Chapter Two

4.4K 78 0
                                    


Chapter Two

"Allyna I want you to meet Mrs. Gerlyn Hans-Voux, the subject's mother," ipinakilala ni Kean ang isang may katabaan ngunit mestiza at magandang ginang sa dalaga.

Hindi maikakailang ina ito ni Gerard Voux dahil iisa ang kanilang mga mata. Nalaman niyang may lahi pala ang mga itong Italyano kaya tila banyaga ang itsura nito lalo na ang mga mata nila.

"Good morning, I'm Allyna Martinada. I am pleased to meet you, Ma'am," nakipagkamay siya sa ginang.

Tinanggap naman ito ng huli at nginitian siya nang kaunti. Her presence is a bit intimidating to Allyna. Her look seems serious a lot of times,mukhang alam niya na kung kanino nagmana ang Gerard na iyon.

"As your business partner have said, I'm Mrs. Voux," pakilala nito at saka sila sabay na naupo.

Napili ni Kean na iset ang meeting nang naaayon sa convenience ng ginang. Kasalukuyan sila ngayong nasa Dalkom Café malapit sa salon kung saan ito nanggaling.

"So I assume Mr. Hendrez already did some briefings to you regarding my son's marriage life?" tukoy ng ginang kay Kean.

She nodded, "Ah yes Ma'am. And just for your info, I have already met the couple last night on my friend's birthday party."

"Oh that's good. So you are friends with Maureene Lavato?"

Hindi na siya nagulat na kilala ni Mrs. Voux ang kanyang kaibigan. May nasasabi rin kasi sa buhay ang pamilya ni Maureene dahil may-ari sila ng mga manufacturing companies locally. Mas pinili nga lang ng kaibigan na tumayo at mabuhay sa sarili nitong mga paa. Hindi inaasa sa karangyaan ng pamilya ang buhay.

"Yes Ma'am. May I just ask if I have certain deadline for this job?"

Umangat ang kilay ng ginang, "No, hija. I won't rush you since I know na hindi ganoon kadali ang trabahong ito. As long as you finish this clearly and smoothly, I won't mind if it takes too long. Pero huwag mo naman sanang paabutin sa hukay ko ang trabahong ito, Miss Martinada."

She laughs at the lady's joke, "No, Ma'am. I assure you I can finish this as soon as possible. And also, I'll make sure not to get your name here."

"I suppose," segunda nito. "In fact I have already made a contract regarding this. Just tell me kung may gusto kang baguhin, hija."

Iniabot nito ang dalawang puting folder sa kanila ni Kean. Binuksan nila iyon at doo'y nakita niya ang nakasaad na terms and conditions ng trabahong ipinapagawa nito sa kanila. Tulad ng sinabi ni Kean, only photos of her together with Gerard are required to get the work done. Hindi siya pinipilit nito na gamitin ang kanyang katawan, as long as mapapaniwala ang lahat, lalo na ang asawa nito na may relasyon sila ni Gerard.

"Hindi ba kayo natatakot na masira ang dignidad at pangalan ng anak niyo sa gagawin kong ito?"

Gusto niyang manigurado dahil baka sa huli ay makasuhan pa siya dahil ngayon lang siya naka-encounter na sariling anak ang masisiraan sa pinapatrabaho ng kliyente niya. Karaniwan kasi ay side ng babae ang kumakausap sa kanya, dahilan upang masira ang pangalan ng kabilang kampo.

"No hija, alam ko ang ginagawa ko. Hawak namin ang media and we will make sure na magiging reasonable ang kunwaring pagtataksil ng anak ko."

Tumango-tango siya. Mukhang planadong-plano na talaga ng matandang Voux ang mga magaganap sa kanyang anak. Madali lang para sa kanya ang trabahong ipinapagawa nito ngunit, sana lang ay magtagumpay nga ito sa gagawin nitong solusyon kinalaunan. Because somehow, she cared for that guy's reputation and she doesn't know the damn reason why.

Marriage Wrecker #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon