Chapter Eight

4.3K 96 0
                                    


Chapter Eight

Nine years later...

Masaya at simple ang pamumuhay ni Allyna sa probinsya ng Pangasinan kasama ng kanyang anak na si Gella. Eight years ago nang ipinanganak niya ang isang malusog na batang babae sa Umingan, Pangasinan malayo sa Maynila kung saan niya iniwan ang lahat ng masasakit na alaalang dulot ng kanyang nakaraan.

Nagpatuloy siya sa pagsusulat hindi lamang sa sarili niyang blog, kundi sa isang maliit na magazine publisher sa probinsya. Naging isa siyang full-time feature editor at masaya siya sa trabaho dahil unang-una ay hindi niya obligasyon na pumasok araw-araw sa opisina upang magtrabaho. Hawak niya ang kanyang oras at dahil doon ay natutukan niya rin ang pagiging ina sa kanyang anak.

"Mommy my teacher told me that I will be representing our school for poetry writing contest in Manila," excited na pahayag ng batang si Gella sa ina pagkarating nito galing eskwela.

Ngunit kung anong saya nito ay siya namang takot ang agad na bumakas sa mukha ni Allyna, "Manila?"

Tumango-tango ito, "Yes, mommy. Next week, we will be going to Manila for the National contest. Aren't you proud of your daughter, mom?"

Matigas siyang tumanggi sa anak, "Hindi ka pwedeng sumama sa kanila, Gella."

Biglang nalungkot ang mukha nito, "But why, mommy?"

Pinantayan niya ang kanyang anak at masuyong hinaplos ang maumbok nitong pisngi, kuhang-kuha nito ang mga mata ng ama at ekspresyon ng mukha, "Dahil magulo sa Manila, baby. Baka kung ano pang mangyari sayo dun kapag sumama ka sa kanila."

But her daughter doesn't seem convinced, "But I already told teacher that I will be joining. Besides kasama naman po ang mga parents sa contest eh."

Naawa siya sa anak na tila maiiyak na ang itsura, niyakap niya na lamang ito at saka marahang hinaplos ang buhok, "Bahala na, next week pa naman 'yun.Mapapag-usapan pa natin yun, anak."

A week has gone too fast at ngayon ay nakaempake na silang mag-ina para sa darating na National Poetry Contest ng Umingan Elementary school na gaganapin sa Maynila. Abut-abot ang kaba ni Allyna hindi dahil sa patimpalak na sinalihan ng kanyang anak, kundi dahil sa posibilidad na magkrus ang landas nila ni Gerard pati na ng anak nilang si Gella.

Hours passed nang makatuntong siyang muli sa Manila Terminal kasama ng iba pang mga estudyanteng kasali rin sa iba't ibang contests kasama ang mga magulang nito.

Sa isang paaralang elementarya sa Pasay ginanap ang patimpalak. Seryoso ang anak niya habang nasa unahan at may hawak na lapis at papel dahil sila ang unang isinalang ng mga guro ng eskwelahang main host ng event.

Nginitian niya ang anak na si Gella na hindi kakikitaan ng kahit na anong kaba sa mukha. Matalino kasi ang anak niya na siya namang ipinagpasalamat niya dahil paniguradong namana nito ang katangian sa ama. Binigyan sila ng isang oras upang bumuo ng magandang obra na siya ring babasahin nila sa harap pagkatapos.

Nakatanggap ng masigabong palakpakan ang kanyang anak matapos nitong basahin ang nakakaiyak na tula nito tungkol sa kanilang mag-ina.

Even though I always seem to ask you where he is...

I just want to thank you that though I don't have a dad.

You're always there to protect and guide me.

And I thank you for being a great Mom.

Ito na kasi ang huling nagbasa ng tula at ito rin ang may pinakamalakas na palakpakang natanggap. Proud siya sa anak niya na kahit pinalaki niyang walang ama na palagi nitong tinatanong sa kanya, ay lumaki naman itong mabait at maunawain na bata.

Marriage Wrecker #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon