Chapter Five
Isang linggo na ang nakalipas simula noong gabing may nangyari kina Gerard at Allyna. Isang linggo na ring kinukulit ng huli si Kean sa ideya niyang si Serena na lang ang siraan nila sa social media imbes na ang lalaki. Ngunit hindi ito pumapayag sa suhestiyon niya sa dahilang hindi naman iyon ang trabaho nila.
"But still pwede natin silang mapaghiwalay without getting his name dirty, right?" tukoy nito kay Gerard.Sa totoo lang, hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin siya sa lalaki. Kahit nga ba hindina siya nagawang tawagan nito simula nang gabing iyon ay hindi niya pa rin maiwasan na hindi isipin ang kalagayan nito. Hindi niya alam kung ano na nga ba ang sunod na naging hakbang para sa relasyon nila ni Serena. Hiling niya lang na bigyan nito ng magandang leksyon ang kataksilan ng asawa.
"D'you have any evidence para siraan ang isang Serena Ford?" seryosong tanong sa kanya ni Kean na siyang ikinatahimik naman niya. "Bakit ba pakiramdam ko gustong-gusto mong protektahan 'yang Gerard Voux na 'yan ha?"
May pang-aakusa sa tinig nito, nailang naman siya at umiwas nalang ng tingin dito, "Naaawa lang kasi ako. Siya na nga 'tong niloko, siya pa itong sisiraan natin sa madla."
But the guy didn't seem convinced, "Mabuti pa asikasuhin mo nalang 'yang pagreresign kay Brent. Natutulili na ako sa araw-araw na pagtawag n'yan sa telepono mo."
Simula kasi nang magawa nila ang plano noong gabi ng party ni Gerard ay hindi na rin pumasok si Allyna sa trabaho kay Brent. Para saan pa ang pagtityaga niyang magtrabaho sa huli gayong tapos na naman ang totoong trabaho nila. At dahil sadyang makulit ang kanyang bosssa halos araw-araw na pagcontact nito sa kanya ay sinasabihan na siya ngayon ni Kean na magresign nang maayos sa trabaho. Hindi rin naman daw kasi maganda kung iiwanan niya nalang basta ang propesyon.
Kaya naman afterlunch nang mapagdesisyunan ni Allyna na magtungo sa opisina ni Brent, napansin niyang wala pang pumapalit sa pwesto niya. Kumatok muna siya at saka dire-diretsong nagtungo sa loob.
"For pete's sake, Allyna! Where have you been?" agad na tanong nito pagkakita sa kanya. Ngunithindi na siya tumugon pa at saka tuloy-tuloy lang na inilapag ang isang sulat sa mesa nito.
"What's this?" tanong nito kahit na obvious namang may nakasulat na sa labas ng sobre na resignation letter. "But why? Hindi mo pa rin ba nagugustuhan ang mga biro ko? Or do you want me to change your office's interior design? Just tell me, Lyna. Pwede kong ibahin—"
"I'm sorry, Sir but I do have some things to do that's why kinailangan kong magresign sa trabahong ito."
Nangunot ang noo nito, "Ano yun? Do you want any help? I can offer you a hand if you want."
"No, Sir I just want to quit this job and I'm sorry if I will not be able to fulfill my job based on the length of time written on the contract. I am ready to pay for breaching the terms, Sir."
"Never mind, sabihin mo nalang sa akin ang totoong dahilan ng pagreresign mo," seryoso na nitong pahayag. "Dahil ba ito kay Voux?"
Bigla ang malakas na pagkalabog ng puso niya nang banggitin nito ang pangalan ng lalaking isang linggo nang hindi maaalis-alis sa isipan niya, "What do you mean?"
"I saw your note on Gerard's side table that night, Lyna."
Nanlaki ang mga mata niya. Nabasa nito ang sulat na iniwan niya noon sa lalaki, pero paano naman kaya ito nakasiguro eh hindi naman niya nilagyan ng pangalan niya yung sulat?
"I know your handwriting, Allyna," tila sagot nito sa katanungan niya sa isipan. "At ang pagkawala mo sa buong gabi ng party ay sapat ng basehan upang kumpirmahin ang nasa isip ko na ikaw nga ang kasama ng Voux na 'yun sa buong magdamag. God, I didn't even thought na magagawa ng isang 'yun na gumanti sa mahal na mahal niyang asawa and I hate him for using you, Lyna!"
BINABASA MO ANG
Marriage Wrecker #Wattys2017
Aktuelle LiteraturAllyna Martinada is not your ordinary girl. She's a girl who has a hobby. A hobby of wrecking anyone's marriage. Gerard Voux is a multi-billionaire with undeniably good looks and oozing sex appeal, and he became one of Allyna's victims. She created...