HMNI: Chapter 4

57 7 0
                                    

[Magi’s POV]

From: Barbs

Magsssss!!! Si Yestin yun. Binigay ko number mo! :D

“WWWWWWHHAAAAATTTT???!!!” napabangon ako bigla sa kama ko. Eh kasi naman nakakagulat na binigay niya yung number ko sa isang guy na di ko kilala eh siya tong ayaw akong ma-attach sa kung sino-sinong guy.

Hindi ko na siya ni-replyan, hindi ako badtrip sakanya or anything, tinatamad lang ako mag reply. On the other hand, tinext ko nalang yung Yestin.

To: +639169749***

Yestin, Right?

.

.

.

Sent!

Wala pang 1 minute may reply na agad siya.

From: +639169749***

Yes. :) Good morning beautiful!

*laugh* okay what’s with him? Pa-pogi points ang pag tawag sakin ng beautiful? As if effective sakin and as if hindi ko alam that im beautiful.

Again, hindi na ako nagreply.

Nag-GM ulit ako sa mga boys ko para may magawa ako for this day, wala kasi akong pasok pag Thursday and Friday, but ayokong mag-stay here at home, baka mamatay lang ako or else makapatay dahil sa galit.

To: Ralph;Mike;JR;Louis;Rafael;Anthony;Hermes;Daniel;Stephen;George;Francis;Joel

Im going to mall later.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sent!

Alam na nila na nag papasama ako pag ganon ang text ko.

Ang first 6 na mag reply, sila ang pipiliin ko na samahan ako sa pag sa-shopping ko. Syempre each of them will have a time limit. Pwede na siguro ang 1 hour?

-

Sina Louis, Hermes, Stephen, Rafael, at Francis ang mga lucky guys na naka-date ako. As usual sila ang sumagot ng mga pinamili ko, besides pa dun yung flowers and chocolates nila na binigay sakin nung nag kita kami ah.

Nakabili ako ng 10 pairs of heels, 10 pairs of shoes, 15 dresses from Forever 21, 5 tops, 5 jeans, and 3 expensive perfumes, odiba? Isipin nyo nalang kung anong itsura ko sa dami ng mga pinamili ko.

I treat them din naman before matapos yung tig-one hour nila binilhan ko sila ng two doughnuts from Jco. Atleast nanlibre diba?

Kung medyo naguguluhan kayo kung pano ako nakipagdate sakanila, I’ll make it clearer…

Ang first na kasama ko ay si Hermes, 12pm yun, syempre dahil secret nga na madami akong boys at iba-iba pa ang name ko sa bawat isa sakanila, ang sinabi ko kay Louis na kasunod niya ay 1pm kami magkikita sa mall, then yung mga pinamili ko with Hermes inalagay ko agad sa car ko para wala akong dala at kunwari kakadating ko lang. then ganun din yung ginawa ko hanggang sa huli kong ka-date.

Hindi parin na-gets? Okay! Ganito..

Nakipag kita ako kay Hermes ng 12pm, nag shopping kami at before matapos ang 1hour niya with me nilibre ko siya ng Jco then inilagay ko sa car ko yung mga binili namin bago makipag kita kay Louis. Kuha na?

Alam ko naman kasing maguguluha kayo kung pano ako nakipagdate sa 6 na tao eh. Basta laging ganun.

Dahil sa nakakagutom ang pag sa-shopping at sawa na ako na lalaki ang kasama (for this day lang ha), tinext ko ang matakaw kong best friend since birth.

To: Barbs

Oy! 7 pa uwian mo diba? Sunduin kita pakainin mo ako nagugutom ako. Salamat!

.

.

.

.

Sent!

-

Nagdrive ako papunta sa La Felipeciano University (school niya) at hinintay siya dun sa may lobby ng building ng course nila.

Lahat ng mga dumadaan, nakatingin sakin. Lalo na yung mga boys.. siguro kasi hindi ako naka-uniform kaya sila nakatingin pero malamang nagagandahan sila sakin.

May isang lalaking lumapit sakin, he gave me white rose.

“take this rose beautiful”

Kinuha ko yung rose, then may lumapit ulit sakin na guy may white rose din siya at binigay niya sakin yun.

Ang weird. Anong nangyayari? May tradition ba dito na pag may outsider bibigyan ng white rose? First time ko kasing pumasok dito. Sa parking lot lang kasi ako pag hinihintay si Barbie.

Umabot ng 28 roses ang nakuha ko from different guys. Kahit weird, tinanggap ko yung roses nila. Sayang naman kasi no.

Then I heard Barbie’s voice

“Mags!”

Tumingin ako on the left direction where her voice came from. Then I saw her…with a guy. But I don’t care

“Barbs, may mga guys na…”

“29” pinutol nung guy na kasama niya yung sinasabi ko at sinagaw yan.

Tumingin ako dun sa guy ng masama as he walk closer to me.

“it’s 29 of September when I first saw you”

Then inabot niya sakin yung red rose na tinatago niya sa likod niya. Yun yung pang 29th rose na nakuha ko at sakanya lang yung red. Ang weird.

Kinuha ko yung rose na binibigay niya, ang dami kasing nakatingin samin tsaka saying yung rose ang ganda kasi ng pagkaka-bloom niya.

“I’m Yestin” he smiled.

I smiled back then tumingin na ulit kay Barbie.

“barbs, tara na.”

Lumapit siya samin ni Yestin.

“No. I’ll go first kasi, I booked you a date”

“date? With whom?”

“with him” tinuro niya si Yestin

“I cant do that!”

“I already did Mags. Ipapahiya mo ba ako sakanya?”

“okay fine!” what’s with him ba kasi? Bakit pinagpipilitan ako ni Barbie sakanya?

Wala akong nagawa kung di makipag date kay Yestin, dinala kasi ni Barbs yung car ko.

Habang nasa byahe, papunta dun sa restaurant na sinasabi ni Barbie, walang nag sasalita samin. Ayoko din na ako ang unang mag salita. Di naman ako yung lalaki eh, so why do i?

Mejo mahaba yung byahe kasi sa isang resto sa tagaytay yung venue.

8:45pm na nung nakapunta kami sa resto. Maganda yung place. Halatang mamahalin. At kahit na simple dress lang ang suot ko, stunning parin ako kasi nga maganda ako.

At mukhang tao ang kasama ko.

Lahat nakatingin samin habang naglalakad kami papuntang reserved table para samin.

For VIP customers yung table na naka-reserved samin.

Wow ha? Is this for real? First date with a stranger and first time to be at VIP table in a luxury restaurant.

My boys should bring me here next time.

----

Hello! My Name Is...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon