Chapter Seven

4.3K 95 2
                                    

Chapter Seven

Lumipas ang pitong buwan ng pagiging sikretong magkarelasyon nina Allyna at Gerard. At hindi na mapigilan ng lalaki na unti-unting makaramdam ng guilt sa pagpapaasang ginagawa niya sa babae. Hindi niya alam kung bakit hindi niya na magawang bitawan ito tulad ng nauna niyang plano.

Five months lang ang ginawa niyang palugit sa sarili upang paibigin nang husto ang dalaga upang sa huli ay iwanan rin sa ere. Laking pasalamat niya pa nang hindi ito magtaka sa biglang pakikipagkaibigan niya rito. Indeed, she is just a naïve girl. But as she gets to know the girl better, may kung anong nag-uutos sa kanya na huwag muna itong iwan. Sa bawat ngiti kasi na nakikita niya sa mga labi ng dalaga ay tila nakakagaan rin ng loob kay Gerard. At hindi niya lubos maisip na siya ang magiging dahilan ng pagkawala ng mga ngiting iyon. Para bang ayaw niya nang mapalitan ng luha ang kasiyahan ng babae.

For the past seven months ay hindi akalain ng lalaki na makakaramdam rin siya ng kasiyahan sa puso sa tuwing kasama ang babae. Ayaw man niyang aminin ay nagugustuhan niya ang company nito.

"Wala ka na ba talagang ibang kamag-anak dito sa Manila, Lyna?" tanong niya sa dalaga minsang nagkukwentuhan sila sa veranda ng condo nito.

Umiling ito habang nginunguya ang paborito nitong blueberry cheesecake. Nagpatuloy siya sa pagtatanong, "Anong kinamatay ng parents mo at ilang taon ka noong naulila ka?"

"I was ten years old nung malaman kong second family lang pala kami ng papa ko. My mom, being as selfless as she was, palaging ayos lang sa kanya na second option lang kami ni Papa. Madalas na nga akong nagtatanong sa kanya noon kung bakit bihira lang pumasyal sa amin ang papa ko, and she was always saying na may important matter lang na inaasikaso ang papa ko."

Napatingin nang mariin ang lalaki kay Allyna, tila inaarok kung apektado pa rin ito sa nangyari sa mga magulang. At mukhang positibo ang sagot dito dahil tila gusto nitong maiyak habang nagkukwento.

Nakilala niya si Allyna Martinada bilang isang matatag at independent na babae. Ika pa nga nito minsan sa kanya, karamihan umano sa mga nakakakilala sa babae ay nangingilag dito dahil sa mukhang masungit at nakakaintimidate nitong ekspresyon ng mukha. Ngunit sa kabila ng mga katangian na iyon ay siya lang ang nakakaalam ng tunay na katangian ng isang Allyna. Sa kanya lang nagawang ipakita ng babae ang pagiging soft-hearted at iyakin nito. Sa kanya lang nagawang ipagkatiwala nang lubos ng babae ang sarili.

"And then my father died due to heart attack. Ito yung time na nag-aaway daw ito at ang tunay nitong asawa. Sa sobrang sama ng loob ng father ko sa asawa nito sa paglulustay ng pera nila ay nanikip ang dibdib niya at sinamang palad na masawi," lungkot ang kababakasan sa kanyang mukha. "And almost a month after my father died, dala na rin siguro ng sobrang depression kaya nagkasakit si Mama at nagpatuloy sa pagpayat. Weeks after nang tuluyan na siyang sumunod kay Papa," inalo niya ang dalaga nang tuluyan nang rumagasa ang mga luha nitong tila kanina pa nito pinipigilan.

"Don't worry, Lyna I will be here. Hindi ko hahayaang mag-isa kang muli, I won't let you get hurt and be left alone," hindi malaman ni Gerard kung saan niya nahugot ang mga salitang iyon na sinabi sa dalaga.

Malapit na ang anibersaryo ng relasyon nina Allyna at Gerard at nag-iisip ngayon ang dalaga ng ireregalo sa kasintahan. Gusto niyang gawan ito ng isang pre-customized gift na paniguradong magugustuhan nito.

Kaya naman naisipan niyang mag-bake ng cake with chocolate flavor na siyang paborito nito. Dahil hilig niya naman ang pagbebake kaya hindi na siya nahirapan pang gawin itong perpekto. Isang oras bago ang usapan nila ng pagdating nito ay natapos rin ang kanyang ginagawa. Inayos niya na lamang ang mesa at saka tinungo ang banyo upang linisin naman ang sarili.

Marriage Wrecker #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon