HMNI: Chapter 9

32 6 0
                                    

Chapter 9

[Magi’s POV]

“Pumasok na kayo, pasensya na mga iha ha kung doon ko pa kayo sa back door idinaan, masyado na kasing maraming tao sa front door. Tsaka kung dito kayo dadaan, mas malapit to sa table na naka reserved sainyo. Nandun naman yung pangalan niyo eh kaya makikita nyo agad yung table niyo, okay?”

While we’re on our way here sa Vogue Hotel, I really feel that something bad will happen. Ayoko ng ganitong instinct kasi once na ganito ang nararamdaman ko, 100% guaranteed na may mangyayaring hindi maganda.

Kung hindi ko ba naman kasi bestfriend since birth itong si Jhasvie Neri Fuentabella hindi talaga ako sasama eh.

But I really love the boutique na pinagdalhan sakin ni Barbs. Nakapagtataka lang na bakit sa dinami-raming evening gowns dun, yung mga black lang ang pina-fit sakin. But infairness, the gown suits on me. Even yung stylist nila dun, ang galling mag ayos. I would bring my boys there tomorrow para makapag-shopping ako. At syempre TREAT NILA YUN.

The moment na pumasok kami sa event center, napansin ko na lahat ng nakikita kong bisita naka white. Naghanap ako ng naka-black while following Barbs papunta sa table na naka-reserved samin, but unfortunately, wala ni isa ang naka-black. AKO LANG. DARN IT! NAKAKAHIYA!

Almost all the people’s eyes laid on me, yung iba pa nga halatang-halata na pinag-uusapan ako. I love being the center of attraction but not this way. Tapos si Barbs, manghang-mangha sa mga nakikita niya, MAYGAD! Is it the way a rich girl should act?

Nung tumingin siya sakin, I gave her a “explain this to me, RIGHT NOW” look. Pero she looked away.

Later on, may nagsalita that took everyone’s attention. Exception ako dun kasi umupo ako. I don’t want to feel so much embarrassment. Baka mas madami pang makakita sakin with this black evening gown.

Good thing, nasa corner ang table namin kaya di masyado pansinin.

”Good evening everyone! I thank you all for being here tonight. pero mas higit kong pinasasalamatan ang parents ko na nag booked pa ng flight way back here para lang maka-attend ng party ko. And now that I turned 20, mas naging mature na ako mentally.”

I analyzed kung kaninong voice yung nag sasalita. At nung tumingin ako sa stage, hindi ako nagkamali. It is him. It is Yestin.

Birthday niya ngayon? Sakanyang party to? Bakit hindi niya sinabi sakin?

Tumayo ako para mas makita siya.

“ Hindi na ako yung Yestin na makikitang naglalaro ng toy cars, hindi na ako yung Yestin na ma-tropa, ako na ngayon yung Yestin na tagapag mana ng Miatari Group of Companies.”

“Hey barbs!” mahina kong tawag sakanya, pero bingi ata ang peg niya ngayon.

“and one more thing, I want to acknowledge the presence of the daughter of Mr. Ferdinand Lopez. The girl, wearing a black evening dress over there”

Biglang tumapat sakin yung spotlight.

DAMN! What is this?

I look at my surroundings and they’re all looking at me.

Tumingin ako kay Yestin.

“Ms. Magi, the daughter of Mr. and Ms. Lopez, handa ka na bang malaman nilang lahat ang tinatago kong sikreto tungkol sayo?, handa ka na bang mabunyag ang lahat?”

I look away.

Anong ibig sabihin niya dun? Wait! Ano ba talagang nangyayari dito?

My heart’s trembling.

Hello! My Name Is...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon