallet ko. Nako! Buti nalang talaga at sobra yung na-withdraw ko. I think kakasya naman yun.

Nung tiningnan ko yung  wallet ko. Saktong 20k ang natitira sakin. Jusko!

Pumunta ako sa banko para mag withdraw. Hindi kasi uso sakin ang ATM card eh.

Sa kasamaang palad, Ubod ng haba ang pila sa banko. Damn it!

Around 6:30pm na ako nung nakalabas ng banko. Buwisit naman kasi tong si Jhasvie eh! Napaka-wrong timing! Kung kaninang umaga sana siya nag-casino at nagkautang edi sana hindi ako matatagalan sa pag sundo sakanya!

Pasakay na ako ngayon ng bus pa-tagaytay.

Badtrip! Pagminamalas ka naman talaga! Wala akong nakikitang bus pa-tagaytay ah.

Tapos may mga lalaking kanina pa nakatingin sakin. Kailangan kong mag-ingat. Ang laki pa naman ng perang hawak ko.

Naglakad ako palayo sakanila. Hindi naman sila sumunod. Haaayy! I thought may mangyayaring masama eh.

Nung may nakita akong bus na-pa-tagaytay, kahit standing ovation, sumakay na ako. This is for the sake of my best friend since birth naman eh.

Grabe. Over naman talaga sa sik-sikan sa bus na to. Daig pa sardinas eh. Tapos yung katabi kong lalaki proud na proud sa body odor niya habang nakahawak siya sa handle bar ng bus. Talagang pinagsisigawan ng kilikili niya na may amoy siya, magkabilaan ba naman kasi ang tininataas eh.

Tapos yung couple na nakaupo sa harap ko. Poorita at poorito! Nagshe-share sila sa iisang straw ng drink na iniinom nila. Nag-comment nga yung lola na katabi nila eh. Ang sabi, “Ang sweet niyo naman” yuck! Hindi ba nila alam that it’s gross!  Saka pambili nalang ng extra straw wala sila? How poor! And lastly, ang sweet? Oo! napaka-sweet ng mga bacteria na sine-share nila sa isa’t isa! Give and take lang ang peg?

Hello! My Name Is...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon